Really? Sa lahat ng gusto niyang malaman tungkol pa talaga sa kanila? Pagkakataon nga naman.
"Iyon talaga? Puwede bang iba na lang? Hindi kasi ako kumportable sa topic na 'yan eh" my face turned white speaking those words. Napangisi siya.
"Bakit ba parang sukang-suka kang ikuwento 'yong tungkol do'n?"
"Because I hate preaching about those asshole traitors!" napayuko ako saka ako tumingin sa kaniya.
Napalakas ang boses ko so I thought she might look scared or at least shocked pero ako ang nagulat.
She's smirking and has a blank look on her face.
"'Yong tungkol sa pamilya mo nasabi mo sa akin tapos 'yong mas mababaw hindi mo makuwento? May lahi ka bang tanga?" asik niya saka niya ako binatukan.
"What the hell?" inis kong sigaw sa kaniya. "Bakit mo ba ako binatukan?"
"Baka sakaling mawala 'yong katangahan mo at masagot mo 'yong tanong ko sa 'yo" maangas na sagot niya saka bumuntong hininga.
Tinignan ko siya ng seryoso saka ako nagsalita.
"Fine, para tumigil ka na kakasatsat diyan" hinawi ko ang buhok ko saka nagkuwento.
FLASH BACK
"Lyndon! Bilisan mo naman diyan! Para ka namang hindi pro eh!" malakas na sigaw ni Harold saka inilawan ang hallway gamit ang flash light niya.
Madilim ngayon sa loob ng school dahil past midnight na. The three of us sneaked through the open school window para makapasok dito sa loob.
"Darn, hindi naman talaga ako pro eh! You should be the one to do this! Kayo naman ni Dave ang naka isip nito eh!" inis kong sigaw habang patuloy kong sinusubukang buksan ang office ni Mrs Echavez.
"Dude, we trust you with this thing. Alam mo namang hindi kami marunong sa ganiyang mga bagay 'di ba?" sulsol ni Dave. "Sige na dude, kailangan naming maipasa 'yong test sa math"
I sighed.
"Iyon na nga 'yon eh!" tumayo ako ng maayos saka ko sila hinarap. "Hindi ba sinabi ko sa inyo that I will teach you that subject? Pero anong ginawa niyo? Nambabae lang kayo, sinayang niyo 'yong oras!"
"Dude naman, wala na eh. Tapos na kaya wala na kaming magagawa. Kung alam lang namin kung paano magbukas ng knob using wire kami na gagawa niyan eh. Bukas na 'yong test so please lang naman, tulungan mo kami. Kung totoong kaibigan ka namin gagawin mo 'to" The hall was dark but I can see the look on Harold's face, he looked so defeated.
"Oo nga dude. Sige na, we can't afford to have a failing mark on this subject again. Baka kasi hindi na kami maka-pasa, alam mo naman na hindi kami matalino katulad mo eh" Dave sighed. "Isa pa, ito na lang rin 'yong ultimatum na binigay ni principal para hindi kami ma-kick out dahil sa mga kalokohan namin. Dude, this is the only way we can think para hindi kami bumagsak, sige na Lyndon" he added with a tone of desperation in hos voice.
Wala na akong iba pang nagawa kundi ang buksan ang door knob. I tried trusting the cable wire in and out at all possible direction 'till the door flung open creating a weak creeking sound echoing throughout the hall.
"Ayan! Dali pumasok ka na doon dude, nakita kong nilagay ni Misis Echavez 'yong test paper sa brown folder sa lower drawer ng table niya" Dave informed me.
Napakunot noo ako.
"Akala ko ba ako lang 'yong magbubukas? Tapos ko na, kayo na kumuha sa test paper!"
"Sige na dude" humawak si Harold sa balikat ko. "Let's just count this as one of those challenges we'll encounter dito sa pagkakaibigan nating tatlo"
BINABASA MO ANG
✔FREYA (COMPLETED)
Romance"And her name is Freya..." Ang kuwentong ito ay isang boring na adventure ng isang anti-social na lalaki at ng babaeng baduy na naka-tira sa tapat ng bintana niya. Date started: April 22, 2020 Date finished: July 05, 2020