Pagkatapos ng isang linggo ay na-discharge na ako sa hospital. Sa totoo lang, ayaw ko pa talagang umalis muna do'n dahil hindi ko alam kung paano ako makikitungo sa mga tao dito sa bahay.
Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin talaga ako nakikipag-usap sa kanila. Kung gaano kalayo 'yong distansiya namin no'n sa isa't-isa-mas lumaki pa ngayon. Though Beatriz----my so called biological mom tried to reach out for me numerous times, hindi ko siya pinapansin. Hindi ko rin talaga maatim na makausap siya after hiding the reality my whole time of existence.
Pero hindi ko makuhang magalit sa babaeng kinilala kong ina, sapat na kasi sa 'kin 'yong pagmamahal at pagpapahalaga na ibinigay niya sa 'kin para hindi ako magtanim ng galit sa kaniya. And besides, I never felt something off when she's still alive----tinuring niya talaga akong parang anak niya.
Napabuntong hininga ako saka ako humiga sa kama ko. Sabado ngayon ng umaga, tirik ang araw pero hindi ganoon kainit. Mag-iisang linggo na rin akong hindi lumalabas ng bahay, hindi rin kasi ako pinayagan ng doktor na pumasok sa school----he told me that I still need to rest for at least a week para tuluyan ng bumalik 'yong lakas ko. Pero parang mas lalo lang akong manghihina dito sa bahay, I'm so bored to death.
Napatingin ako sa bintana ng kuwarto ni Freya, sa buong linggo na hindi ako halos lumalabas ng kuwarto ko----I never saw her window oppened, we also never talked on the phone. But the thing is, umaakyat siya sa bintana ng kuwarto ko saka siya biglang pumapasok dito sa loob. Minsan pa nga, tulog ako. Magigising na lang ako dahil sa ingay ng kung ano-anong ginagawa niya.
I also warned her a lot of times na sa main door na lang maglakad dahil delikado 'yong ginagawa niya pero she insisted na mas astig daw pag do'n siya maglalakad.
Xander and I also talked through the phone, siya 'yong nag-uupdate sa 'kin ng mga ginagawa sa school and other stuffs. Noong isang araw, nagpunta siya dito para ipahiram 'yong notes niya no'ng nakaraang buwan. Ang weird nga lang kasi pagkapasok na pagkapasok niya no'n sa kuwarto ko, bigla siyang napatulala sa bintana ni Freya saka siya biglang tumingin sa 'kin.
I tried to ask him kung may mali ba but he just shrugged saying na wala lang daw 'yon.
The first time na nakauwi ako dito sa bahay at nabuksan 'yong mga social media accounts ko, I was flooded with a lot of get well soon messages from school at sa kung sino-sino pang hindi ko naman kilala.
Napabuntong hininga ako saka ako napapikit.
I never thought that the moment we came to this place will reveal all the concealed secrets of my identity, maraming bagay na rin sa buhay ko ang nagbago at nakakilala ako ang mga tao na masasabi kong kaibigan ko talaga.
Tumingin ako sa puting kisame ng kuwarto ko saka napaisip.
Freya did not leave the country for me, and that makes me bloody happy. Pero kaya ko pa rin bang umamin sa kaniya ng totoo kong nararamdaman pagkatapos ng nangyari no'ng araw na 'yon?
Hindi rin birong tapang 'yong inipon ko para magawa 'yon, but sadly-it turned out the wrong way. Taliwas sa katotohanan 'yong inasahan kong mangyari.
"Hoy Zach, bakit ka nakatulala diyan? Iniisip mo na naman ako?" agad akong napalingon sa bintana, there I saw Freya sitting. Naka suot siya ng kulay itim na hoodie at jogging pants----naalala kong 'yon 'yong basta na lang niyang kinuha sa closet ko no'ng nakaraang araw.
Napakunot noo ako saka itinago ang pamumula ng pisngi ko.
"Dream on" naaupo ako saka ko siya tinignan. "At bakit naman kita iisipin aber?"
Ngumisi siya saka siya bumaba sa bintana, naglakd siya papalapit sa 'kin saka siya naupo sa tabi ng higaan ko.
"May dahilan ba para hindi mo ako isipin?" isinuot niya ang hood ng jacket saka siya humilata sa tabi ko. Tumagilid siya paharap sa 'kin saka niya ginawang unan ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
✔FREYA (COMPLETED)
Romantizm"And her name is Freya..." Ang kuwentong ito ay isang boring na adventure ng isang anti-social na lalaki at ng babaeng baduy na naka-tira sa tapat ng bintana niya. Date started: April 22, 2020 Date finished: July 05, 2020