"Sa'n mo ba kasi ako dadalhin Zach? Takte ka pag ako nakaapak ng tae pepektusan talaga kita" napahawak siya sa blindfold na isinuot ko sa kaniya nang sunduin ko siya sa bahay nila.
"Just trust me okay?" hinawakan ko ang bewang niya saka ko siya maingat na iginiya sa pupuntahan namin.
She was wearing a white long sleeves covered with a red square neck flowy dress na pinarisan niya ng isang simpleng white rubber shoes. Malayang namang naka lugay ang mahaba at alon-alon niyang buhok na isinasayaw ng hangin.
I carefully guided her as we climbed through the numerous staircase that were covered with dirt, ilang saglit lang ay nakarating na kami sa rooftop ng abandonadong building kung saan nabuo ang pagkakaibigan naming dalawa.
"Puwede mo nang tanggalin 'yang blindfold mo" I sweetly commanded. Unti-unti niyang ibinaba ang blindfold na naka suot sa kaniya.
And her reaction was everything.
Her eyes were open wide and her jaw literally dropped while she was staring at the dinner I set up for the both of us.
May apat na posteng gawa sa kahoy akong pinatayo ilang metro ang layo mula sa gilid ng rooftop. Natatakpan ng kulay puting tela na may magkakaibang disenyo ang taas nito. I also bedazzled it with a lot of white and yellow LED lights that blinked accordingly and glowed beautifuly through the twilight.
Sa loob no'n ay may isang lamisahang nababalutan ng kulay puti at gintong tela na sinentrohan ng isang babasaging flower base—naglalaman 'yon ng isang maliit na boquet ng kulay pulang mga rosas.
May nakapatong do'n na dalawang putahe ng mamahaling pagkain na inorder ko pa kanina sa isang french resto, nilagay ko ang mga 'yon sa isang transparent na mangkok—with proper and outstanding garnishing. Beside it was two small plate filled with an appetizer and a very creamy desert.
May isang bote rin ng mamahaling alak at dalawang baso ng wine glass na maayos na naka patong sa tabi ng vase.
The cold breezed blew causing her hair to dance, kumalat sa buong lugar ang matamis niyang pabango. Tumingin siya sa 'kin saka siya ngumiti.
"Ang ganda Zach" isinabit niya ang ilang strands ng buhok niya sa tainga niya. "Sobrang ganda"
Ngumiti ako pabalik. Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya—lahat ng takot at kabang matagal kong tinago ay biglang naglaho. All I could think for now is that I was happy, masaya akong makasama sa mga sandaling 'to ang nag-iisang babae na nagpatibok ng puso ko—at masaya akong makasama ang taong bumago ng buhay ko.
Malugod niyang tinaggap ang kamay ko.
Masaya ko siyang iginiya papunta sa lamisahan, I pulled the chair for her and offered her to seat. Pagkatapos no'n ay naglakad ako papunta sa isa pang upuan saka ako naupo.
"Ano namang pakulo 'to Zach?" she asked out of confusion, pero kita pa rin sa mga mata niya ang saya dahil sa nakita niya. "Date ba 'to?"
"Ikaw, kung anong gusto mong isipin. If you want this to be just a regular dinner or whatsoever, then go. Basta para sa 'kin" I looked into her eyes. "This is a date"
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero parang nakita ko siyang namula, I giggled.
"Gago ang corny ng joke mo, kumain na nga lang tayo" napailing-iling siya saka niya sinimulang kainin 'yong appetizer. At this very moment, I saw how she started to eat very slowly and carefully. Maliit lang rin ang mga subo niya sa kinakain niya hindi katulad ng dati na halos isang subuan niya lang 'yong laman ng plato niya.
Is she doing it because of me o baka nago-overthink na naman ako? Either ways, she still looks cute.
Imbes na magsimula akong kumain katulad niya, nanatili akong nakatingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
✔FREYA (COMPLETED)
Romance"And her name is Freya..." Ang kuwentong ito ay isang boring na adventure ng isang anti-social na lalaki at ng babaeng baduy na naka-tira sa tapat ng bintana niya. Date started: April 22, 2020 Date finished: July 05, 2020