FREYA (Chapter 8)

29 5 8
                                    

"Coke?" alok niya sa akin ng hawak niyang coke in can. Inabot ko 'yon saka nagsalita.

"In what dimension did you even get this?" kunot noo kong tanong sa kaniya. Kasalukayan kaming naka upo ngayon sa gilid ng rooftop.

"Hindi ba nga sabi ko sa 'yo teritoryo ko ang lugar na 'to? Edi siyenpre may food stock ako dito" maangas niyang sagot sabay bukas ng coke in can niya saka linagok iyon.

Napailing-iling na lang ako saka siya ginaya.

Sobrang tahimik ng lugar mula dito sa taas. Limang palapag kasi ang abandonadong building at may kalayuan sa public highway. But from here, you can see the marvelous city lights at ang mga sasakyang nakikipagkarera sa isa't-isa. May mangilan-ngilan ring mga taong naglalakad-lakad at naghihintay ng masasakyan pauwi.

Ilang saglit pa ay biglang nag vibrate ang cellphone ko. Agad ko 'yong kinuha at nakita mula sa screen ang pangalan at number ni dad, he's calling me.

Agad kong pinindot ang power off button saka ako muling tumingin sa malayo.

"Bakit hindi mo sinagot?" Freya asked out of the blue. Muli akong lumagok saka tumingin sa kaniya.

"Why do you care?" malamig kong tanong. Napangisi siya saka niyupi ang lata na kanina lang ay iniinuman niya pagkatapos ay ibinato niya iyon sa kung saan.

"Kasi tatay mo 'yong tumatawag. Paano kung nag-aalala na pala siya sa 'yo? Ipapaalala ko lang na dis-oras na ng gabi, wala ka pa sa inyo" makahulugan niyang paliwanag.

Tumikhim ako.

Siya rin naman nasa labas ah?

"Nag-aalala? Tss, kelan pa?" I sarcastically said. "Baka nga tumawag lang siya sa akin para pagalitan ako ulit eh. Sa totoo lang, pakiramdam ko nga kaya nasa poder niya pa rin ako hanggang ngayon kasi responsibilidad niya ako. Isa pa, wala naman talagang paki-alam sa akin 'yon eh" Ibinato ko ang lata sa malayo.

"Loko ka baka may natamaan ka!"

"Ikaw rin naman kanina kung saan ka lang bumato ah!" I defended.

"Atleast hindi sa daan, ikaw doon mo binato eh!" asik niya.

I blankly looked at her.

"May umaray ba? Wala naman 'di ba? So can you please quit your nonsense?" napailing-iling ako.

"Pero seryoso nga" she looked at me seriously, and for the nth time-I saw her deep pair of brown orbs. "Bakit hindi mo sinasagot 'yong tawag ng tatay mo? Kanina rin kasi sa baba, nakikita kong pinapatayan mo lang siya. May problema ba kayo?" napayuko ako saka tumango.

Should I tell her about this kahit na hindi pa namin ganoon kakilala ang isa't-isa? Pakiramdam ko naman mapagkakatiwalaan ko siya, maybe I have to tell her everything para gumaan na rin kahit na papaano 'yong paki-ramdam ko.

"We've been into fight at the house kanina, napuno na ako eh" paliwanag ko. I sighed and looked at the star-filled sky. "Dalawang taon nang patay ang mommy ko. Sobrang close naming dalawa, she never failed to make me feel happy. Iyong dad ko kasi, halos lahat ng oras niya ginugol niya sa company namin. Pero pinunan ni mom ang lahat ng 'yon. Dahil sa kaniya, hindi ko naramdaman na hindi na pala nagagawa ng daddy ko lahat ng responsibilidad niya sa akin bilang tatay because mom always tells me na ginagawa niya lahat ng 'yon para sa akin-para sa kinabukasan ko" I smiled bitterly habang inaalala ko ang mga 'yon.

"Pero nagbago lahat when she died, do'n ko naramdaman lahat ng kakulangan sa buhay ko" napalunok ako saka ko binasa ang labi ko. "Wala na akong naririnig na kumakanta habang nagluluto sa kusina, wala nang yumayakap sa akin everytime I go home from school, at higit sa lahat... Wala na 'yong mommy ko na ginawa ang lahat para maging masaya ako"

✔FREYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon