Masaya kaming sumakay ni Freya sa loob. Sa harapan ako, samantalang nasa backseat siya. Feel na feel niya pa talagang i-unat 'yong paa niya sa buong kotse.
Napailing-iling ako.
"Road trip celebration?" napakamot ako sa ulo ko. "Is that even a thing?"
"Unless gawin natin?" tuminingin sa 'kin si Xander saka siya ngumisi. He turned the engine on.
"Tara na!"
***
Buong biyahe ay nakatanaw lang ako sa labas, tuluyan nang nandilim ang kalangitan dahilan para mas lalong mangibabaw ang mga bituin sa langit at ang mga city lights.
Pero hindi nawala ang tawanan sa tuwing humihirit si Xander ng mga corny jokes niya. Palagi siyang kinokontra ni Freya but everything ends up funny as hell.
Ito 'yong kauna-unahang pagkakataon na naging ganito ako kasaya kasama ang mga kaibigan ko, at iba pala talaga sa pakiramdam kapag hindi fabricated 'yong mga ngiting ipinapakita nila sa 'yo.
Isinindi ko ang car sterio ng kotse ni Xander, and a very familiar and nice music started to fill our ears.
~You tell me that you're sad and lost your way
You tell me that your tears are here to stay
But I know you're only hiding
And I just wanna see you"Takte paborito ko 'yan, wait lang sasabayan ko!" nakangising wika ni Xander.
"Ako rin siyempre!" nakangiting wika ni Freya, I can't help but adore how beautiful she is habang naka-ngiti mula sa rearview mirror.
~You tell me that you're hurt and you're in pain
And I can see your head is held in shame,
But I just wanna see you smile again
See you smile againPasigaw silang kumanta, to be honest masakit 'yon sa tainga dahil sintonado silang dalawa. Pero imbes na patigilan ko sila ay sinabayan ko pa sila.
~But don't burn out
Even if you scream and shout
It'll come back to you
And I'll be here for you"Ang saya hahahaha!" malakas na sigaw ni Freya saka nagsimulang mag headbang sa likod. Mapatawa na lang ako habang patuloy na kumakanta.
Iba talaga kapag masaya ka sa piling ng mga taong nasa paligid mo, nailalabas mo 'yong personaliting ikaw lang mismo ang nakakaalam.
~Oh I will carry you over
Fire and water for your love
And I will hold you closer
Hope your heart is strong enough
When the night is coming down on you
We will find a way through the darkNapatigil ako sa pagkanta ng makita ko si Freya na titig na titig sa 'kin sa rearview mirror. There's a huge smile on her face.
Hindi ko tuloy mapigilang mamula, ang awkward kasi ng ginawa niya kaya nag-iwas na rin ako ng tingin.
"W-why are you staring at me like that?" utal kong tanong.
"Natutuwa lang ako kasi nakakatawa ka na ngayon, noong una kasi tayong nagkita naka busangot 'yang mukha mo. Ang haba-haba ng nguso mo tapos para kang binagsakan ng langit" napailing-iling siya saka siya tumawa. "Dapat palagi kang ganiyan, mas lalo kang gumaguwapo"
My heart skipped a beat.
~I wish that I could take you to the stars
I'd never let you fall and break your heart
And if you wanna cry or fall apart
I'll be there to hold youAno ba 'tong weird na pakiramdam na 'to? Parang bumabaliktad 'yong sikmura ko. Hindi naman ako nasusuka pero parang may kung anong lumilipad sa tiyan ko.
BINABASA MO ANG
✔FREYA (COMPLETED)
Romance"And her name is Freya..." Ang kuwentong ito ay isang boring na adventure ng isang anti-social na lalaki at ng babaeng baduy na naka-tira sa tapat ng bintana niya. Date started: April 22, 2020 Date finished: July 05, 2020