Chapter 6: The Black Cards

50 11 0
                                    

Naging badgurl na talaga si georgina. Hope you like it!

-----------------

Georgin's POV

"Ako ba pinaguusapan niyo?" marahan kong tanong sa kanila. Kalma ka muna georgin,wag kang ma stress. Nakayuko silang dalawa pero biglang umangat ang ulo ng isa. Nakataas ang kilay nito.

"Ikaw nga. Ano naman sa iyo?"

"Ay wala naman, okay lang na pinaguusapan niyo ako, im flattered" sarkastiko kong sabi.

"Your taste on food sucks." sabi naman ng katabi niya.

"What's wrong in eating rice and chicken? It's my choice and you don't have the right to judge what i want to eat. Kahit sa anong anggulo natin tingnan mas maganda at sexy ako kumpara sa inyo! Che!" nganga kayo ngayon.

Mga leche talaga. I don't want to waste my time arguing with them. Kaya bago pa sila makasagot tinalikuran ko na sila.

Pagkatapos kong makuha ang in-order ko humanap ako ng mauupuan. Nakahanap na ako kaso malapit sa table ng mga Black Cards, anyways, wala akong pakialam.

Naghiyawan sila nang mapadaan ako sa table nila. Mga manyak. Pero dahil boring lalaro muna ako. I smirked. Hindi na ako umupo sa bakanteng lamesa sa halip ay umupo ako sa tabi ni Kyle Ranz Venice,nagulat pa siya. Pero dahil nga sikat sila humagunghong ang loob ng cafeteria, napuno ng mga bulong, lalo na ang mga fans nila.

In fairness gwapo silang lahat, pero mas gwapo si kyle-wait did i say gwapo si kyle? Whatever.

"Well well well... who's this chick?" tanong nung naka cap na boy , i can't recognize them sa kanilang lima si kayle lang ang kilala ko.

"What are you doing here miss?" tanong nang katabi ko, Si Kyle. Nginitian ko siya.

"Pweding makiupo? Ayaw ko kasing maging lonely eh." nag pout pa ako. Ha! The game starts now.

"Bakit dito sa amin? Hindi mo ba kami kilala?" nakakunot niyang tanong.

"Syempre alam ko! Ikaw yung classmate ko sa Chemistry diba? Kyle?"

"What? Siryuso ka ba? Si Kyle lang ata kilala mo eh" sabat ng naka ear piercing na boy.

"Oo eh...Sino ba kayo?"

Napasinghap sila pati ang mga estudyante sa loob? Luh... Kanina pa pala tahimik at sa amin nakatutok ang atensyon nila.

"What the fucking fuck?" sabay na sambit ng dalawang lalaki na magkamukha. Are they twins? Maybe, cause it's obvious.

Bait bait muna ako.

"Anyways can i eat now? Im kinda hungry eh. But ill introduce myself after...okay?" omyghad i look like an innocent girl.

"As you wish." bulong ni kayle sa akin. Naka akbay na ngayon ang kanyang kamay sa sandalan ng upuan ko. Ang lapit lapit niya sa akin. I push him slowly using my index finger at lumayo naman siya sa akin. What's with him? Is he going to seduce me?

Habang kumakain ako nakatingin lang silang lima sa akin. I look at their plates wala na silang food, siguro tapos na sila.

"She's... Eating like a monster... " mahina ang pag kasabi nun pero narinig ko. Ang naka ear piercing boy ang nag sabi. Tinaasan ko siya ng kalay. I susubo ko na sana yung fried chicken na buto na lang.

"Itapon ko kaya to sayo?" sabay tingin sa buto. Mukhang nagulat pa siya.

"Totoo naman mukha kang halimaw kumain-"

"Maganda naman." putol ko sa kanya. Humalakhak siya pagkatapos kong masabi iyon. Nakakatawa?

"Magpakilala kana." masungit na sabi nong naka cap na boy. Grabi tong isa to mabait kanina tapos ngayon ang sungit. Excited much?

"Oh yeah!nakalimutan ko. Hehe." tumikhim muna ako t uminom ng orange juice.

"I'm Georgin Aguasita, nice to meet you guys."

o_o silang lahat.

"Y-your who?"

"You heard it,i wont repeat myself."

"Wow, you've change a lot." rinig kong sabi ni Kayle.

"Is that really you?" tanong nung naka ear piercing boy.

"That nerd is you?"

"Can't believe"

"Things change and you will get used to it" sabi ko na lang.

"Is that really you? How... " si kyle.

"Alam kong mahirap paniwalaan wag niyo naman akong ipamukha na ang panget panget ko noon. Past is past,move on. Psh. "

Tumahimik sila saglit na nakatitig lang sa akin. Hindi sila makapaniwala siguro. Ouch.

"Eh kayo ba? Magpakilala rin kayo." pag putol ko sa katahimikan.

"Hindi mo talaga kami kilala?" tanong nong isang kambal.

I shook my head. Im freaking serious i don't know them. Siguro dahil wala naman akong pake sa paligid ko noon. I was so busy taking care of all the students who bully me. I know Kyle because he once bully me pero... Nagtataka ako dahil hindi niya ako masyadong binu-bully yung way kasi ng pangbully niya sa akin is parang nang aasar then narinig ko tinatawag siya na Kyle Ranz Venice kaya tumatak sa isip ko ewan ko kung bakit, para kasing may guts feeling ako na magkakilala kami noon? Pero impossible.aish nevermind.

"Im Kyle"

"Hunter" yung naka cap.

"Jeremy Baby" yung naka ear piercing.

"Blake Ray" yung kambal.

"Blaze Roy" yung kambal. Hehe.

Nilahad ko ang kamay ko sa kanila. Syempre una kay Kyle. We shake hands so many time tapos parang hindi niya pa bibitawan. After sa kanya kay Hunter then kay Jeremy,Blake and Blaze. Nakapabilog kami ako, kyle, blake, blaze, jeremy, hunter so it means pinagkakagitnaan ako ni hunter and kyle.

"We are the Black Cards alam mo yun?" tanong ni blake ito yung kambal na masungit.

I nodded "Yes kahit saan narinig ko ang pangalan nayan. Sikat kayo eh."

"Tapos hindi mo kami kilala si kyle lang?" tanong nung si jeremy, isa pa ito ang sungit.

"Parang ganun na nga."

Hindi sila makapaniwala sa sagot ko. Si Kyle naman ay ngising ngisi. Aba nasayahan ata. Nabigla ako ng akbayan ako ni kyle. Aba, tyansing siya ah.

"Don't touch me." i said as i get his hands off me.

Bitch mode on!

"Woah! Mas swerte ka nga dahil inakbayan kita."

"Hindi ako naswertehan, namalasan ako." nakataas na iyong kilay ko.

"Parang kanina ang bait bait mo tapos ngayon sungit sungit ka."

Parang may sarili kaming mundo ni kayle dahil yung apat ay may kanya kanya din na pinaguusapan.

"Pake mo?"

"Ang ganda mo."

Bigla akong namula sa sinabi niya. Habang sinasabi niya iyon nakangiti siya. Ang gwapo niya tingnan. No! He's just flirting on you. Tama!

"Stop flirting with me." inirapan ko siya.

"What? Do you think im flirting with you? Na.. Not gonna happen." binigyan niya ako ng makahulugang ngiti.

Tumayo na ako para umalis. Aalis na san ako pero hinawakan ni Kyle ang kamay ko. Tumingin ako sa kamay niya na nakahawak sa akin. Dug dug.

"Im not going to flirt with you, cause im going to make you fall hard." mahina lang ang pagkasabi niya ng mga salitang iyon na ako lang ang makarinig.

Pero anong ibig sabihin niya?



:)

Ms. Nerdy Sweet Revenge (ON GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon