Georgin's POV
Naglalakad ako papuntang library dahil wala ang huling dalawang teacher ngayong hapon. Naisipan kong magbasabasa muna. Kahit nag change appearance ako mahilig parin akong magbasa no. Hobby ko kaya yun.
Nang makapasok ako sinalubong ako ng mataray na librarian. Tinaasan ako nito ng kilay pero binalewala ko lang. Sa mga nabasa kong mga stories ganun daw talaga ang nga librarian mga masungit lalo na daw pag maingay ka o may nahiram kang libro na hindi nasauli.
Dumiretso ako Mythology Section. Maghahanap ako ng babasahin ko magdamag, meron pa naman akong 2 hours bago umuwi. Habang nag sc-scan ng mga libro hanggang sa dulo may mga narinig akong mahinang ungol.
What the hell is that?
Huminto ako at pinakinggan ng maayos. This time humagikgik naman ang babae na parang kinder. Dahan dahan akong naglakad at sumilip sa pinanggalingan nun.
"Shhh. Wag kang maingay babe, baka marinig tayo ni Ursula." rinig kong bulong ng lalaki.
Di kaya?
Tuluyan ko silang sinilip at nadatnan kong nakakandong ang babae sa lalaki. Nakaupo ito sa sahig sa likod ng mga bookshelf. Hindi ko mawari kung sino ito. Narinig ko ulit ang mga mahinang ungol nila.
"Hihihihi, babe kinikiliti ako." sabi nga babae na parang gansa sa tono niya. Err.
"Shhh, quiet nga cheriffer baka makita tayo dito." sagot nang lalaki sa kanya.
cheriffer? May ganun bang pangalan? It sounds like a vitamins eh.? Am i right?
"Silly baby it's jenniffer not cheriffer." sambit ng babae at humagikgik ulit.
Nang inalis ng babae ang mukha niya sa lalaki nakita ko ka agad kung sino yon. Wow pati library ginawang motel ni gago?
Hindi ko sila inawat sa halip ay bumalik ako sa librarian at binulangan ito.
"Ma'am may nagtutulog po doon." pagsisinungaling ko.
Nakita kong nagkasalubong ang kanyang kilay at nagmartsa patungo sa tinuro ko. Alam kung ayaw niyang may nagtutulog dito sa librarian kaya yun ang sinabi ko. Sinundan ko siya hanggang sa dulo ng bookshelf. Hanggang dito narinig ko pang naghahagikgikan sila.
"What do you think you're doing?" her voice filled the silence in the library. Tila parang biglang tumahimik ng mas lalo.
Dali daling umalis sa pagkakandong ang babae kay Kyle. Tumayo silang dalawa at ang babae ay nakayuko habang si Kyle walang ekspresyon, para bang wala lang nangyari. Nang dumako ang kanyang tingin sakin nanlaki ang mata niya at unti unting naningkit na parang alam niyang ako ang sumumbong. I smirked at him ang smiled in victory.
"Both of you Discipline office now!" galit na ani librarian at nag martsa paalis. Bago ako umalis hinarap ko si Kyle at ang babae niya. I make a face and flip my hair over them. Nang makatalikod ako humalakhak ako ng mahina.
"Yan kasi landi pa more, hindi naman 'to motel ayan tuloy." dadag ko at tumawa ng peke.
"You bitch." sambit ng babae. Naramdaman kong lalapit ito pero dinig kong pinigilan siya ni Kyle.
Hindi na natuloy ang plano kong nagbasa buong magdamag. Kaya umalis na lang ako don at naisipang maglakad lakad na lang. I put both of my hands at my back and close my eyes while walking through the steps. I open my arms embracing the fresh air that tickling down my spine. This is my favorite spot sa quadrangle. Umupo ako sa may bench doon at nag mumunimuni. I humm some kpop songs like Through the night by IU.
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Sweet Revenge (ON GOING)
Teen FictionGeorgin Aguasita is a certified nerd in her campus. Her only goal is to finish her studies, graduate and have a job.Until that' day... Taglish Drama/Romance #Nerd