Chapter 5

352 4 0
                                    


Savannah let out an exasperated sigh. Dinampot niya na rin ang lahat ng gamit niya at tumingin sa binata.

"You know what? Forget it. I can't believe I wasted my morning for this kind of nonsense."

Lumabas na siya ng coffee shop at pinara ang dumaang taxi. Nabigla naman siya nang naunahan siya nitong abutin ang door handle at pinagbuksan siya ng pinto.

"The offer still stands. I'm serious. You can call me anytime you're feeling desperate. I mean, who would want to invest on an obviously sinking ship?" Ngumiti pa ito ng nakakaloko bago isinara ang pinto. He mouthed "call me" while sticking out his thumb and forefinger near his left ear. She can't even see his face clearly dahil sa suot nitong baseball cap at sa makapal na stubbles nito sa mukha.

"His teeth are clean, at least." She shook her head in disgust.

Alas dose na ng tanghali nang dumating siya sa opisina niya. As usual tambak pa rin ang mga papel na kailangan niyang tingnan at pirmahan. Nagpupuyos pa rin ang kalooban niya sa nangyari sa appointment niya.

"Damn him. Akala mo naman kung sinong guwapo." Pabagsak siyang naupo sa swivel chair at binasa na ang mga records na kailangan basahin. And it was really bad. She had succeeded to stall bank payments for about a month or more but she still didn't know where to get the money for that.

"Should I just find that damned thief of an accountant?" Napahilot siya sa sentido. " But if he already finished it off from gambling and whatnot, what will I gain?" Binuksan niya ang drawer at kumuha ng isang pakete ng dried mangoes nila. Nalimutan niyang bumili ng pagkain kaya yun na muna ang kinain niya para sa pananghalian.

Nang hapon na iyon ay biglang may nasirang piyesa ang conveyor system nila sa isang side ng planta. Sabi ng isa sa production supervisors nila ay maa-apektuhan at babagal ng fifty percent ang production nila para sa buwang iyon. May major shipment pa naman silang kailangang i-satisfy by the end of the month. Naka-stipulate pa naman sa kontrata nila na may five percent na refund bawat araw na made-delay ang shipment. Wala siyang choice kundi maglabas ng pera mula sa personal savings niya para sa piyesa at technician na magkukumpuni ng conveyor system nila.

"What? 125,000.00 for this small part!?" Napasinghal siya nang makita ang quote ng technician.

"A, eh, maam...kailangan po kasi na palitan ang buong section na nasira. 'Pag temporary fix naman po ay kaya naman pero mas efficient 'pag papalitan na ito ngayon pa lang para wala nang delays sa susunod."

"Fine, fine. Just make it quick. Kailangan ding mabuhay ng mga employees dito kaya dapat bumalik agad sa normal ang operations."

Pawis na pawis siya pagbalik niya sa opisina mula sa production area.

She looked at her reflection on her mirror. Disheveled na ang buhok niya. She felt greasy all over. Suddenly a feeling of anxiety and dread enveloped her. Hindi niya napansing lumuluha na siya. She's frustrated but she can't do anything about it. Ngayon lang siya naiyak.

"I must have had extra free time today kaya napasok ko sa schedule ang cry in front of the mirror." Pagak na napatawa siya habang kinakausap ang sarili. "Oh, Dad, why do you have to leave me to deal with this mess?"

Parang nauupos na napaupo siya sa isang sulok at tahimik na ipinagpatuloy ang pag-iyak.

"F*ck, I'm gonna look horrible if I continue crying like this. My eyebags will be puffy, oh gosh. I better stop."

Ilang sandali pa siyang umiyak bago tumigil. Tumingin siya sa salamin at napahiyaw, "Oh sh*t...I look like a freaking bullfrog."

"So that's Villagracia's daughter? She's pretty." Napatingin si Camilo kay Inigo na nakasandal sa isang shelf sa office niya. "But I think you pissed her off. I saw her storming off from the window. To think na parang tuwang-tuwa siya nang makita ako kaninang umaga. I think her heart broke a little when I told her it wasn't me she was meeting with. Poor girl."

Bigla namang napabulong at napasimangot si Chantal na nakaupo sa cubicle niya sa isang sulok, "Tss, guwapung-guwapo sa sarili."

Camilo finally met Samson Villagracia's daughter. Typical bratty rich girl. She had an air of class and elegance with her suit and whatnot and, ironically, she had to meet someone with someone who looks dowdy and dirty like him.

"Yeah, well, marami na rin namang tao ang gumawa niyan sa akin. Pasasaan ba't aamo rin iyon. At this rate milagro na lang ang makakatulong sa Tri-Star."

"At sino namang milagro yun, ikaw?" Biro ni Inigo. Nginisihan niya lang ito. "Ah maiba ako, nahanap mo na daw yung bunso niyo?"

Medyo gumaan ang pakiramdam niya nang iniba ng kaibigan ang pinag-uusapan nila.

"Ah, oo. Pupuntahan ko nga bukas yung pinapasukan niyang pre-school."

"That's good then. Chantal, mag-order ka ng masarap na lunch sagot ko na. This calls for a celebration!" 

Ang Barako at Ang Prinsesa (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon