Chapter 13

263 6 3
                                    

Hinila ni Camilo ang asawa papunta sa bahay ng kanyang mga magulang. Alam ng mga ito na darating sila sa araw na iyon pero hindi alam ng mga ito na darating sila ng maaga. Tinawagan niya ang isa sa mga katiwala niya na maghanda ng extrang pang-almusal dahil darating sila ng maaga.

Hindi pa man sila nakapasok ay napansin na sila ng nanay niya na naabutan nilang nagwawalis sa bakuran.

"Camilo! Camilo, anak!" Humahangos na sinalubong siya ng nanay. Niyakap siya nito at pilit na inabot ang ulo niya para guluhin ito.

"Ano ba 'yan, anak, sana naman sinabi mong mapapaaga ang dating mo at nakapaghanda naman kami".

"Ma, okay lang iyan. Ang mahalaga, nagkita tayo uli –"

"Mama!" Sigaw ni Carissa nang mamataan ang ina nila ni Camilo. Hila-hila nito ang mga maleta nilang nalimutan nilang kunin. Parang mangiyak-ngiyak namang sinalubong ito ng kanilang ina. Matagal na panahon ding hindi nagkita ang mga ito. It was the first time in a very long time that she was back in their hometown. His father might have heard the commotion outside. Lumabas ito sa backdoor ng bakery na may bakas pa ng harina ang apron at kamay. Pinuntahan din nito ang bunsong anak para mayakap.

Tumikhim siya at napalingon ang mga ito sa kanya. Noon pa lang yata napansin ang kasama niyang natural na "yamanin" at "artistahin" ang istura. Bigla-bigla'y tumahimik ang mga ito. They glanced curiously at them. His parents might have been shocked. Hindi niya nasabi sa mga itong may asawa na siya the last time na tinawagan niya ang mga ito. Parang na conscious naman ang kanyang inang na napahawak sa buhok nito. Ganun din ang ama niyang pinagpag ang harinang nakadikit sa kamay at damit.

" Ma, Pa, asawa ko po, si Savannah." Marahan niyang tinapik ang likod ni Savannah, signalling her to talk.

Awkwardly, Savannah extended her hand to them for a handshake, " Magandang umaga po, maam, sir. Ako po pala si Savannah, a-asawa po ng anak ninyo."

Hindi pinansin ng ina ni Camilo ang kamay nito. For a few awkward seconds his heart skipped a beat. Pero nang bigla itong yakapin ng nanay niya ay nakahinga siya ng maluwag.

"Diyaskeng bata ito't may pa-maam at sir pang nalalaman...tawagin mo kaming "Mama" at "Papa" hindi ka rin naman iba." Sabi nito nang bitiwan nito si Savannah matapos itong yakapin.

Ang tatay naman niya ay nakipag-kamay dito. "Naku, Savannah, anak, pasensiya at madumi ang kamay ko't katatapos ko lang mag-masa ng pang-pandesal."

"A-ah, o-okay lang po, P-Pa." She clumsily answered her father.

For a second, he thought she was going to ignore them the moment that they'd met his parents. Matapos niyang sabihing nasa San Simon sila ay bigla itong nanahimik. Her answers to his questions were short; sometimes she just nods her head. She was silent for the rest of their short trip. It surprised him that she didn't hesitate to greet them, she was a rich kid, afterall.

Napailing siya. He always tells himself not to judge people by their "cover" pero pagdating kay Savannah ay medyo biased siya. She didn't do anything to him. She's just an instrument to get to the people who wronged them.

Nakahinga rin siya ng maluwag nang mapansing tanggap na tanggap naman ito ng kaniyang mga magulang. Medyo na-starstruck lang siguro ang mga ito sa kanya kaya hindi agad nakapag-react. He had to admit that his "wife" is stunning. Nakasuot lang ito ng jeans at white long-sleeved shirt pero litaw na litaw pa rin ang kagandahan nito. She didn't wear any make-up too. Pati rin naman siya na starstruck dito noong salubungin niya ito kaninang madaling araw.

Matapos ang kanilang "meet and greet" ay niyaya na sila ng mga magulang na kumain ng almusal. Sa bamboo hut na nasa likod ng bahay ng mga ito sila kumain para daw mas presko at maganda ang view. 

Tiningnan niya ang asawa habang papunta sila doon. She seemed a bit calm now. She looked anxious earlier. Magana naman itong kumain habang nakikipag-usap sa mga magulang niya at sa kanyang kapatid.

Strange. He kind of felt jealous, too. Ni hindi man lang siya kinakausap o tinapunan ng tingin ni Savannah. Taray talaga.

Ang Barako at Ang Prinsesa (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon