Tumunog ang cellphone ni Carissa habang palabas siya ng preschool classroom na inookupa niya.
"Hello? Ah, Sir Gavin kayo pala. Pauwi na nga sana ako kaya lang may naghihintay daw sa akin sa labas sabi ng Guard so baka matagalan... magte-text lang ako 'pag pauwi na ako. May frozen pa na ulam sa freezer. I microwave niyo na lang po...Po? Ah okay...di lang ako sanay. Sige, G-Gavin. See you later."
Napahawak siya sa namumula niyang mukha at lumabas na. Pagtingin niya sa guard house ay may lalaking nakatalikod. Somehow ay parang pamilyar ang bultong iyon sa kanya.
"Miss, Carissa! Andun po sa guard house yung naghahanap po sa inyo," sabi ng guard.
Dumiretso siya doon at kinuha ang atensyon ng mamang nakatalikod. Mukhang may kausap sa phone. Nakasuot ito ng navy blue na long sleeves na nakatupi hanggang sa siko nito at kulay gray na trousers. Naka-leather shoes ito na brown.
Wow, mukhang yamanin. Sino kaya 'to?
"Uhm, excuse me...K-Kuya?!"
Nabigla si Carissa nang Makita nito ang kuya niya. His appearance now was very far from what he looks like long ago when he was trying to do any available kind of work to help his family.
One thing he learned when he earned enough was to buy good clothes that will last him for a long time. It didn't matter if it's expensive or not – it just needs to be of good quality and it also has to fit him nicely.
_________
Napatingin siya sa bunsong kapatid. She looked healthy and good. Binigay niya dito ang dalang box ng pastries na binili niya. Nagpasalamat naman ito at yumuko...tila naghahanap ng sasabihin.
"Ang tagal kitang hinanap, malapit ka lang pala. Kumusta ka na? Pasensiya at ngayon ka lang nahanap ni Kuya," sabi ni Camilo sa kapatid. Mangiyak-ngiyak naman itong lumapit sa kanya. Inakbayan niya ito at doon na ito humagulgol ng iyak sa mga balikat niya. He gently gave her sister's arms a reassuring squeeze.
Pinaupo niya muna sa bench ang kapatid niya at hinayaan itong umiyak lang ng ilang minuto. He just looked at her while she cried, oblivious of what was happening around them. Matagal nang nakauwi ang mga estudyante ng mga oras na iyon kaya wala nang mga taong napapadaan sa tapat ng paaralan. May mangilan ngilan namang mga sasakyang dumadaan sa kalyeng iyon.
Nang mahimasmasan ito ay kinuha nito ang isang water bottle sa dala dalang canvas bag at lumagok doon. Inabutan niya naman ito ng malinis na panyo.
"Huwag na kuya, may panyo naman ako. Si...sina Mama at Papa ba n-nakita mo na? Si Ate? Sumunod ako sa kanila dito sa Luzon nung hindi na sila tumatawag pero nagsara na ang bakery na pinagtatrabahuhan nila pagdating ko. Hindi ko na sila ma-contact. Muntik pa akong mapahamak at maloko, kuya..."
Napansin niyang nanginginig ang mga labi nito habang nagkukuwento sa kanya.
It must have been really tough for her. Napatiim-bagang siya. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili.
"Pasensya ka na, Carissa. Marami lang din talagang pinagdaanan si Kuya. Pero nahanap ko na rin sina Mama at Papa. Actually, nasa San Simon na sila uli. M-may bahay at maliit na panaderya na sila doon. Pero siyempre, kahit nakangiti sila minsan, nakikita ko pa rin ang pangungulila nila sa inyo...sa atin."
Napatingala ito sa kanya at dahan-dahang napangiti. Tuluy tuloy pa rin ang pagluha nito.
"Talaga, kuya? Diyos ko, salamat po!" Napabuga ito ng hangin, tila may natanggal na mabigat sa dibdib nito. Pinunasan nito ang mga luha gamit ang mga kamay.
"May balita ba kayo kay Ate, Kuya? Magkaiba kasi ang pinasukan nila dati nila Papa. Hindi na kasi sila nagrereply tuwing nagte-text ako. Nung tumawag na ako "out of coverage" lagi ang sinasabi. Ilang buwan din bago ako nag desisyong sumunod. Wala na rin naman tayong bahay non. Pina bulldoze nila ng...mga walanghiya!"
Tiningnan niya lang ito at mapait na ngumiti. " May lead na ang imbestigador na kausap ko. I hope positive and lead na iyon. Let's just hope for the best. Siyanga pala, nagpa-reserve ako sa isang kainan diyan sa malapit. Baka gutom ka na. Mag-kuwento ka. Lahat-lahat. I will do the same."
Tumango ito at nagsalita, "Naks, kuya! Ang sosyal mo na mag-english english ngayon ah!"
Tinawanan niya ang kapatid at pinasakay sa kotse niya. Maya-maya pa'y binabaybay na nila ang daan papunta sa kainan.
Madami silang pinag-usapan ng kanyang kapatid over dinner. He'd learned that she tried working in a very shady night club as a waitress. She got harassed the same night she started working. It's a good thing na may tumulong daw dito at inilayo ito sa lugar na iyon. Nalaman din niyang binigyan nito ang kapatid niya ng trabaho bilang cook at housekeeper, free lodging, at tinulungan din daw siya nito makapag-take ng Licensure Exam for Teachers nang malamang nakapagtapos naman siya ng kolehiyo. Mabait rin daw ang mga magulang nito at hindi siya trinatong ibang tao.
Napangiti siya. Somehow they've turned out alright. Kinuwento niya rin ang pinagdaanan niya dito at umiyak na naman ito. Mababaw talaga ang luha ng bunso nila. Naalala niya noon na napapaiyak ito sa mga nobelang binabasa sa pocketbook na nirerentahan nito sa tindahan ng kapitbahay nila o sa dramang pinapanood nito sa maliit nilang telebisyon na isa lang ang nakukuhang channel.
Nang matapos silang kumain ay nagpalitan sila ng contacts ng kaniyang kapatid. Binigay niya rin ang contact number ng mga magulang nila. Sosorpresahin daw ng kapatid ang mga ito mamaya sa pagtawag. Sinabihan niya rin ito na kung gusto nito'y puwedeng puwede itong tumira sa bahay niya na nasa Sta. Rosa lang din total ay hindi naman siya naglalagi doon tuwing weekdays. Sabi naman nit'y pag-iisipan daw muna at magpapaalam sa pamilyang kumupkop dito.
"So, dito ka pala nakatira?" Napatawa siya ng mahina. Hinatid niya ito sa subdivision na tinitirhan nito. "Ang liit ng mundo, karibal ng construction firm namin and developer nito ah."
"Ganun ba, Kuya? Construction din ang business nung amo ko. Ipapakilala kita one of these days. Magpapaalam muna ako. Paano, Kuya, babay muna ha? Text or call lang muna tayo. Tatawagan ko sina Mama mamaya."
Lumabas na ito sa kotse niya. Lumabas din siya at inihatid ito sa gate. Yumakap ito sa kanya at pumasok na sa loob.
"Kuya, tawag ka ha, pagkarating mo sa bahay mo!" Pahabol nito.
BINABASA MO ANG
Ang Barako at Ang Prinsesa (ONGOING)
RomansaTypical Tagalog Pocket Book Romance inspired na istorya. Rags to riches, riches to rags? Alamin ang kuwento sa mga susunod na kabanata. Chus. Note: feeling writer lang ang nagsulat nito kasi imagination lang ang limit ngayong quarantine season. Stay...