Lumapit si Savannah sa asawa niya. Nakatitig ito sa kanya. Parang wala sa sariling kagat nito ang pang ibabang labi.
"Oh, tingin-tingin ka diyan?" Untag ng asawa kay Camilo nang mapansing nakatitig pa rin sa kanya. Gusto mo? Ugh, my goodness, Sav, kaka-Tiktok mo!
____________
"I can't help it. I gravitate towards pretty things." Sagot niya din dito. The woman splashed him with water in the face suddenly. Nalunok niya pa ang iba dahil sa kakatawa niya. Naubo tuloy siya.
"Serves your right." Umirap pa ang babae sa kanya at nagpakalayo-layo sa kanya. Tahimik niya lang itong minamasdan. Tirik ang araw pero malamig pa naman ang tubig kaya naglunoy na muna siya. This morning he received a call from his lawyer. Samson finally agreed to talk to him. The old man had been dodging his moves for almost two years now. Savannah was supposedly the last card he had against him.
Bakit ba kasi ayaw pang aminin ni Samson ang mga kawalanghiyaan niyang ginawa dati sa amin? He thought that he'd been thorough, letting his daughter live with his relatives that no one from their Province knows.
__________
Three days ago...
"Samson is already in jail, Camilo. Are you still going through with your plan? If you're planning for revenge, there's your revenge! Do you want to kill him? You're better than that!" sabi sa kanya ni Lucio, ang kaibigan niyang abogado na nakikipag- usap kay Samson. Kababata niya ito at pareho din niyang nawalan ng bahay nung panahong iyon. Laki rin ito sa hirap pero dahil sa tulong ng ilang may-kayang kamag-anak ay nakapatapos din naman. Two years ago lang din ito bumalik sa San Simon dahil na burnout sa corporate post nito. Nagpatayo ito ng maliit na Law Office na ang primary goal ay tulungan ang mga dati nilang kapitbahay na nilalaban pa rin ang karapatan sa lupaing naipagkaloob na sa mga ito dati.
For now, they are still gathering evidences. Kaya kailangan nilang malaman ang katotohanan mula kay Samson. Malaki ang duda niyang isa ito sa mga pumipigil sa mga nagrereklamo na ipagpatuloy ang karagdagang kaso sana para dito.
"Lucio, have you forgotten? Maraming nagba-backout sa mga tinulungan mo. Didn't you even wonder why?" inisang lagok niya ang brandy na nasa baso niya. Huminga naman ng malalim ang kaibigan niya at nakapamulsang tumingin sa kanya na parang may biglang napagtanto.
"If Samson is still working ... or Camilo, hindi ba pumasok sa isip mong na-frame up lang siya? He was there nung namigay ng land titles. Smiling like he was very proud of his accomplishment. I was there."
Napatingin lang sa labas si Camilo. Nasa may kubo ito at ang magulang niya, nagme-merienda. For a second, he wasn't sure anymore. Sino nga ba ang may-sala, si Samson ba o may iba pa? Lucio's words struck something inside him. If it wasn't Samson then may kasalanan siya sa asawa niya.
Nagsalita uli ang kaibigan niya na parang sinasagot ang mga katanungan niya sa isip.
"Paano kung walang kasalanan si Samson, edi magagalit sa'yo si Savannah. You know kahit ganun 'yun I can see that she's a good person. Nabasa ko ang reports galing sa agency. She treats her employees with respect. She's actually the reason why they still stayed even if they're bleeding money. Hindi mo alam 'no? I happened to talk with someone who knows her well. I tracked him down on my own."
"Sino ba iyon?" biglang tumaas ang adrenaline niya sa balita ng kaibigan. Tila proud na proud sa sariling tumingin ito sa kanya bago sumagot.
"Iyong accountant ni Sav na nagtakbo ng milyones na pasahod dapat? Well hindi niya tinakbo ang pera. Nilipat niya lang sa ibang account. May gumipit sa kanya at inutusan siyang mag AWOL at itakbo ang pera kapalit ang kaligtasan ng kanyang pamilya. Apparently, naunahan mo lang kung sinuman ang taong iyon. Lucky you."
"Kung sino man 'yun we have to find that person. I'm calling Sebastian regarding this –"
"I already told him about this. Don't ask kung nasaan ang accountant. He's safe, pati na ang pamilya niya. Pina-trace ko na rin kung sino ang mga kumausap sa kanya."
"Thanks, good job!" Tinapik niya ang likod nito.
"Anong 'thank you'? Kapalit nito yung Ducati Scrambler mo 'no!" tukoy nito sa motorsiklo niyang matagal na nitong inuungot sa kanya.
"Okay, fine. I'll give it to you at half the price." Nagkatawanan sila.
After their meeting ay nag-inuman muna sila kasama ang Papa niya at ang bagong investor sa Sun&Sands na si Drake Avila.
__________
A/N:
Sino nga ba talaga ang may kasalanan? Malalaman niyo sa mga susunod na kabanata.
Pa-vote na lang, if you liked the story. Thanks and stay safe!
BINABASA MO ANG
Ang Barako at Ang Prinsesa (ONGOING)
RomanceTypical Tagalog Pocket Book Romance inspired na istorya. Rags to riches, riches to rags? Alamin ang kuwento sa mga susunod na kabanata. Chus. Note: feeling writer lang ang nagsulat nito kasi imagination lang ang limit ngayong quarantine season. Stay...