Chapter 1

848 8 1
                                    

"Sir, dumating na po yung ka-appointment niyo ng 10:00 AM," untag sa kanya ng sekretarya niyang si Chantal. Tinanguan niya lang ito at pinapasok ang bisita.

"Mr. Altamirano, heto na po yung report na pinapakuha niyo. Matagal nang pataob ang negosyo ng dating gobernador. It's leaching money. Sabi ng source ko, kaka-approve lang ng ten million pesos na loan nila na intended na pambayad para sa raw materials na inangkat nila na nasira lang dahil hindi na process kaagad," wika sa kanya ng private investigator na si Hernani Catubig. Dati itong nagtatrabaho sa PDEA pero maagang nagretire nung pinanganak ang kanyang bunsong anak na babae. Malaki daw ang risk pag pinagpatuloy niya pa ang serbisyo sa gobyerno, kaya nag- early retirement ito at nagtayo ng security agency.

"Interesting," sagot niya habang binabasa ang report. "It's a food manufacturing company. Mataas ang demand sa food products lalo na't dried fruits pala ang product nila both for local and international consumption. It's a very lucrative business these days."

"Very promising ang company, Sir. Family-owned business ito. Fully owned. Kaya nung nakulong ang may-ari years ago unti-unting humina ang kita nila. Last I heard, tinakbo ng accountant nila ang pangsweldo ng mga workers. Nag-protesta ang mga ito, hindi pumasok sa trabaho at nag-picket sa labas ng factory. Ilang linggo rin yun bago napahinuhod ang mga ito pero huli na. Ang bulk ng raw materials ay nasira at di na pwedeng i-process. Dun na nagsimulang magkanda leche-leche ang buhay ng kung sinumang nagpapatakbo ng kompanya. Their clients lost their trust in the company when they couldn't deliver on time kaya palugi na ito."

Binasa niya ng mabilisan ang iba pang report na nasa file. " So sino ang nagpapatakbo ng negosyo?"

"Ang nag-iisang anak na babae ni ex- governor Samson Villagracia. As of now, they badly needed investors."

Nagpaalaman na si Camilo at ang private investigator pagkatapos ng pag-uusap.

"Chantal, contact Tri-Star Food, Inc. Tell them we're willing to invest."

"Yes, sir. Right away po," napapailing lang na tumingin si Chantal sa papalayong boss. Nalilito ito dahil anong kinalaman ng boss niya sa food processing, eh construction company sila. Bubulong-bulong siya nang sinaway ng isa pa niyang boss.

"Chantal, huwag ka nang makialam sa diskarte ng boss mo. Gawin mo na nga lang ang trabaho mo. Bubulong-bulong pa eh. Dapat sa'yo Dora ang pangalan eh," humahagikgik ito sa sariling joke at nagpatuloy, "reklamaDora the Explorer!"

Tiningnan ito ni Chantal ng masama. "Sorry na sorry na. I went overboard. Forgive me, madam!" nakangiti pa rin ito at umaksyon na may sini-zipper ang bibig at lumakad na palayo. Napabuntong hininga ang kawawang sekretarya at tinawagan na nga ang Tri-Star Food, Inc.

"Akala mo naman guwapo. Feeling joker, waley naman," nakaismid na bulong ni Chantal habang tinitingnan ang papalayong amo. Tiningnan niya uli ang business card na iniabot sa kanya ni Camilo at tinawagan na ang numerong nakasulat. "Yes, hello. This is Chantal Catapang of Summit Builders. We would like to schedule an appointment for a possible business opportunity."

Ibinaba na ni Chantal ang telepono at naupo sandali. 

"Oy, Chantal! Papetiks-petiks tayo diyan ah. Isusumbong kita kay Milo. Nasasayang lang ang pesoses namin kasi chill chill ka lang diyan," malapad ang ngiti ng nakakabuwisit niyang boss sa kanya habang panay patutsada iniinis na naman siya nito.

"Alam mo, Boss Igo, feeling ko may crush ka sa'kin kasi lagi na lang ako ang nakikita mo. Mind your own business din no. Maghalo ka ng semento or something. Lagi na lang si Sir Milo ang nagpapagod!" Pinamaywangan niya ito sabay irap at walk out. He's getting on her nerves these days.

Akala niya nanalo na siya sa argumento nang sumigaw uli ang Boss niya:

"Ikaw na walang sense of fashion? No, thanks, ghorl!"

Napailing siya. "Such is life kung ang mga boss mo'y puro barako."

Ang Barako at Ang Prinsesa (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon