A/N: Short lang po na update at busy po lagi these days. Hope you like it.
__
Nang matapos na ang brunch at getting to know ng "bago" niyang pamilya (for now, at least), ay dinala na siya ni Camilo sa katabing bahay. Two storey iyon at may glass sliding windows and doors. Nakapaikot din a terrace sa bahay at may roofdeck din na may 360 degree view.
If it weren't for her current situation, sigurado siyang mae-enjoy niya ang kanyang "bakasyon." Kanina niya pa napapansin na may mga pagkakataong parang nag-iisip si Camilo ng malalim...silent, lost in his own thoughts. Tahimik lang ito pagkatapos niyang magtaray. He left her on her own shortly after taking their bags in their room.
"Don't worry, I'll sleep on the spare room. They'll never know." Sabi nito kanina na tila nabasa ang nasa isip niya. Nang iwan siya nito'y tiningna na niya ang master bedroom. It was clean. May glass door din papunta sa sarili nitong terrace. May rattan lounge chairs doon at isang center table na gawa sa driftwood. May mga succulents din na nakalagay sa table. Alas tres na ng hapon. Kung nasa city siya ay subsob pa siya sa trabaho sa oras na iyon but at that time, it seemed like everything was paused. There were no city noises - just the wind blowing, the waves at the distance, and the birds.
Napaupo siya sa isa sa mga lounge chairs at di niya namalayang nakatulog na pala siya.
______
"Akala ko ba'y tumigil ka na sa paninigarilyo, anak?" Tanong ng papa ni Camilo sa kanya habang inaabutan siya nito ng isang malamig na bote ng Red Horse. Nginitian niya ang matanda.
"May iniisip lang ako, 'Pa. Nakakatulong sa concentration itong sigarilyo. Isang stick lang naman."
Napailing lang ang matanda sa kanya. Pinunasan nito ang kamay nitong puno ng harina gamit ang apron nito bago inumin ang beer na binuksan nito para sa sarili.
"Kung ano man 'yang iniisip mo'y sana'y 'wag mo na lang ituloy. Okay naman tayo hindi ba? Naging mabuti sa atin ang tadhana't nagpapasalamta na ako sa Diyos dahil doon. Kung anuman yan ay huwag mo nang ituloy. Nakita ko ang galit mo noong huli."
Isang mahabang hithit at buga ang ginawa ni Camilo bago sagutin ang ama.
"Wala akong balak maghiganti, 'Pa. I just want answers. Hindi naman makatarungan ang ginawa nila sa atin noon. Oo, tayo suwerte, pero paano yung iba? Paano na si Carissa na muntik nang mapahamak dati?"
"Walang maidudulot na mabuti ang paghihiganti, anak. Tandaan mo 'yan. Baka may inosenteng tao kang masasaktan."
Marahas siyang napalingon dito, inaarok ang makahulugang tingin nito sa kanya. Bago pa siya makasagot ay may tanong uli ito –
"Ang anak ni Villagracia, ano'ng dahilan ba't binalik mo siya rito? Ano ba ang pinaplano mo? Gagamitin mo lang ba siya para makuha ang mga sagot na kailangan mo? Alam ba 'yan ng asawa mo? " Nabigla si Camilo. Namukhaan nito si Savannah?
"Paano niyo po nalaman, 'Pa?"
Napahilamos ang ama niya. "Pinadala niya sa Maynila ang anak niya bago magkagulo, isang taon bago iyon ay naghiwalay sila ng asawa niya. Pumunta daw si Mrs. Villagracia sa Canada at iniwan ang pobreng bata. Maliban doon, wala na akong nahagilap na kuwento at nagkagulo na ang mga tao dito. Kaya kung maari sana, ayoko na nang gulo."
"Huwag kang mag-alala, 'Pa. Ayaw ko rin naman ng gulo. Pabayaan niyo muna akong gawin ang trabaho ko bilang panganay niyo. Sising-sisi ako dahil iniwan ko pa kayo dati. Ni hindi ko lang man kayo naipagtanggol..." Napahikbi na nang tuluyan si Camilo at parang batang umiyak sa balikat ng ama niya.
He felt very vulnerable, but for once, he didn't care about it. It felt good to get his frustrations out kaya naparami din ang inom niya. He kept getting beer from the cooler even after his father left him alone para magbantay sa panaderya.
He kept drinking until the sun had set. In fact, he felt really great.
_______
Nagising si Savannah nang papalubog na ang araw. The horizon was filled with different shades of red, yellow, and orange. She took her phone from her pocket and captured several photos. Tinitingnan niya ang mga nakuha niyang litrato nang may biglang umakbay sa kanya.
It was her husband, unfortunately. And he is very wasted.
Shet! Bakit naman naglasing 'to? Ugh, amoy alak!
"Get off of me!"
She flicked his arms of her. Sumuray ito kaunti at nginitian siya ng mapang-uyam bago sumalampak sa rattan chair na nasa likuran nito.
"I feel bad, you know. I had a bitter life...why is it always unfair for us? I can't believe that someone would be able to eat heartily with their family, sleep well at night... while causing other families to lose their livelihoods and homes? Sav, let me ask you something, have you asked your father that question?"
"W-what do you mean?"
"Never mind." Bulong nito, at parang wala sa sariling pumikit. He crossed his arms on his chest and closed his eyes. Nakatulog na ito sa kalasingan.
Naupo siya sa katabing upuan at biglang napaisip.
What does my father have to do with this?
She still doesn't know his plans. And she wasn't planning to know it either.
If I want this contract to be good then I shouldn't be asking these questions.
-----
A/N (again) : Please vote and comment (if you want). Pwede ring GCash para mas mabilis ang update. Chus. Stay safe, everyone and please wear your face masks properly :)
BINABASA MO ANG
Ang Barako at Ang Prinsesa (ONGOING)
RomanceTypical Tagalog Pocket Book Romance inspired na istorya. Rags to riches, riches to rags? Alamin ang kuwento sa mga susunod na kabanata. Chus. Note: feeling writer lang ang nagsulat nito kasi imagination lang ang limit ngayong quarantine season. Stay...