Chapter 3

445 16 2
                                    

Madilim pa ang paligid ay gising na si Milo. Nakasanayan niya na iyon simula nung kabataan pa niya. Maaga pang nagigising ang tatay niya para maghanda sa pagpunta sa trabaho kaya pati siya'y nagigising din. Hanggang sa tumanda siya ay ganun pa rin lalo na't lagging maaga rin ang call time nila nung nagtatrabaho pa siya bilang construction worker.

Sadyang mapusyaw ang balat nilang magkakapatid gawa ng dugong Espanyol ng mga ninuno ng kanyang tatay, pero dahil sa trabaho ay may tan appearance na ang kanyang balat.

Sa ilang taong pagsisikap niya ay nakapag-aral at nakapagtapos din siya. At nang tuluyan na siyang makapasa sa board ay na-promote siya sa trabaho. Simula noon ay di na sila nawalan ng projects dahil marami na rin siyang connections na nabuo sa paglipas ng panahon. May shares na siya ngayon sa kompanya at nakapagpundar na rin siya ng ilang businesses – kasama na ang bakery ng mga magulang niya sa San Simon. Napatagal ang paghahanap niya sa mga ito; at ngayong kaya niya na ay ibibigay niya ang lahat para sa kasiyahan ng mga ito. Ngunit may mga pagkakataong nakikita niya ang lungkot sa mga labi ng mga ito dahil sa pangungulila sa dalawa niya pang kapatid.

Magdadalawang taon na siyang nakatira sa isa sa mga exclusive subdivision na developed ng Summit. Simple lang ang bahay niya – two-storey house na may minimalistic na design. Well-manicured din ang maliit niyang lawn at ang concrete fence ay nilinyahan ng maninipis ornamental bamboo para sa aesthetic at practical purposes.

Mula sa kuwarto'y bumaba siya para magtimpla ng kape. Kinuha niya ang isang bag ng roasted barako coffee beans at kumuha ng ilang kutsarang beans para isalang sa coffee grinder. Inilipat niya naman ang ground beans sa French Press, nilagyan ng bagong kulong tubig, at hinihintay na ma-brew ang kape.

Coffee is one of the luxuries in his life. Matipid at masinop siya sa halos lahat ng bagay – maliban sa kape. Inaaway nga siya ni Chantal minsan dahil sa pagka- coffee snob daw niya pero umiinom pa rin naman siya ng instant kapang walang choice.

He was drinking his freshly brewed coffee when he noticed new emails from important people. Ang una niyang binasa ay ang report ng private investigator. Nahanap na daw nito ang isa sa mga kapatid niya at may lead na sa kung nasaan ang isa pa.

"Oh, thank God she's alright." Naihilamos niya ang dalawang kamay na hindi niya napansing nanginginig. He touched his left chest, trying to calm his wildly beating heart. Binasa niya pa ang iba pang detalyeng inilagay ng imbestigador.

"What, all this time nasa Sta. Rosa, Laguna lang siya? We even started working on a project there last year kung hindi lang lumipat sa kabilang developer ang may-ari. D*mn."  Ang alam pa lang niya ngayon mula sa report ay nagtuturo ito part-time sa pre-school department ng isang private school. Napangiti naman siya kahit tensiyonado. Natuwa siya at nakagawa ito ng paraan para makapagtapos sa pag-aaral at magkaroon ng trabaho. Ang huling balita niya ay mag ti-third year college na ito nang maisipang sumunod na sa mga magulang  na pumuntang Luzon sakay ng barko dahil may naghihintay daw na trabaho para sa mga ito sa isang bakery sa Binondo.

 Nung panahong iyon  ay katatapos lang din daw ng panganay na kapatid na babae niya sa secretarial course nito kaya sumama na rin daw sa mga magulang. Ayon sa dating kapitbahay nila ay ibinenta daw ng mga magulang nila  ang mga alagang hayop at maliit na sakahan ng mga ito para sa pamasahe at kaunting baon. Ang natira daw ay iniwan ng mga ito sa bunso para pang-gastos nito sa pag-aaral. Hindi naman daw kailangan nito ng malaki at iskolar naman daw ito sa pampublikong kolehiyo sa kanilang lugar.

 As of now ay ang school address lang ang nakuha ng imbestigador. Mahirap daw makakuha ng teachers' info dahil exclusive daw ang paaralan. 

"Ang aga-aga't parang puputok ang dibdib ko."

He breathed in and out heavily before proceeding to add whiskey to his coffee. Dahan dahan niyang sinimsim ang kape niya habang binabasa ang ikalawang email.

He clenched his teeth and said, "I will destroy everything you have..."

Bigla namang pumasok si Igo na na galing ata sa morning run. Napansin nito ang reaksiyon ng kaibigan.

"Oy, ba't ganyan ang mukha mo? Para kang jaguar na di mapakali." Napansin nito ang bote sa countertop. "Whoa! You and alcohol in the morning? Man, that must be very big!"

"Shut up, man. Let me collect my thoughts for a bit. I just found my youngest sister."

Sumeryoso naman si Igo na inokupa na inokupa ang bar stool na nasa harapan niya.

"Seryoso nga."

______

Note: Hi guys!Kung sino man ang nagbabasa, salamat! You the best. I will try my best na mag-update if di na masakit ang likod ko (pinaglaba ako ni mudra days ago so). Sorry sa wrong gramming and typo if ever. Oks. Bye and stay safe! Paramdam naman if tingin niyo may potential ang bunga ng boredom ko. Chus.

Pa-vote na rin, juseyo. Chus.

Ang Barako at Ang Prinsesa (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon