Chapter 11

257 4 0
                                    

Camilo had a nagging feeling of guilt hovering over him matapos niyang iwan ang "asawa" at pagkatapos na pagkatapos pa  ng kanilang kasal.

I didn't even offer to drive her home...

Ipinilig niya na lang ang ulo. Hindi siya makapag- concentrate sa binabasang proposal kays tumayo na lang siya at pumunta sa terrace ng opisina niya. Mainit na hangin ang sumalubong sa kanya pagbukas niya ng sliding glass door. Mag-aalas singko na ng hapon. Humawak siya sa barandilya at wala sa loob na tumingin sa kawalan.

It was a strange feeling. Ilang minuto din siyang ganoon bago siya binulabog ni Chantal. May dala itong takeaway cup ng kape. Iniabot nito sa kanya.

"You know, you can really be a jerk sometimes, bossing. But I feel na iniisip mo yung ginawa mo kanina so I think you deserve this cup of coffee. Do better."

Tumalikod din agad ito matapos siyang pagsabihan. Sometimes the lady scares him but she's very efficient so they kept her around for a long time – plus he had a feeling that Inigo likes her too much.

As of now he doesn't have plans to inform his parents about his "wife." It will complicate things to introduce her as early as now. Next month na, if ever ang nasa planner niya. He has to sort out Tri-Star first before taking her to San Simon for an indefinite period of time.

Matagal-tagal din pala siyang nagmuni-muni sa labas. Alas sais na nang tumingin siya sa wrist watch niya. Bumalik siya sa opisina para ayusin ang mga gamit at lumabas na rin ng Summit building pagkatapos.

Tinawagan niya ang abogado ni Savannah para mag-set ng appointment dito at para tanungin kung nasaan ang dalaga. Matapos iyon ay nag takeout siya ng isang bucket ng fried chicken at bumili ng iba pang snack sa nadaanang convenience store. Ilang minuto pa ay nasa harapan na siya ng unit nito. Ilang beses niyang pinidot ang doorbell bago makarinig ng kaluskos sa loob. Maya- maya pa'y bumukas ang pinto. Savannah, in her most unflattering look, greeted him with a shocked face.

"Hello, sweetie! Shitty day, huh?" Tanong niya dito. Hindi niya na hinintay pa ang pagsagot nito at pumasok na siya sa loob. Tinanggal niya ang sapatos malapit sa doorway at maayos na nilagay ang mga ito sa isang shoe rack. Nag-iisa lang ang house slippers doon kaya nag-medyas na lang siya. Her house was chic and cozy. It wasn't over decorated but there was an obvious mess concentrated in the living area. Nakabukas ang TV nito sa isang cooking channel pero parang naghanda ito para sa isang party for one person.

Sa gitna ng nakakalat na paper bags at plastic ay mga lata ng San Miguel Beer Lemon flavour, iba't ibang chips, at streetfoods tulad ng kikiam at kwek-kwek. Tahimik lang siya sandal. Lumingon siya sa asawa na nakatingin lang sa sahig. He realized that she may have taken the wedding badly. Napalunok siya.

"Hey, come here." Lumapit ito sa kanya. She looked at him na parang wala na itong pakialam. Her eyes were tired. Suot pa rin nito ang slacks at shirt na suot kaninang umaga pero tinanggal na nito ang coat. Her makeup was smeared and her lipstick has long been erased from her lips.

"You're taking it hard, huh. Why don't you wash up and I'll prepare things here. I thought we could share this pathetic situation that we have. We'll just eat and I'll leave after. I promise."

Tumingin ito sa kanya na parang inaarok kung totoo nga ba ang sinasabi niya. Tumango lang ito at pumunta sa kuwarto nito. He cleaned all the trash and prepared the food in the table. Inayos niya rin ang kasamang rice sa order niyang chicken. Nakakita siya ng noodles at itlog sa cupboard nito.

He cooked the instant noodles and cracked two eggs on it. Hinalo niya iyon at binudburan ng chopped green onions bago pinatay ang apoy. Inilagay niya rin ito sa table kasama ang bowls at plato.

Lumabas na rin si Savannah mula sa kuwarto nito. She'd just taken a bath, wearing a pair of blue pajamas with clouds and rainbows on it. Her face was devoid of makeup. She looked less intimidating that way. In fact she looked really beautiful that way.

Inaya niya na itong kumain. Sinabi niya ditong itinabi niya na muna ang mga junk foods. Tahimik silang kumain. Nang mapansin nitong nakatingin lang siya dito ay parang nahiya ito.

"Sorry, I didn't eat the whole day –"

"Hey, you don't have to defend yourself. Eat everything you want. I won't judge you." Nakatawa niyang sabi. Magana itong kumain. Uminom ito ng beer. She offered him some but then she realized that he still has to drive kaya ipinagtimpla siya nito ng Honey Citron Tea.

"I know you prefer coffee but try this. It will calm your nerves like this beer does."

He sipped and it was like everything became brighter – it was sour, citrusy and warm. Napa- hmmm pa siya ng hindi niya napapansin.

Ngumiti lang sa kanya ang asawa na parang sinasabing, di ba I told you so?

Nang mapansin niyang inaantok na ito ay nagprisinta siyang mag-imis ng kalat. Sabi nito, iwan na ang mga plato't ito na ang maghuhugas pero hindi niya ito pinansin. Nakatulog yata ito sa sofa. Tinapik niya ng marahan ang balikat nito.

"Oh, sorry I fell asleep –"

"It's okay. Aalis na ako. I hope you feel better eventually. I'll lock the door on my way out."

Naglakad na siya palayo nang tinawag siya nito.

"Hey...thanks for tonight. I appreciate it, really."

"Nah. It's nothing. Ngayon lang 'to. I'll be back to my own assh*le self tomorrow, don't worry. I'll go now."

Isinara niya na ang pinto at lumabas na sa building nito. For once, they'd enjoyed a truce over dinner. It was quite refreshing.

Ang Barako at Ang Prinsesa (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon