Camilo got curious with the bits of information shared to him by Savannah.
Huh, that's weird. The change in Samson's demeanor is rather puzzling. Even Savannah doesn't know.
Nahilot nya ang kanyang ulo. Doubt is slowly creeping into his walls. There he was, thinking that Samson is this proud, corrupt, and abusive politician, but then accounts of the people close to him proved otherwise.
Even the most ruthless criminals have the tendency to be loyal and loving to their families. I have to keep in mind that Samson could be the same.
Matapos ng agahan ay umalis si Camilo ng walang paalam. He wanted to talk to Savannah's old man alone. Napasabihan niya na agad kay Fuentes ang contact nila sa detention center kaya dumiretso na siya doon kahit di niya ito kasama.
Alas diyes nan g umaga nang dumating siya sa detention center. Samson was not alone. Hindi muna siya nagpakita sa mga ito at tinawagan si Fuentes.
"Hey, I think that the guy that Samson talked to is here again. Any information on him?"
"Konti. Dayo lang rin siya dito. Mga ilang buwan pa lang daw nung dumating. Abogado ata. He's setting up a private practice dun sa bahay na tinutuluyan niya. Weird, huh? From the looks of it, he seemed like a bigshot lawyer. What would he get by setting up practice in the hinterlands? I'll go find out some more."
Tinapos niya rin ang tawag kaagad. Maybe he wanted peace? Yeah, but who am I kidding. What's the stranger's motivation? Family friend? Valuable ally?
Pumasok na siya sa visitor's lounge. The stranger wasn't there anymore. Nakaupo naman ang dating gobernador sa mesang inokupa ng mga ito kanina. The old man looked at him as if he was expecting him to be there.
"I knew you'd be back," sabi nito habang nagsisindi ng cigar. He looked around. Walang katao-tao sa building maliban sa kanila at sa guards na nakapuwesto malayo sa kanila.
"Cigarettes can shorten your life. Besides bakit mo pa susunugin ang baga mo kung nasusunog naman ang kaluluwa mo sa impyerno?" He silently seethed at him. Camilo expected the old man to get agitated. Sinadya niya lahat ng sinabi niya just to coax him off his pretenses.
To his surprise, the old man just laughed at him and took a big puff off his cigar.
"I knew it! I remember you now. You're that very angry kid."
Many years ago...
Matapos malaman ni Camilo na wala na siyang uuwian sa San Simon, ilang araw rin siyang nagpalaboy-laboy – naghahanap ng kung sinumang dating kapitbahay na makakapagsabi kung nasaan ang mga magulang niya at kapatid.
Hindi na puwedeng pumasok sa dati nilang kumunidad dahil may mga private guards na nagbabantay sa paligid.
Palakad-lakad siya habang umiinom ng softdrink sa plastic nang may nadaanan siyang komosyon. Naghahanda yata ang mga ito para mag protesta o pigilan ang demolisyon ng isa pang kumunidad. May mga barikada sa may bukana at ang iba ay may hawag na dos por dos at itak.
"Ano'ng meron dito?" Tanong niya sa isa sa mga usiserong bata.
"Naku, Kuya, papa-demolish ata nila Mayor itong kalahati ng Barrio Otso. May basbas ata nila Gob. E akala nga nila Tiya e kanila na to kasi binigyan naman sila ng titulo nung nagpa programa ang probinsya e ngayon biglang ganito. Kawawa nga e walang mapuntahan. Gan'tong gan'to rin yung dun sa may malapit sa aplaya. Naku parang nung pagkatapos ng away ni Goku at Vegeta ang itsura. Papagawa daw dun ng casino bay yun?" napakamot ang bata ng ulo. Kinse anyos pa lang ata ito pero madami nang alam.
Nagsumidhi ang galit niya dahil sa nalaman. Iba talaga pag mahirap, walang kalaban-laban. Nang araw ding iyon ay sumali siya sa barikada. Nagpang-abot sila at ang mga kampon ng Mayor. Nagpulasan ang mga tao nang basain sila ng pressurized na tubig mula sa fire truck. Puro sugat na siya at pasa pero nagpatuloy silang naiwan. May dumating na van na napalibutan ng mga bantay. Sa galit ay sinugod niya ang "pader" ng mga bodyguards at natapunan niya ng putik ang bumabang gobernador. Napalingon ito sa kanya at tinitigan niya ito ng puro poot sa mata sabay sigaw ng, "MAGBABAYAD KAYO!"
Pero ganun talaga. Hindi niya pa nga natapos ang sasabihin niya'y inulan na siya ng suntok ng mga bantay. Nagtaka na lang siya ng biglang tumigil ang mga ito.
Walang naglakas loob na tulungan siya. Luhaan at duguan siyang tumayo at nagpalakad lakad. Tuluyan niya nang nilisan ang San Simon isang araw matapos ang insidente.
"...you're that very angry kid."
Napukaw sa wala sa sariling pagbabaliktanaw si Camilo at ibinalik ang tingin sa matanda. Tiningnan siya nito ng matiim sa mata at sumeryoso.
"Well, I figured you'd become someone successful in the future. Anyone with that passion would be. Too bad that your motivation is revenge. You can correct me if I'm wrong."
Ibinaba ng matanda ang cigar na hawak sa ashtray at tumingin sa malayo, naghihintay ng isasagot niya.
"Well, you're not wrong. I'll make sure that everyone behind the demolitions years ago pays for their wrongdoings -"pinutol ng matanda ang sasabihin niya.
"- Well, let's make them pay shall we?"Ngumiti lang ito at iniwan na siya sa kinauupuan niya.
His trip to the detention center made everything he knew more confusing than ever. What are you trying to do, old man? Are you playing with me?
Nagpasalamat siya sa jail guard na nandoon at dumiretso na sa parking lot.
Tinatahak niya na ang daan pauwi sa kanila nang may napansin siyang lumang Pajero na sumusunod sa kanya.
"This is not good."Kinapa niya ang jungle bolo na nakalagay sa ilalim ng driver's seat ng minamaneho niyang lumang pick up at itinabi ang sasakyan. Ganoon din ang ginawa ng Pajero.
Nasa may liblib na parte na sila ng daanan kaya walang katao-tao sa daanan. He could only hear the birds, the grass and trees swaying with the noon breeze, and his rapid heartbeat.
Huminga siya ng malalim bago sugurin ang kung sinumang nasa loob ng sumusunod sa kanyang sasakyan.
_______
A/N:
Hi! May umaabang pa ba sa updates neto? Napatagal dahil sa work at nagpalit ako ng laptop, ngayon ko lang nakuha ang files galing sa luma. Spoiler alert! Hindi po action ang genre nito so subtle lang ang conflict (I assure you) at walang mala-Probinsiyanong galawan.
I hope you like it. Please vote and comment. Stay safe always.

BINABASA MO ANG
Ang Barako at Ang Prinsesa (ONGOING)
RomanceTypical Tagalog Pocket Book Romance inspired na istorya. Rags to riches, riches to rags? Alamin ang kuwento sa mga susunod na kabanata. Chus. Note: feeling writer lang ang nagsulat nito kasi imagination lang ang limit ngayong quarantine season. Stay...