"This is bad. This is where I say I'm stuck in a deep pile of sh*t." Ikinuyom ni Savannah ang mga kamay sa sobrang frustration. Nakatanggap siya ng e-mail mula sa bangkong pinagkakautangan ng kompanya nila na hindi na sila mabibigyan ng extension at kailangan nang magbayad sa loob ng dalawang linggo.
Mag-aapat na linggo na matapos ang walang pinatunguhang meeting niya sa "uncultured" na nilalang na si Camilo Altamirano. She was hopeful but he ended up clowning around and even offering to pay her debts if she'd marry him.
"He's just so pathetic." And also a jerk, dagdag ng utak niyang mahadera.
One month lang ang naging extension na nakuha niya and it has come to an end. Tumawag siya sa bangko para mag set up ng meeting sa bank manager pero nasa out of town meeting daw ito at sa susunod pang linggo ang balik.
Parang sa isang malungkot na drama, napatingin siya sa labas ng bintana. Maulan sa labas at madilim ang paligid.
" That's better, clouds. For once, nature is sympathizing with me. This is far from that life that I wanted."
Bumalik siya sa table niya at binasa uli ang contract ng loan agreement. Puwede ang late payment sa itinakdang schedule pero may dagdag na penalty. She was holding on to that stipulation.
Tinawagan niya kaibigang real estate agent. She twisted her hair while waiting for the call to connect.
Napangiti siya ng mapait.
"Hi, Billie! Guess who's gonna be homeless?"
_______
Parang nauupos na kandilang napaupo siya sa sahig ng condo unit niya pagkapasok niya ng pinto. She was surprisingly devoid of any emotions matapos ang meeting niya kasama si Billie. Maging ito ay nabigla sa desisyon niyang ibenta ang unit niya. Sinabihan siya nitong baka hindi sila makahanap ng buyer within the month kasi rush. They needed to have inspections etc. para masigurong good for listing ang condo niya. Overall it wasn't good.
Naupo siya sa sahig habang nakasubsob ang kanyang mukha sa kanyang center table. She didn't bother turning the lights on. Matagal siyang nasa ganoong posisyon, nakatitig lang sa repleksyon ng mga ilaw mula sa labas ng kanyang bintana.
Sa mga sumunod na araw ay isinubsob niya na lang ang sarili sa trabaho. Tumulong siya sa inventory ng stocks, sumama siya sa check-up ng mga mekaniko sa newly installed parts ng conveyor system nila, nai- double at triple check niya na rin ang company records nila. Naabot naman nila ang deadline ng deliveries nila last week dahil naayos na ang isa pang conveyor system nila. But the expenses made a dent on her savings – which as never really enough to pay even a quarter of their company's debts.
Ang kita nila sa latest shipment ay tama lang din para sa suweldo ng mga tauhan at iba pang operational costs sa susunod na buwan.
_______
Maagang maaga pa nagising si Savannah. Araw ng Lunes ang appointment niya sa bank manager. So far, walang takers ang condo unit niya so obviously it can't help her. May one million siya sa personal account niya na inipon niya through the years – extra allowance, designing gigs, sweldo niya sa Tri-Star at sa ilang maliliit niyang investments sa iba't ibang kompanya.
She hoped na kapag naibigay niya iyon ay bibigyan pa siya ng palugit ng mga ito.
Napahinga siya ng malalim nang tawagin na siya ng sekretarya ng bank manager. Pagbukas niya ng pinto ay nakangiti ito sa kanya, very far from the stern face that he usually gives her sa tuwing magrerequest siya for extension.
"Good mor-"
"Magandang umaga, Miss Villagracia! Come in, come in!" Ipinaghila pa siya nito ng upuan. She fidgeted on her seat for a while bago siya nakapagsalita.
" Sir, uhm, alam niyo naman po siguro ang rason kung bakit ako nandito. About the company's loan..."
"What about it? It's already been taken care of. Wasn't it you who processed the payments? I apologize but I was out of town so I was not there personally." Sagot nito na ikinabigla niya. Tila may hinanap ito sa mga folders na naka-pile sa table nito at nagbasa ng ilang sandal.
"It says here na may representative ng kompanya niyo na nag- renegotiate mg payment. So sa 10 million pesos na utang na kompanya, 75% has already been paid for in cash while the remaining 25% plus additional penalty will be paid in a montly basis."
"What? Really?"
Tumango lang ang manager at inpinakita sa kanya ang laman ng agreement. May meeting pa ito kaya nagpaalam na. Nagrequest naman siya ng copy ng agreement para ma double check niya pagbalik sa opisina.
She read every detail including the fine print. Ilang pages din iyon.
Her jaw dropped when she saw the name and signature on the pages of the agreement.
"Geez, this is crazy."
Patakbo siyang lumabas ng opisina para pumunta sa parking lot. She drove the car herself, malamang dahil sa adrenalin rush na naidulot ng sitwasyon.
_______
Tahimik na nagkakape si Camilo sa opisina ng biglang pabalibag na bumukas ang pinto.
"Are you crazy! Just what do you want from me?!" Sigaw ng pumasok. Napansin niya ring napapakamot ng ulo ang nakasunod na si Chantal na lumabas din matapos isara ang pinto.
Tiningnan niya ng diretso ang dalaga kasabay ng pag-ngiti.
" Hey, honey! I thought you'd never come."
BINABASA MO ANG
Ang Barako at Ang Prinsesa (ONGOING)
RomanceTypical Tagalog Pocket Book Romance inspired na istorya. Rags to riches, riches to rags? Alamin ang kuwento sa mga susunod na kabanata. Chus. Note: feeling writer lang ang nagsulat nito kasi imagination lang ang limit ngayong quarantine season. Stay...