A/N: Guys, short update muna. I hope you're all safe and sound! I'll try to update again within the week.
_____
Isang linggo nang nasa San Simon si Savannah. The newly appointed company lawyer kept giving her tabs about how the company is going. So far, so good. She took a deep breath after the call. Alas diyes na ng umaga. The sea looked inviting – pero tirik na tirik ang araw.
Oh well, bukas na lang...
Maaga din siyang nag-agahan kanina kasama ang mga in-laws niya. Camilo wasn't able to join them. Nasa home office niya ito dahil may bisita itong kausap kanina pa. Kung sino ay hindi niya alam.
Naupo siya sa terrace sandali...pero limang minuto pa lang ay nilamon na siya ng kuryosidad. Tumayo siya at naglakad papunta sa harap ng opisina ng asawa niya. She couldn't hear clearly.
Stupid, what do you expect?
Dahil sa inis ay lumabas na lang siya para maglakad lakad. Naisipan niyang mang-istorbo sa bakery. Naupo lang siya sa isang plastic stool habang pinapanood ang father-in-law.
"O, iha, ikaw ba eh nabo-bored na dito sa amin? Kaiba talaga sa siyudad, ano? Matagal lumipas ang oras kumpara sa siyudad." Sabi nito habang patuloy na nagmamasa ng tinapay.
"Hindi naman po. Tagarito naman din po ako...dati. Alam niyo naman po siguro? Gustung-gusto ko ngang magbakasyon dito sa San Simon pero ayaw na akong pabalikin nina Tito nang makulong si Dad. Kaya po medyo naninibago lang ako." Tumigil muna sandali ang matanda at tumingin sa kanya matapos humigop ng kape mula sa mug na nasa tabi nito.
"Kung ano man iyang mga katanungan mo sa isip mo, iha, 'wag mo na munang isipin. Lalabas din ang katotohanan sa tamang panahon. Ako man, may mga tanong pero ako na ang magsasabi, mapagkakatiwalaan mo 'yang binata ko – selpmeyd man 'yun eh at pinalaki naman namin na 'wag mang-aapak ng ibang tao. Matigas lang ang ulo nun. Pagpasensiyahan mo na."
Matapos ng chikahan portion nila ay inaya na siya ng matanda na mag-merienda sa may kubo. Nadatnan niya si Carissa na may kausap.
"Okay sige na, sige na...bye na. Merienda muna kami. Merienda ka na rin diyan...'bye na. Mwah! – ay t*te! Uh- ate nandiyan ka pala! Merienda na tayo."
"I'm sorry, naistorbo ko yata ang videocall nyo ng boyfriend mo."
Namumula ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.
"Ay hindi ko pa boyfriend to, nanliligaw pa lang chus," tila kinikilig pa itong sumagot sa kanya. Tinaasan niya lang ito ng kilay, na ginaya rin nito. Natawa tuloy sila.
"Maiba ako, may kausap yata ang kuya mo sa office niya...may idea ka ba kung sino?"
"Hmm, di ko alam ate basta matangkad, medyo maputi at artistahin-"
Napakunot ang noo niya. Hindi niya ma explain kung bakit biglang parang may sundot sa dibdib niya ang sinabi ng sister-in-law. Naging active na naman tuloy ang mahaderang part ng utak niya...
Oh, gurl, ano na namang ka gagahan ito? Ano't parang nagseselos ka yata? Ang tanong may karapatan k aba e sa papel lang naman ang wedding niyo?
"Oy, ate, ano't parang natulala ka diyan. Hindi tsiks yun, kung tama ako ng hula kung ano 'yang nasa isip mo. Lalake yun oy. Mukhang yamanin. Di ko pa nakita yun dito or baka di ko lang din maalala at matagal na rin akong nawala."
Napatango na lang siya at tumingin sa dagat. Paglingon niya ay bumangga ang mukha niya sa isang matigas na bagay.
"Hi. Ang layo ng tingin natin ah? Bored na ba ang prinsesa?" Nakangiting tanong ng kanyang asawa sa kanya.
"Whatever," sagot lang niya at itinuloy ang pagkain niya ng tinapay.
"FYI, yung buyer ng lupa ko na katabi ng Sun&Sand yung kausap ko...hindi chicks."
She groaned silently. Narinig ata ni Camilo ang pag-uusap nila ng kapatid nito May gana pang tumawa ang damuho.
"Well, I don't really care." Tumingin muna siya sa paligid, pumasok muna sa bahay ang kapatid nito kaya sila lang ang nasa kubo. " Sa papel lang naman tayo kasal."
Nginitian siya nito ng hilaw.
Shet, ganda ng teeth, pang-model. Sarap siguro i-kiss? Oh my gosh ano na naman 'tong naiisip ko. I must be going crazy. Arggh!
Nasabunutan niya ang sarili. " Ang presko mo talaga. Kumain ka na lang."
Kumain din naman ito. Pagkatapos ng merienda ay inaya siya nitong maligo sa dagat.
"Hey, wanna swim? The water looks inviting..."
"Are you crazy? Ang init kaya-" Nagkibit-balikat lang ito at nagpasyang maghubad ng suot nitong T-shirt sa harap niya. Napasinghap siya nang makita ang abs nito habang tinatanggal nito ang T-shirt.
Sheeeeeeet, gurl, panadero nga ang tatay neto kasi o – pandesal for dayssssssss, sabi na naman ng mahaderang utak niya. She didn't realize na naka focus siya sa abs nito at napansin nito iyon. Na realize niya lang nang magsalita na ito.
"You like what you see, Babe? Natural iyan, walang gym,gym," sabi nito at pa-preskong tumalikod para mag lunoy sa dagat.
Napaka-feeling naman ng lalaking yun. Akala niya ang swerte ko pa't pinakasalan niya ako. Ano'ng akala niya sa'kin? Well, two can play a game...
She went back to her room with a wicked smile on her face. Mabuti na lang pala dala niya ang mga two piece niya.
Camilo received a slightly good news that morning. He decided to take a dip. Mainit man ang araw ay malamig pa naman ang tubig. Tatawa-tawa siya sa reaksyon ng asawa niya kanina.
"Tataray-taray, laway din naman pala sa katawan ko," bulong niya nang may nakita siyang pigurang naglalakad sa maliit boardwalk mula sa backyard niya papunta sa beach. Nang palapit na ito'y halos lumuwa ang mata niya.
It was his wife wearing a...skimpy black bikini, he discovered, when she took off her cover up.
Suddenly he felt warm all over.
"Uh-oh. Gumaganti ata."
BINABASA MO ANG
Ang Barako at Ang Prinsesa (ONGOING)
RomanceTypical Tagalog Pocket Book Romance inspired na istorya. Rags to riches, riches to rags? Alamin ang kuwento sa mga susunod na kabanata. Chus. Note: feeling writer lang ang nagsulat nito kasi imagination lang ang limit ngayong quarantine season. Stay...