TS - Fountain
Agad akong nagising at napaupo nang marinig ko ang walang hintong kaka-kalampag sa pinto ko.
"Hoy, Pea! Male-late na tayo kung 'di ka pa kikilos diyan!" Dinig kong sigaw ni Kuya Damian sa labas ng pinto.
Agad naman akong napakamot sa ulo ko, not taking off my sleep mask at padarag na bumagsak ulit sa kama ko. Tinatamad akong pumasok. It would be nice kung pwede kang gumising kung kailan mo gusto.
Nang tanggalin ko naman ang aking sleep mask, napatingin naman ako sa orasan dito sa loob ng aking kwarto at agad nanlaki ang mga mata ko nang makitang seven fifteen na! Shet na pinakbet na sobrang lagket! Seven thirty ang pasok ko!!!!!!!
Agad akong kumaripas ng takbo paalis ng aking kama at saka dumiretso sa banyo. Gosh! Mahigit thirty minutes pa naman ako naliligo sa banyo. Paano ako makakapag-ayos sa oras na 15 minutes lang?! Kahit na tamarin akong tumayo, may pake naman ako sa pag-aaral. Ayaw ko lang talaga na maagang gumigising at ginigising.
Nang matapos kong pagkasyahin ang 15 minutes, agad-agad akong lumabas ng banyo. Palabas na sana ako ng pinto nang biglang lumapit si Fudgey sa aking paanan at saka lumambing sa akin.
"Hala, Fudgey. Male-late na ako. Mamaya na lang, okay?" I said talking to my dog.
Tumabi naman si Fudgey, as if he understood what I've said. Kaya nagpatuloy na ako sa pagmamadali. Pero nasa pinto pa lamang ako nang lumingon ako habang siya naman ay nakatingin sa akin, sitting while looking all cute. Napangiti naman ako, while slowly forming my hand into a gun before pointing at him and said, "Bang!" then, after that... he played dead.
"See you later, Fudgey!" I said before turning back at him. Nakita ko sandali ang pagtayo niya at biglaang pagtakbo sa aking kama bago nahiga.
Nagmadali naman ako sa pagbaba at pumunta sa salas kung saan nakita kong nakaupo si Kuya Damian sa sofa na mukhang inip na inip na.
"Ang tagal mo. Seven forty five na." Sabay iling-iling niya sa akin at tumayo mula sa sofa.
Napayuko naman ako sandali at hinigop ang hangin sa aking bibig until my cheeks turned into a puffer fish. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Kuya Damian.
"Stop with the cheek thing," aniya kaya binuga ko na ang hangin na nakaipon sa bibig ko.
I don't know why but for some reason kapag pinapagalitan o kaya pinagsasabihan ako, basta't mapapayuko na lang ako at magiging puffer fish ang pisngi ko.
"Sa susunod kasi bilisan mo na," he said in a calm tone kaya napaangat na ako ng tingin sa kanya.
"Binilisan ko na nga, eh!" pagmamaktol ko sa kanya.
Lumapit naman siya sa akin at saka ako inakbayan at hinila na palabas ng bahay. Ano ba yan, hindi man lang ako nakapag-almusal.
Nang makapasok na ako sa loob ng kotse ni Kuya Damian, ini-start na niya ang kanyang sasakyan. Actually, itong sasakyan na ito ay bigay lamang ng Tito namin. Medyo may pagkalumaan na rin pero keri pa naman kami. Hindi rin naman kasi kami retsked (rich kid) in other words 'di kami mayaman, sakto lang. Sina Mama at Papa naman ay maagang umaalis dahil sa kanilang trabaho, isa silang empleyado ng napakasikat na kumpanya sa balat ng land. Kaya sila maagang umaalis dahil bwiset 'yong may ari no'ng kumpanya na 'yon, kung ma-late ka lang ng 1 minute ay shet na pinakbet na sobrang lagket, ang sasabihin na lamang nila sayo ay I'm sorry we have to let you go, in other words.. You're fired! Nakaka-stress ang may ari roon. Kapag one day talaga makita ko sila, makakatikim sila sa akin ng pakbet—este sapak!
"Kayo talagang mga babae napakabagal kumilos," ani Kuya Damian sabay 'tsk'.
Napa-irap naman ako sa kawalan.
BINABASA MO ANG
The Switched
FantasyWhat will you do, if one day you'll wake up in a body of someone else? Danae is always a happy and bright person, but the people who surround her made her principles in life differently, made her think that life is full of unfairness. Which causes f...