TS - Feeling
Danae's POV
Isang napakalas na katok at sigaw ang naging dahilan ng aking pagkagising. Napabangong din ako at laking pagtataka ko na lamang dahil puro kadiliman lamang ang aking nakikita. Ramdam na ramdam ko rin ang mga pawis na namuo sa aking noo. Shet na pinakbet na sobrang lagket! Bakit wala akong makita?! I'm blind! I'm blind!
Sisigaw na sana ako nang may naramdaman akong isang presensya ng isang tao at parang kamay na may tinanggal ng kung ano ang nasa mata ko dahilan ng unting pagliwanag sa aking paningin.
Nang ilibot ko ang aking tingin ay medyo malabo pa ang aking paningin. My eyes stopped at the person standing in front of me. Bahagyang kinusot ko pa ang aking mata para makita kung sino ito.
Nang umayos naman na ang aking paningin ay muli ko siyang tinignan. Nakapamewang siya habang ang isang kamay niya ay may hawak na sleep mask. My sleep mask to be exact. 'Yon pala ang dahilan kung bakit pala wala akong makita. Bakit nakalimutan ko 'yon?
Pero teka nga, bakit nambubulabog ang isang ito?
"Kuya Damian, ang aga mo naman manggulo ng umaga!" Pagmamaktol ko at bumagsak muli sa aking precious bed.
Ang sarap pang matulog. Pwedeng pahampas ang ulo ko para ma-comatose ako at makatulog hanggang kailan ko gusto?
"Pea, we're going to be late! Bumangon ka na riyan!" Kuya Damian said and grabbed my feet.
Agad ko naman ako kumapit sa gilid ng aking kama habang patuloy pa rin akong hinihila ni Kuya Damian. Nagmumukha na nga akong lumilipad dito sa kanyang ginagawa. Kulang na lang kumanta na akong I believe I can fly, eh.
After what it seems like forever kahit wala namang forever, I just found myself inside Kuya Damian's car, sitting on the front seat. Nakapangalumbaba lamang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Iilang bahay din ang nilagpasan namin, nang mahagip ko ang isang lote na may kasalakuyang ginagawang bahay. Sandaling kumunot ang noo ko nang makaramdam ako ng kakaiba roon. Napakibit balikat na lamang ako at pinabayaan na lamang ito.
When we arrived at school, I bid my goodbye to Kuya Damian and went on to my classroom. Baka mamaya kasi biglang dumating na ang almighty Sir Jeps, mahirap na baka mamaya umusok nanaman sa galit 'yong mga natuyong tigyawat niya kapag na late ako.
Habang naglalakad sa hallway, nahagip ng mga mata ko ang isa pang almighty, almighty dinosaur na si Marcel. May sinasabit siyang poster sa pader at malamang karumaldumal 'yon kaya hindi ko na tinignan. Nang makita naman niya ako, isang irap naman ang ginawa niya. Pasalamat siya at wala ako sa mood kung hindi, siya ang isasabit ko sa pader.
Nang makapasok naman na ako sa room, naging maluwag naman ang aking paghinga dahil wala pa si Sir Jeps. Mabuti na lang at maaga ako ng ilang minuto sa kanya. At saka panigurado naman na nasa sulok lamang si Sir Jeps at naghahanap ng pwede niyang target-in sa kanyang kahalayan.
Nagtaka naman ako nang mapansin kong iba ang desk ko, nawawala kasi ang mga maliit na doodle ko kapag naiinip ako sa history ng buhay ni Sir Jeps. Napalingon naman ako at saka ko napagtantong nilagpasan ko pala ang upuan ko. Sandali naman akong tumingin muli sa upuan na nasa harapan ko. Bakit napadiretso ako rito? Upuan ito ni–
"Okay, class, settle down!" Dinig kong sinabi ni Sir Jeps kaya bumalik na ako sa mismong pwesto ko.
The next half an hour of our lesson made me really occupied. Hindi ko alam kung dahil ayaw ko lang talaga makinig sa history ng buhay ni Sir Jeps (which is true) o dahil sa pagkalutang ko papunta sa desk niya?
Sabay-sabay naman kaming napatingin sa pinto nang may biglaang pumasok dito. Speaking of the devil. Sir Jeps greeted him with his "malaswa" voice before giving him the slip. Without uttering anything, he proceeded his way to his chair, which I almost mistook as mine. Hindi ko rin alam kung namalikmata lamang ako dahil nakita ko ang munting paghinto niya malapit sa aking pwesto, pero agad din naman nagpatuloy.
BINABASA MO ANG
The Switched
FantasyWhat will you do, if one day you'll wake up in a body of someone else? Danae is always a happy and bright person, but the people who surround her made her principles in life differently, made her think that life is full of unfairness. Which causes f...