Epilogue

1 0 0
                                    

Danae's POV

Iba't ibang klaseng sigawan ang aking naririnig dito sa loob ng gymnasium. Kanya-kanya silang cheer sa mga magkalaban ngayon. Hindi ko rin inakalang matapos ng isang taon, magkakaroon ng rematch ang school namin at ang Roc University. Kung noong una ay kami ang guest, ngayon naman ay sila na.

Napabaling naman ako sa kaliwang bahagi ko dahil nasasagi na ako sa kaharutan ni Abby at si Kuya Damian. Oo, shet na pinakbet na sobrang lagket! Na beauty shocked ako, as in! Who knew that in the end they'll both end up together? Hindi ko talaga lubusan naisip 'yon. Hindi ko rin alam kung bakit nandito ang asungot kong kapatid, nakapag graduate na rin naman siya, sa awa ng Diyos. Dahilan niya kasi sa akin gusto raw niyang manood ng game, pero sa nakikita ko ngayon iba ang pakay.

Sa inis ko sa dalawa, ibinaling ko na lang ang aking tingin sa iba, which I shouldn't have done. Habang hawak ang dalawang pompoms no'ng dinosaur at ang kanyang dalawang kamay ay nasa pisngi ni Boots, nakita ko kung paano sila naghahalikan. Pwe. I grimaced as I removed my gaze at them. Mukhang nawalan ako ng ganang manood ng game.

Hindi ko alam kung sadyang nang-iinis ang tadhana o ano, pero nang ilipat ko naman ang tingin ko sa entrance ng gymnasium namin ay siyang nakita ko ang pagkabanggaan nilang dalawa ni Joseph. Sandali silang dalawang nagkatitigan habang si Joseph ay hawak ang bewang ni Lucille bilang suporta rito. Nang matauhan siguro sila ay siyang nakita ko ang pamumula ng kanilang mga pisngi.

Wow. Just wow.

Hindi ako na inform na harutan na pala ang gymnasium ngayon. Kaloka! Basketball game ang pinunta rito, hindi para makipaglandian! Mga shet na pinakbet na sobrang lagket kayo! Bakit hindi kayo tumulad sa akin? Napaka dalagang pilipina–

Naputol man kung ano ang nasa isipan ko dahil sa biglaang paghalik niya sa labi ko. It was only a smack, but I felt like my whole existence trembled. Gulat at nanlalaki pa rin ang mga mata ko dahil sa ginawa niya.

"H-Hoy! Bakit walang pasabi!" Pakiramdam ko namumula ang pisngi ko dahil sa kanyang ginawa.

Isang ngisi naman ang kanyang ginawa bago ilayo ang mukha sa akin. "You were spacing out. So, I snapped you back into your senses, and it worked!" Natutuwa niyang sinabi na ikina-iling ko naman.

"Marion, what the hell are you still doing here? Nandoon na lahat ang teammates mo." Dinig ko namang sinabi ni Kuya Damian sa aking gilid.

Aba, aba, aba. Panira ng moment. Sila nga ni Abby kahit gustong-gusto ko ng i-shoot sa magkabilaang ring, pinigilan ko pa rin ang sarili ko. Tapos ngayon, bigla siyang e-epal. Kaloka! Pero nang mapatingin ako sa pwesto ng mga teammates niya ay nagkukumpulan na nga ang mga ito habang kinakausap sila ni coach.

Isang simangot naman ang ginawa niya kay Kuya Damian. Then, I heard him sighed out of frustration and looked behind him. Nang mapatingin naman siya sa akin ay agad ko siyang binigyan ng isang malaking ngiti.

"Your teammates need you, Captain." Sabay gulo ko sa buhok niya na ikinasilay ng ngiti sa kanyang labi.

He nodded even if he wanted to stay a bit longer here at the bleachers. Simula kasing mag graduate na ang team captain na si Ken, nailipat ang posisyon kay Marion. (Hindi 69, pero okay lang) hindi ko rin alam kung paano nila naikumbinsi na kunin niya ang posisyon na 'yon.

Nagsimula na siyang maglakad papunta sa mga teammates niya na siya na lamang ang hinihintay. Pero laking pagtataka ko na lamang nang bigla siyang huminto at saka lumingon sa akin. Nagulat na lamang ako nang bigla siyang tumakbo papunta sa direksyon ko at nang makapaglapit kami ay siyang paglapat ng labi niya sa akin. It lasted for a few seconds before we parted.

Sandali pa rin akong nagulat dahil sa kanyang ginawa pero siya ay nakangiti lamang. "For goodluck," he said before giving me another smack on the lips.

The Switched Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon