Chapter 7

3 0 0
                                    

TS - Basketball Practice

Walang hiyang Marion na 'yon. Grabe ang pagkaswerte! Like, shet na pinakbet na sobrang lagket ang sarap sarap matulog sa kama niya! Grabe kung mapera lang talaga ako, bibili ako ng dalawang king size na kama at pagdidikit para talagang feel ko 'yong pagtulog ko. 'Yong kama ko kasi pang single lang, eh (parang iyong gumagamit).

Enjoy na enjoy ako at komprotableng-komprotable sa paghiga ko sa kama ni Marion nang marinig ko naman nag ring ang phone niya. Bwiset naman, oh! Ang sarap ko—este ng higa ko rito. Sino ba itong istorbo na ito?

Pagkita ko naman sa screen si Marion ito. Ay shet na pinakbet na sobrang lagket!

"Oh, napatawag–"

"Fuck, Danae! I can't do this job of yours anymore!" Bungad niya sa akin.

"Hoy, hoy, hoy! Bakit naman?"

"I'm not used to this kind of things. Baka 'di ko mapigilan ang sarili ko at masapak ko ang mga customers dahil sa pagiging bosy nila," reklamo niya sa akin.

"You know what you need? Patience. 'Yon ang wala ka, Marion. Of course they will be a bit bosy kasi ikaw 'yong waiter or.. waitress diyan. What do you think? Ikaw ang mang uutos tapos sila ang kikilos?" I said sarcastically at him.

Grabe naman itong si Marion. Hindi ko tuloy alam kung wala siyang alam sa buhay o sadyang tanga lang siya.

"Are you using a tone on me? Wait until–"

"Hehe sige na, Marion. Byeeeee!" I said and immediately turned off the phone before dozing off.

Ang liwanag na tumama sa aking mukha ay ang naging dahilan nang aking pagkagising, ang naging dahilan nang pagkasira ng aking tulog. Alam ko naman sinara ko 'yong kurtina ng kwarto ni Marion, ah? Shet na pinakbet na sobrang lagket. Sino ba itong nagbukas ng kurtina?

An old man with his cane continues to open the curtains dahilan nang pagkaliwanag ng buong kwarto.

"Are you a vampire, Marion? You should get more sunlight," ani Papa. (yup, nakasanayan ko ng tawagan ng ganyan ang lolo ni Marion).

Dumapa naman ako atsaka tinakpan ang aking ulo gamit ang unan."I mean, looked at you! You used to be more pumped up than usual," aniya at saka umiling-iling.

Napakunot naman ang noo ko at napaupo sa kama ni Marion.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Nagtataka kong tanong.

Pumped up? Hindi ba paputok 'yon? Ay popop pala 'yon hehe. Pero hindi ko talaga gets ang ibig sabihin ni Papa sa kanyang sinabi.

"Well.. the past few days, napaka-late mong gumising. Usually, you would wake up even before the sun shows," Papa said and looked at me with his brows a bit furrowed.

Napakamot naman ako ng ulo. Maagang nagigising si Marion? Then, bakit lagi siyang late? There were even times na hindi na siya pumapasok ng parehong subject namin. At ang pinakamaaga niyang pasok ay lagpas limang minuto na kapag nagsisimula na ang klase. Sinasadya niya siguro. Kung sa bagay, kahit na isang taon sigurong hindi pumasok itong lalaking ito, makakapasa at makaka-graduate pa rin. Iba talaga ang nagagawa ng magic este.. power.

"Binabawi ko lang po 'yong mga tulog ko na dapat noon ko pa ginawa," pagsabi ko ng totoo. Well, it is true dahil lagi akong puyat sa katawan ko, like kahit anong aga kong matulog pakiramdam ko kulang pa rin 'yon. Kaya bawing-bawi tulog ko now that I'm in Marion's body. Pero kahit na ganito, nakaka-miss 'yong ako, 'yong gawain ko.

Limang araw na rin kasi akong nabubuhay as Marion. Ang bilis, 'no? Parang relasyon niyo, dati kayo, ngayon hindi na. Peace hehe.

Sa limang araw na 'yon wala akong narinig kung hindi puro dadat ni Marion. Ang dami niyang sinasabi sa akin na hindi ko dapat gawin at mga dapat kong gawin. Nakakagigil na siya. Anong tingin niya sa akin? Tanga? Sa pag-ibig, oo, pero sa ganyan na bagay, hindi, 'no! Ako nga, hindi ako makareklamo sa kanya dahil bubuka pa lang ang bunganga ko, sasabihin niya kaagad, "I can handle it." Tsk. Hanggang sabi lang naman siya.

The Switched Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon