Chapter 9

2 0 0
                                    

TS - Restaurant

Danae's POV

"Pass it down, dude!" Muling sigaw ni Boots sa akin.

Shet na pinakbet na sobrang lagket. Malakasan ko naman ipinasa ito pababa. Kita ko naman na napanganga ang ibang players.

"And what exactly are you doing, Marion?" Napailing-iling si coach nang lumapit sa akin.

"Pinapasa ang bola?" patanong kong sinabi.

Napa-facepalm naman si coach sa aking sinabi. Bakit? Ano bang mali sa sinabi ko?

"What they meant about the pass it down, was pass it to your teammate. Not literally pass it down on the floor!" Pagsukong sinabi ni coach.

Napakamot naman ako ng ulo ko. Sumusunod lang naman ako sakanilang sinabi. Malay ko ba riyan. Hindi ko pa naman kasi gano'n kahasa ang mga words ng teamwork nila rito. Pero sa totoo lang, dalawang araw na rin ang sunod-sunod na practice kasi may upcoming match ang school sa Roc University. At sa dalawang araw na 'yon, puro basketball din ang nasa utak ko. Nag search din ako tungkol sa mga rules at tactics para sa laro. Minsan, nagpapa-late na rin ako ng uwi para makapag practice mag-isa. Ang problema lamang talaga ay 'di pa ako gano'n kahasa sa mga teammates ni Marion.

"If you continue this kind of act, I'm afraid I might take you out of the team for the meantime," ani coach kaya bigla na lamang nanlaki ang mga mata ko.

"Coach, huwag po! I'm just not myself, my mind is a bit occu–"

"Then, start being yourself!" Biglang napasigaw si coach na ikinagulat ko.

'Yong ibang mga players umalis pansamantala at 'yong iba naman nanonood.

"If you have any problems, Marion, huwag mong dalhin dito sa laro. Kaya ang iba mong teammates hindi makapag cooperate sa ginagawa mo!" Pagsermon ni coach na naging dahilan ng pag yuko ko at puffer fish ng pisngi ko.

Nang mapansin siguro ni coach na hindi na ako kumikibo sa kanyang sermon, medyo huminahon siya.

"Look, Marion. You're one of the best players here. Ayaw ko rin na tanggalin o palitan ka. Ilabas mo kung anong problema ang meron ka kapag on game ka." Sabay tapik ng balikat ni coach sa akin.

"Okay, take a quick break!" Anunsyo ni coach at saka umalis.

'Yon lang naman talaga ang problema ko, ang pakikipag communicate sa mga players dito. Ginagawa ko rin ang best ko para maging maayos ang game. Kasalanan ko ba na hindi ako expert dito? Batukan ko ata si coach, eh.

Nang mapaangat ako ng tingin, medyo nagulat ako dahil nakatingin sa aking direksyon si Kuya Damian. Sa kanyang tabi naman ay ang captain ng mga players. May kung anong binulong ito kay Kuya Damian, pero hindi pinansin ni Kuya Damian ito. Ang kanyang mata ay diretso pa rin sa akin na parang mariin niyang sinusuri ang aking kilos. Kaya ngumiti na lamang ako ng tipid.

"Break na tayo!" Pagsabi ko. Ay teka, parang mali sinabi ko.

"Meaning ko... break ka na at break na ako." Sabay mahinang tawa ko. Siya naman ay napailing-iling na lamang at naglakad palayo.

Lumapit naman sa aking direksyon si captain.

"Look, Marion. I know you don't like being boss around, but if you really want to be in this game, you have to stoop low for a bit," ani captain at saka ako tinapik sa balikat bago umalis.

Kumunot naman ang noo ko. Well, that is one thing I don't understand. Ayaw ni Marion ang napag-uutusan kaya nakapagtataka naman na hindi siya ang captain dito. Kung tutuusin marunong siya at may sariling strategy para mapanalo ang kanyang team. Ang current captain kasi ngayon ay kaklase ni Kuya Damian. Each year kasi may 5 players, eh. At each team mamimili si coach kung sino ang ilalaban niya sa game, at kadalasan si Marion ay kasama roon. Kaya hindi pwedeng tanggalin o palitan ako ni coach sa nalalapit na game. I'll just practice more and stay focus.

The Switched Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon