Chapter 14

1 0 0
                                    

TS - His Brother

Danae's POV

After I told Marion about Lucille, parang mas lalong bumigat lamang ang naramdaman ko. Especially, about his expression. Hindi ko mabasa, hindi ko maintindihan. Kung sa bagay, ano nga bang alam ko sa nangyari sa kanilang dalawa? What do I know about Marion's feelings? But judging about his reaction, he's still affected by her.

I sighed as I glanced for the nth time at Marion's phone that was place on the table in front of me. He's been receiving messages from her. Hindi ko rin naman ito pinapakailaman dahil may usapan kami tungkol sa privacy ng phone namin at ayaw ko rin mabasa kung ano man ang naging usapan nila noon.

I put down the book that I was reading next to Marion's phone. A cold wind blew on me that made me shiver a bit. Nandito ako ngayon sa likod ng mansyon nila Marion kung saan nakalagay ang shet na pinakbet na sobrang lagket na laking pool nila. Ngayon ko lamang nakita ito nang naisipan kong i-explore ang mansyon nila para mawalay sa utak ko ang tungkol kay Marion at Lucille. Napadaan din ako sa study room nila kung saan naabutan ko rin si Papa roon. Doon ko rin nakita 'yong librong Pride and Prejudice na binabasa ko kanina. Papa was actually a bit shocked when I asked him if I could borrow it. Hindi raw kasi nagagawi si Marion doon kaya laking gulat niya nang mapadpad ako roon. Minsan nga iniisip ko kung hindi ba marunong magbasa si Marion kaya never ko siyang nakitang humawak ng libro. Hays.

Nang mahagip naman ng mata ko ang rubik's cube na nakapatong lang din pala sa lamesa, kinuha ko ito. Pinapatago pala sa akin ni Marcel ito. Isa rin 'yang babae—dinosaur pala na 'yan, hindi mo alam kung anong trip sa buhay. Ano kayang mararamdaman niya kapag nalaman niyang bumalik ang ex ni Marion?

Ginulo ko naman ang pagkasolve ni Marion dito sa rubik's cube. Pero nakakapagtaka, ilang ikot lang naman ang ginawa ko pero hindi ko na alam kung paano ibalik sa dati. I turned it and turned it hanggang sa wala na, hindi ko na alam kung paano ibalik.

Napabuntong hininga na lamang ako at sumuko. Itong rubik's cube na ito parang si Marion, ang hirap intindihin, hindi ko alam kung ano ba talagang bumubuo sa kanya. Isama mo na rin ang nararamdaman ko, sobrang gulo, hindi ko rin maintindihan. It had so many twist and turns that I wasn't familiar with. Kaya...

"Hindi ko alam kung paano ito buoin." Sabay kamot ko na lang sa ulo ko rito sa rubik's cube.

Dalawang araw na rin ang lumipas simula nang banggitin ko kay Marion ang tungkol kay Lucille, and yet, he acted like I didn't knew anything about her. Gano'n ba siya ka-bitter? Sa dalawang araw din na 'yon, hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan si Lucille dahil wala naman sinabi sa akin si Marion. So, nag act na lang akong civil, pero may konting pagka-arte at pabebe ('yong typical na ugali ni Marion, 'yong ubod ng sungit). Hindi ko nga rin alam kung paano ko nakakayanan na makisalamuha sa kanya. She seems kind, pero ewan.. hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko. I had a hint, but I don't want to confirm it.

"Hey, lazy ass!" Napalingon naman ako nang makita ko ang kapatid ni Marion na papalapit sa akin habang nakapamulsa.

"Oh, bakit?" Walang gana kong sinabi habang nakahilata sa ubod ng lambot din na sofa nila Marion sa kanilang living room.

I heard him cleared his throat before answering. "Papa wants us to go to the mall."

Bahagya naman kumunot ang noo ko. "Wala naman siyang sinabi sa akin," I said, confused.

Napadaan kasi siya kanina rito at tinanong lang kung anong ginagawa ko. Syempre, ang sagot ko nagpa-party kaya nga nakahilata ako, eh. Kaya ayon, nahampas ako ng tungkod ni Papa sa pwet.

"H-He forgot."

Baka nga. Dahil siguro roon sa naging sagot ko kaya hindi na niya nabanggit sa akin. Pero ano naman gagawin namin sa mall?

The Switched Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon