TS - Necklace
Danae's POV
Bawat lakad ko ay sini-sigurado kong maingat ako dahil shet na pinakbet na sobrang lagket, ang sakit at hirap maglakad gamit ang saklay.
Dalawang araw na rin ang lumipas simula nang manalo kami, or should I say napapanalo ni Marion ang team. Pagkatapos din ng nangyari, pinadala ako ni Papa sa ospital para ma-i-check ulit ang aking paa. Nothing serious naman ang nangyari, but the doctor gave me crutches para raw hindi ako mahirapan sa paglalakad. At ngayon pa lamang ako muli pumasok after ng dalawang araw. And to what I'm hearing about their comments about me. Ayon, puro pangungumusta and some have this concerned look on their faces, lalo na ang mga babae. Shet na pinakbet na sobrang lagket!
Napabuntong hininga naman ako. Pagkatapos rin no'ng laro, hindi maiwasan ang mga nakakapagtakang tanong sa mukha ni Kuya Damian. Maging na rin ang ibang teammates. Alam kong lahat sila may gustong sabihin o tanungin, pero dahil nga si Marion ako, mukhang medyo tiklop sila. Except na lang sa ubod ng kakapalan na pagmumukha ni Boots. Pero pinabayan ko siyang mag ooh-ooh-aah-aah sa akin. Can't speak monkey, eh.
Nagulat naman ako nang bigla akong ma-out of balance dahil hindi ko napansin na merong maliit na batong natapakan ang saklay ko. Akala ko mahuhulog ako, mahuhulog at walang sasalo. Chirot! Pero nagulat na lamang ako nang may humawak sa braso ko at saka inalalayan.
"M-Marion." Medyo nanlaki ang mga mata ko.
"Hindi pa nga gumagaling iyang paa ko in-injure mo na naman ulit," he said and slightly shook his head, pero nakikita ko naman ang munting multong ngiti sa kanyang labi.
Hindi naman ako nakapag react. I was a bit too stunned dahil nasa tabi ko siya. Actually, after the game, ngayon lamang ulit kami nagkita. Well, we do text each other dahil nga kinakamusta niya kalagayan ko. Pero shet na pinakbet na sobrang lagket. Bakit naghuhuramentado na naman ang puso ko?
"Where are you going, though?" Tanong niya na nagpabalik sa akin sa mundo.
"L-Library," I stuttered a bit.
Tumango naman siya at bahagyang inalalay ako sa paglalakad.
"Okay na ako, Marion. No need to help me," I said assuring him.
Kumunot naman ang noo niya. "Doon rin naman ang punta ko dahil maaga akong pinapa-assist sa library. At saka baka mamaya mapano ka na naman," aniya at napailing-iling.
Napa-pout naman ako. Anong tingin niya sa akin? Tanga? Well, sa pag-ibig, oo. Pero sa ganito? Hmmm.. hindi lang ako sure.
Tahimik naman kaming dalawang naglalakad sa hallway papuntang library. Pero hindi included na tahimik ang mga estudyanteng nakatingin sa aming dalawa. Kanya-kanyang bulungan ang mga nagaganap na naman. Some of them are giving my original body these death glares. After what Marion did on the game, mabilis kumalat sa University ang nangyari, at kanya-kanyang kwento na ang naganap. Ang daming nadagdagan na kwento sa maliit na aksyon na ginawa niya. Hindi ba pwedeng sabihin na lang na "Ay grabe! Sobrang bait pala ni Danae para tulungan si Marion!" Hindi ba pwedeng ganyan na lang sabihin nila? But some of their words were good. Tulad no'ng pagkapanalo sa game, kung papaano nagbigay karangyaan yung pag sub niya sa akin, etc.
But what makes me really confused ay 'yong biglang paglapit ni Marion sa akin, especially here on public. Alam na alam kong ayaw niyang napag-uusapan siya, kaya 'di ko maintindihan ang pagsama niya ngayon sa akin.
"M-Marion, you can go ahead first. Susunod na lang ako sa 'yo," I said that made him turn to me with brows furrowed.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
The Switched
FantasyWhat will you do, if one day you'll wake up in a body of someone else? Danae is always a happy and bright person, but the people who surround her made her principles in life differently, made her think that life is full of unfairness. Which causes f...