Chapter 16

1 0 0
                                    

TS - Blamed

Danae's POV

Pakiramdam ko tumigil ang ikot ng mundo dahil sa aking sinabi. Napanganga si Marion, nanlaki ang mga mata ni Kuya Damian, napakurap-kurap naman si Mama, at ako naman ay ubod pa rin ng ganda—este ng katangahan.

"B-Boyfriend mo ang anak ng mga Martinez?!" Hindi makapaniwalang sinabi ni Mama.

Napalunok naman ako.

"Oh, Mama, anong meron dito?" Sumulpot naman sa gilid si Papa at saka napatingin sa amin.

"Mr. Martinez! Nakakatuwa naman at napunta ka sa amin." Gulat man pero bakas pa rin ang pagtataka sa itsura ni Papa.

Kung sa ibang sitwasyon ito baka kanina pa akong tumakbo at saka sila binigyan ng napakahigpit na yakap.

"Papa, boyfriend daw siya ni sweet pea!" Medyo napalakas ang boses ni Mama.

Nakita ko naman ang pag-iiba ng timpla ng itsura ni Papa nang marinig niya ang sinabi ni Mama. My eyes widened a bit when I saw him cracked his knuckles. Shet na pinakbet na sobrang lagket.

I never once imagine that I'll be in a awkward situation in our dining table. I was more used to the laughter and warm conversation. Pero ngayon, kakaibang awra ang nasa hapag namin ngayon. At pakiramdam ko ay dahil ito sa sinabi ko kanina.

"Bakit pala ang aga ng uwi niyo, Ma?" Pagbasag sa katahimikan ni Kuya Damian.

Ayan din ang tanong sa aking isipan kanina. Nakakapagtaka kasi na ang aga nilang nandito, to the point na nauna pa silang nakauwi sa amin nila Kuya Damian. Kadalasan kasi ay napaka-late ng uwi nila Mama at kung umaga naman ay sobrang aga ng alis.

"Have you forgotten, Damian?" Tanong ni Mama, pero kumunot lamang ang noo ni Kuya Damian. "Ikaw, sweet pea?" Sabay baling naman ni Mama sa katabi ko.

Isang kibit balikat naman ang sagot nito. Ako nga hindi alam, siya pa kaya.

Napabuntong hininga naman si Mama.

"It's our 24th anniversary today." Nanlaki naman ang mga mata ko. So, that explains our unusual food here. Shet na pinakbet na sobrang lagket! Oo nga pala! I was so preoccupied about what happened na nakalimutan kong anniversary nila Mama at Papa ngayon. Pero bakit si Kuya Damian nakalimutan niya? What's his excuse?

"Hay, I'm hurt mga anak!" Nagtatampong sinabi ni Mama sabay hawak sa kaliwang parte ng kanyang dibdib na akala mo ay nasaktan.

Sinipa ko naman ang paa ni Marion kaya napasimangot siya sa akin. Sinenyasan ko naman siya na lapitan sina Mama at Papa para batiin. Nakuha naman niya 'yon at tumayo. I saw a hint of hesitation in his face, but he still went to Mama and Papa ang gave both of them a hug.

"Happy anniversary Ma at Pa." Napahinto sandali si Marion nang ngitian siya ni Mama.

A sad smile escaped from his lips as he sat back next to mine. Binati rin sila ni Kuya Damian at saka niyakap bago naupo rin sa tapat namin.

"Happy anniversary din po." I smiled at them. This was the least I can do for now. Kahit na gustong-gusto ko na silang yakapin, hindi pwede.

"Salamat, Mr. Martinez." Ngiti sa akin ni Mama.

"Nagka-boyfriend lang kasi ang isa riyan, nakalimutan na tayo, Mama," parinig ni Papa.

Napawi naman kaagad ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Papa. Nakita ko naman na napangisi si Marion sa aking tabi.

"Papa, hayaan mo na. Dalaga na rin naman ang sweet pea natin." Sabay ngiti ni Mama.

"Pero hindi ko lang maintindihan kung bakit nauna pa si Danae kaysa sa 'yo Damian," reklamo ni Papa.

The Switched Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon