Chapter 5

4 0 0
                                    

TS - Her Life

Nanlaki ang mga mata ko at dahan-dahan lumingon sa nagsalita. Nakakunot ang noo niya habang tinitignan ako. Napalunok naman ako at napakurap-kurap dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.

"What are you doing here?" Napatingin naman ako kay Marion dahil ngayon nasa tabi ko na siya.

Napabaling naman si Joseph sa kanya. "You know my mother works here, right?" Aniya kay Marion.

Shet na pinakbet na sobrang lagket! Nakalimutan ko nga palang dito nagtatrabaho ang Mama niya sa coffee shop na ito.

"Really? My mistake,"balewalang sinabi ni Marion.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit mo tinawag na Marion si Danae?" Ngayon sa akin naman siya tumingin, at nababase sa kanyang mukha ang pagiging kuryosidad niya.

Napatingin naman ako kay Marion pagkatapos naman ay kay Joseph.

"Ano.. Umm.." I was struggling to find the right words. "I.. Uhhh.."

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Marion. "Nagkamali–"

"We were playing switched up names!" mabilis kong pagputol sa sasabihin ni Marion.

Nagtataka naman akong tinignan ni Joseph, while Marion gave me a "What the hell?" look.

"Uh-huh," ang tanging nasabi sa akin ni Joseph pagkatapos ay pareho kaming tinignan ni Marion from head to toe.

"Why... why are you both still wearing pajamas? At magkasama ba–"

"You know what? It's really not your business," malamig na sinabi ni Marion na ikinagulat ni Joseph.

"Oh.. yeah, sorry about that, Danae." Now, he looks a bit embarrassed.

Shet na pinakbet na sobrang lagket! Bakit gano'n na lamang ang sinabi ni Marion kay Joseph?! Baka anong isipin niya tungkol sa akin. Ayyyy!

"Sige mauna na kami. Bye, Joseph!" Nagmamadali kong sinabi kay Joseph at kita ko naman sa kanyang mukha ang pagtataka.

Shet na pinakbet na sobrang lagket. Hindi ba sila close ni Marion? Halaaaaa, baka akala niya niyan feeling close ako sa kanya.

Hinawakan ko naman ang papulsuhan ni Marion (my original body) at saka siya hinila palabas ng coffee shop. Ramdam ko ang pagpipiglas niya pero hinihigpitan ko ang hawak sa kanya hanggang sa makalayo na kami.

"Aww.. What was that for?" Reklamo niya habang hawak ang papulsuhan.

"Omg! My poor wrist!" Nag-aalala kong sinabi at saka hinila ang kamay ni Marion na ikinagulat niya.

"Hala." Hinipan ko naman ang papulsuhan ni Marion which is my original body dahil sobrang pula nito.

"Huh!" I heard him mocked.

"Ikaw may gawa niyan saka ka magrereklamo sa nangyari riyan?" Iritado niyang sinabi sa akin.

Napa-pout na lang ako at saka binitawan siya.

"Paano ba naman kasi, baka kung ano ang isipin ni Joseph sa akin. Hindi naman ako gano'n magtrato ng tao, eh."

Marahan naman siyang tumango. "Ahh.. so, how do you treat him? Do you treat him as your romantic interest or.."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa kanyang sinabi. "H-Hindi, ah! Magkaibigan lang kami ni Joseph!" Pagdepensa ko sa sarili ko.

"Huh." Napangisi naman siya.

"I'm telling the truth! Hindi lang kasi talaga ako gano'n makitungo sa ibang tao." Sabay buntong hininga ko.

"Sorry. For a minute there, I thought he wasn't," aniya na may ngisi sa labi at nagsimulang maglakad paalis.

The Switched Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon