Chapter 3 : Racetrack

278 6 0
                                    

Chapter 3 

Maaga akong nagising sa araw na to kaya napagpasyahan kong magluto ng lunch para kay Stan at dadalhin ko ito mamaya sa office nya.Maganda ang gising ko kaya't abo't tenga ang ngiti ko.I cook Chicken Cordon Bleu at nagbake din ako ng cake for dessert.

 Ilang oras ang ginugol ko sa pagluluto sa kusina kaya ng matapos ako ay inilagay ko na agad sa canister para hindi lumamig.Bumalik ako sa kwarto ko para maligo.

I decided to wear one of my Scarlet's dress.It's a light blue above the knee dress that is hugging the curves in your body and the shoulder part down to the chest part have little portion of swarovski crystals.It looks beautiful yet simple and not too extravagant t.This is one of my design masterpiece and im really proud of using my own clothing lines dress.

BLARE & SCARLET is my clothing line's name.I love showing off my own work kaya all the dress,shirts,skirts and jeans that I wear ay galing lahat sa sarili kong clothing line.

I use my red Ford Mustang dahil ayaw kong mag commute.Tinahak ko na ang daan patungo sa kumpanya ni Stan.Hindi na ako nag abalang tumawag sa kanya para sabihing pupuntahan ko sya.Gusto kong surpresahin si Stan sa pagdating ko at sa lunch na ginawa ko para sa kanya.

Maingat na dinala ko ang canister habang nag lalakad ako pasakay sa elevator.Napatingin naman sakin ang ibang empleyadong kasakay ko.I just smile at them.

Nang makarating ako sa floor ni Stan ay nginitian ko ang secretary nyang bumati sakin.Hindi na rin ako kumatok sa pintuan ng office nya at pumasok na lang basta.Imbis na sya ang masurpresa ay tila na baliktad ang sitwasyon dahil sa naabutan ko sa office nya.

I was shocked at napaawang ang labi ko seeing Stan making out in his chair with his no other than girlfriend Bridgette Stein in his lap.

Tila napako ako sa kinatatayuan ko hindi ko nga alam kung anong expression ng mukha ko and im sure i look hilarious.Ilang segundong katahimikan ang dumaan bago nag salita si Stan.

"What brought you here Mayzie?" nakasmirk na tanong ni Stan na parang walang nangyari.

UGS 2 :Tyrant's Illegal GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon