Chapter 6 : Bridgette

252 4 0
                                    

Chapter 6


Lahat sila ay nakatingin samin ng seryoso na para bang may nagawa kaming mali.Bumaling naman ako kay Stan na cool na cool naka upo habang nasa dibdib pa nito ang mga kamay nya.


Tinaasan ko sila ng kilay ng binalik ko ang tingin ko sakanila.


"What?!" tanong ko sakanila ng hindi ko na mapigilan dahil naiirita na ako sa mapanuri nilang tingin.


"Are you two..? " si Jaejin ang naglakas na magtanong pero hindi rin naman nya tinapos.


"Together?" si Stan na ang napatuloy sa dapat na tatanungin nila.They all just nod to him and waited for his answer.Maging ako ay nanahimik at naghihintay kung ano mang sasabihin ni Stan sa mga kaibigan namin.Of course hindi ko sasagutin ang tanong nila dahil sa palagay ko si Stan ang may hawak ng sagot dun.

Matagal na katahimikan ang bumalot sa table namin.Sasagot na sana si Stan ng bigla hindi nya naituloy ang sasabihin dahil may humawak ng balikat nya.


"Oh there you are.Kanina pa kita hinahanap my parents are looking babe." matamis nyang sabi pagkatapos halikan sa pisngi si Stan


Napalunok ako habang yumuyuko para pigilan ang sarili kong gumawa ng hindi maganda.Reality slap me when she said that.Wake up! Mayzie hindi ikaw ang legal girlfriend kasi ang tunay na kasintahan ni Stan ay nanjan sa harapan nyo nakatayo habang nakangiti ng ubod ng tamis.

I was hoping for Stan to answer them yes but all my hopes just fade away when he turned to face Bridgette


"Kanina ka pa Jet?" tanong ni Stan na parang walang tensyong nabubuo sa pagitan ng barkada at sakin.


"Yes kanina pa ako dumating.Mom's asking me nga bakit hindi mo ako sinundo ang sabi ko na lang kay Mommy na your busy dito sa event." she said while smiling ear to ear.


Hindi ko alam kung inosente ba talaga sya o sadyang ignorante lang na hindi mapansin ang kakaibang atmosphere saamin.


"Sure.I'll greet them." tumayo na si Stan para umalis pero bago pa sila tuluyang maalis ay biglang nagsalita si Sherlock.

"Excuse me but who the hell are you?" mapait na sabi ni Sherlock habang nakataas ang kilay kay Bridgette


Malakas na napasinghap si Bridgette at bigla yumuko para humingi ng paumahin kay Sherlock.


"Im sorry. Im sorry ." malumanay na sabi nya habang nag ba-bow ng paulit ulit sa harapan namin. "I did'nt mean to be rude.Ako nga pala si Bridgette Stein girldfriend ni Stan." pakilala nya at inabot ang kamay samin.


Tanging ang mga lalaki lang ang tumanggap ng kamay nya habang kaming tatlong babae ay tiningnan lang sya.Nahiya naman sya ng hindi namin abutin ang kamay nya kaya ibinaba nya agad ang nakalahad nyang kamay.


 "is it true kuya?" tanong ni Sherlock sa kapatid na parang hindi naniniwala sa sinabi ni Bridgette.

UGS 2 :Tyrant's Illegal GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon