Chapter 4 : In His Arms

279 9 0
                                    

Chapter 4

Nagising ako dahil sa naririnig kong nagkakagulo sa paligid ko.Ayaw ko pa sanang gumising pakiramdam ko kasi kulang pa ang tulog ko pero dahil parang mga bubuyog ang mga tao sa paligid ko ay napilitan akong magmulat.


"pwede ba wag kayong maingay." mahinahong sabi ko sakanila


Napalingon silang lahat sa gawi ko at natatarantang lumapit sakin.


"How are you Mayzie?" -Jaejin

"Wag kang mag-alala nakatig iisa na kaming suntok kay Speed."-Amiel

"You are asleep for 2 days." sabi ni Bryce at bumaling kay Sherlock "babe okay lang ba talaga sya?"


"Oo naman.Wala syang malay ng dalawang araw ay dahil sa over-fatigue at emotional stress."


Seryosong nakamasid ang mga mata ni Clio na naka upo lang sa couch katabi si Stan na wala man lang ka galaw galaw.


"Hey!" bati ni Speed na kapapasok pa lang sa pintuan sa tabi nya ay naroon si Lennon.


Sinamaan ko agad sya ng tingin pati na rin ni Sherlock at Clio.Tinaas nya ang kamay nya na parang sumusuko saka lumapit sakin.


"Sorry talaga Mayzie.Sinabi ko naman kasi sayo kapag hindi ka tumigil babanggain kita.Look im true to my words at kung hindi ko yun ginawa baka mas malaking damage ang nakuha mo.Sa bilis ng pagpapatakbo mo na-----"


TInakpan ko ang bibig ni Speed para hindi na nya ituloy pa ang sasabihin nya.


"Whatever Speed.Basta yung bago kong Ford Mustang and hindi ako Ban sa racetrack mo." sabi ko pa at bumaling na sa iba pa.


"Banned her Speed at ako na rin ang bahala sa kotse nya." madilim ang mukhang nakatingin si Stan sakin at kay Speed.


Napakunot ang noo ko at tumingin ulit kay Speed.

"Don't listen to him Speed!" inirapan ko si Stan.


"Just do it Speed kung hindi ipapasarado ko ang race track mo." napabuga ako ng hangin sa sinabi ni Stan.Ayan na naman sya ginagamit na naman nya ang kapangyarihan nya para mapasunod ang tao sa paligid nya.


"Sorry Mayzie pero ayaw kong maisarado ang race track ko meron kasing up coming event na doon gaganapin." tumingin sya sakin na parang nanghihinging paumanhin.


"Whatever." inirapan ko na lang si Stan na nakatayo sa harap ko habang seryoso paring nakatingin sakin.


 "Sherlock kailan ako pwedeng lumabas?"

Tumingin ako kay Sherlock na kasalukuyang nakalambitin sa leeg ng fiancé.

"Pwede ka ng madischarge ngayong araw pero kung gusto mo pwede ka pang magstay ng isang araw dito para makapagpahinga ka pa." si Lennon na ang sumagot sa tanong ko dahil si Sherlock at si Bryce ay may sariling mundo.

UGS 2 :Tyrant's Illegal GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon