Chapter 8 : Fresh from Cali

235 3 1
                                    

Chapter 8

 Hindi ko alam kung ano ang sumagi sakin at nagdesisyon ako ng basta basta.Nakatayo lang ako sa harap ng malaking gate at hindi ko mapigilang ang nangangatog kong tuhod.Natatakot ako na baka sa oras na pindutin ko ang doorbell ay hindi maging maganda ang mangyari.

Lumakad ako ng pabalik balik habang nagdedesisyon kung tutuloy o uuwi na lang.May oras pa ako kung magbabago ang isip ko pero once na makapasok na ko pakiramdam ko makukulong na naman ako.

Huminga ako ng malalim.Tutuloy na ako ayaw kong masayang ang pagpunta ko dito para lang sa wala.

Lumabas ang guard at tinanong ang pangalan ko.Hindi ko na kilala ang guard na nagbabantay sa gate siguro napalitan na ang dating guard na kakilala ko.Pinapasok nya ako ng malaman ako ang panganay na anak ng mga Cuddlefield.

Mabagal lang ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa mismong mansion.Nakangiting lumapit sakin ang isa sa mga katulong at iginiya ako papasok sa sala.

Nilibot ko ang paningin ko at napansing nag iba na ang disenyo ng bahay.Tumigil ang paningin ko sa isang malaking larawan nilang tatlo na kapansin pansin.

 Latest Family Picture nila.

 Sabi ng isip ko at kiming ngumiti.

"Ate!" 

Naka ngiti sya ng abot tenga at malaki na rin ang pinagbago nya.He looks dashing at lumaki na rin ang katawan nya.He's just wearing plain v-neck shirt and maong shorts pero kahit ganon may aura sya ng pagiging business man.Right he's the heir of our family nga pala kaya naman im 100% sure na sya na ang CEO ng Cuddlefield Corp.

"ang gwapo gwapo mo na Albert James!" niyakap ko sya ng mahigpit at hinaplos ang buhok.

"And your so gorgeous my sister.."

"bolero ka na ha!" sabi ko pa at mahinang pinalo ang braso nya.

"Totoo yun ate!" napakamot pa sya sa ulo at dinala sa kitchen.

UGS 2 :Tyrant's Illegal GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon