Chapter 10 : Confrontation

245 3 0
                                    

Chapter 10

Pagpasok ko sa building ay agad na sumalubong sakin ang mga usap-usapang tungkol sa akin at kay Stan.Hindi ko na lang pinansin ang mga chismosa sa paligid at nagpatuloy na lang sa pagtratrabaho.Pumasok si Clio sa kalagitnaan ng pakikipagusap ko sa isang client at naglagay ng kape sa table ko.

Hindi sya umalis sa office ko hanggat hindi ko binababa ang telepono.Nang sa wakas ay natapos na ako ay bumuntong hininga sya at sumalampak sa couch.

"It's all over the news Mayzie" maikling pahayag nya pero sapat na para maintindihan ko ang tinutukoy nya.

"Grabe hindi ko alam na daig pa ni Stan ang artista wala lang dalawang araw ay nasa balita na agad." I joke at sinubukang pagaanin ang atmosphere.

"Mayzie! Hindi ka man lang ba nababahala?" nag aalalang tanong nya sakin 

I shrug and smiled at her.I really don't see the point of all this.

I mean alam ko naman na mangayayari to at hindi naman ako naaapektuhan at maaapektuhan ng kung ano mang sinasabi ng mga tao against me.

"Okay if you say so." nagtantyahan muna kami ng tingin bago siya sumuko.

"Wala naman akong pakialam sa kanila Clio cause all worry is for Stan,"

"Hay.Iba talaga ang pagmamahal mo sa lalaking yun no?Biruin mo ilang taon na rin simula noon tapos ngayon naging kayo pa hindi nga lang legit pero diba? Pareho lang kayong nasaktan pero ngayong nasa tamang age na kayo ano sa tingin mo ang mangyayari?"

"Come what may?" biglang sabi ko at natawa naman sya.

"Hindi ko alam kung hindi ka ba talaga natatakot o sadyang carefree ka lang sa mga balitang yan."

"Clio gaya nga ng sabi ko wala akong pakialam sa kanila dahil alam ko sarili ko ang totoo at ikaw din naman diba?"

 Tumango lang sya saka tahimik na lumabas.

UGS 2 :Tyrant's Illegal GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon