"HELLO?" Matapos kong sagutin ang tawag.
Kakababa ko lang ng eroplano ng bigla 'yong mag-ring, si Jerome ang caller, kapatid ko.
Umaga na ng makarating ako sa Pilipinas, sinundan ko lang kapatid ko matapos asikasuhin ang mga importanteng bagay sa Spain, para hindi na ako magulo ng mga ito rito sa Pilipinas.
"Asan ka?" anang kapatid ko.
Pumunta kami ng Pilipinas para dito mag-aral, para masimulan na ang mga plano ko.
Nauna na ang kapatid kong si Jerome sa mansyon na nabili ng aming pamilya pero naiisip ko na agad lumipat.
Ayokong makasama ang kapatid ko. Baka magkapikunan lang lalo na wala naman kaming napagkakasunduang bagay. Lahat ay kontra s'ya.
"I'm about to arrive at our mansion" pagsisinungaling ko rito.
"Yeah, why "about to arrive" san ka nanaman pupunta?" Pagdiriin nito sa mga sinabi ko. Nag-uusisa.
"It's none of your business, bro." sabay putol ng linya. Hindi matatahimik yon kung ipagsasabi ko pa plano ko. Kukwestyunin ang pag-iwas ko.
'Hindi na natahimik ang lalaking yon.'
Nang makalabas sa paliparan ay hinanap ko sa parking lot ang magiging service ko.
Namangha ako ng makita yon!
Matingkad ang tinta ng Corvette na 'to, mababa, maporma. Halatang inorder pa sa ibang bansa. Mapapansin din ang mga customized parts nito.
Pamilya namin ang umasikaso sa lahat, kaya hindi rin namin alam kung anong daratnan dito.
Kaya ganon nalang ako mamangha ng makita ang bagong kotse.
Kaming dalawa lang talaga ang nagpunta dito ng kapatid ko. Bilang parusa daw sa katigasan ng aming ulo.
Madami kasi kaming kalokohan doon sa España. Hindi kinaya ng papa, kaya pinatapon kami rito. Bukod pa don. Marami raw kaming matututunan dito. 'Tss.'
Sumakay na ako sa kotse at hinagilap sa drawer ang susi.
Nang mai-start ko na ang sasakyan ay biglang nag-ring nanaman ang cellphone ko.
'Ang kulit naman neto!'
Inis ko iyong sinagot sa pag-aakalang si Jerome nanaman ang tumatawag!
"Ano ba!? King-"
"Shhhh.." pagpapatahimik sakin ng pamilyar na boses ng lalaki sa kabilang linya. "Kamusta ka Zero.." Namilog pa'ng bahagya ang mata ko sa gulat.
Nagpalinga-linga ako, hinahanap sa paligid ang lalaki sa kabilang linya.
"Anong kailangan mo." tugon ko rito ng hindi 'to makita sa paligid.
Hindi ko ipinahalata ang kaba na namuo sa dibdib ko pilit kong binubuo ang boses.
"H'wag mo'kong hanapin sa paligid Zero! Hahaha!" Nag-yayabang nitong aniya.
Hindi ko na sinagot ang sinabi n'ya.
"Nabalitaan ko ang pagparito mo sa Pilipinas, itinawag na saakin ng aking mga tauhan.. Bilang parusa?", sabay halakhak nito, "Nakakatuwa naman.. mukhang kakailanganin ko pa naman kayo rito ng kapatid mo"
Maraming kakayahan ang isang 'to. Talagang hindi mo malulusutan basta-basta.
Kaya ganon nalang kaming natutunton nito, lalo na paborito nya kami ng kapatid ko.
YOU ARE READING
I Am Hope
RandomWhen a girl named Gab faced her most terrifying part of her life. A guy will come and save her from being hopeless. Will their love unravel the deep mysteries of their lives?