"JEROME! JEROME! Pamilya 'yon ni Gutierrez diba!" Pag-agaw pansin ni Zymon sa'kin.
Mabilis kong nilingon ang tinuturo n'ya at kumpirmado. Ang pamilyang Gutierrez ay nandito sa Spain.
Ipinadala kami ni Celizar nitong kasama ko dito sa Spain. Ang ibang tauhan naman ay nagpunta rin sa iba pang mga bansa para maghanap. Mas nag-igting na ang paghahanap namin at mas matindi na ang mga plano.
Tinupad n'ya ang usapan na sa oras na maging ayos ang kalagayan ni Manuel ay magsisimula kaming muli.
"Dalian mo Jerome! Tawagan mo si Celizar at ang kapatid mo! Kailangan nilang malaman agad na nandito sila!" Nagaapurang sabi n'ya.
Hindi alam ni Zero na ayos na ang lagay ng itinumba n'yang si Manuel. Ilang linggo na rin kasi mula ng umalis s'ya at hanggang ngayon ay hindi pa din nagpapakita.
"Kumalma ka nga! Saglit lang. H'wag mong aalisin ang paningin mo sa pintuan ng resto na 'yan." Sabi ko saka tumalikod at dumial.
Sumagot naman 'yon agad.
"What the hell Jerome!" Hinihingal na singhal ni Zero.
"Wait. Ba't ka hinihingal?" Nag-aalalang tanong ko.
"I'm on a ride to heaven Jerome! What the fuck!" Gigil n'ya nang sabi. Hinihingal pa din. "Ah shit! Faster baby!" Bigla ay may boses ng babae na nangibabaw sa kabilang linya! Bigla pa itong napatili.
'Well. That's the heaven I guess'
Natawa naman ako dahil sa narinig ko. May iba palang tinatrabaho ang kapatid ko.
"Heaven nga 'yan Zero Hahaha! I'll see you in Spain. Nakita na namin ang pamilya." Sabi ko saka ibinaba ang linya.
'Kelan pa nahilig 'yon sa babae'
Napailing naman ako dahil sa sariling isipin saka natawa.
Nilingon ko ang gawi ng resto. Nakita ko ang mga kaninang bantay na lumabas at pumunta sa gawi ng parking lot.
"Tara. Susundan natin sila." Aya ko kay Zymon.
Lilinga linga ako upang tignan ang mga taong hinahanap ko. Hindi ko naman sila agad nakita nang makapasok kami.
Naglakad kami ni Zymon papunta sa second floor ng resto. Malamang ay nando'n sila. Pero agad naman kaming hinarang ng isang crew.
"Buenas tardes señor. But up there is for early reservations only. You may sit in the vacant tables señor." Magalang nitong sabi sa'kin.
Nadismasya naman ako dahil sa sinabi nito. "Muchas gracias." 'Yun nalang ang nasabi ko saka kami pumunta sa bakanteng lamesa.
"Pa'no 'yan Jerome. Anong plano mo?" Tanong ni Zymon.
"Susundan natin sila hanggang sa tinutuluyan nila dito saka tayo tatawag kay Celizar." Paliwanag ko saka sinenyasan ang waiter.
"Buenas tardes! puedo tener tu orden señor?" Magiliw na pagbati ng waiter.
"Buenas tardes!" Bati ko saka bahagyang tumungo.
Sinabi ko ang order ko at hinintay nalang 'yon. Wala kaming imikan ni Zymon. Hindi rin naman kami malapit. Bago lang s'ya sa grupo. Nitong buwan lang s'ya nakapasok ay sinasabak agad s'ya ni Celizar.
Lingid sa kaalaman n'ya ang tungkol kay Hope. Hindi gustong ipaalam ni Celizar ang tungkol ro'n dahil may posibilidad na umatras si Zymon.
Magaling daw si Zymon kung kaya hindi gugustuhin ni Celizar na mawala s'ya. Hindi ko alam ang kakayahan n'ya pero malaking tulong na din sa'kin ang isang 'to. Dahil hindi gaya ni Manuel ay nagkakasundo kaming dalawa kahit papa'no.

YOU ARE READING
I Am Hope
AcakWhen a girl named Gab faced her most terrifying part of her life. A guy will come and save her from being hopeless. Will their love unravel the deep mysteries of their lives?