"GRETEL!" PALAHAW ni Hansel nang makita nya ang Queen ng mga witch na gagamitan ng magic si Gretel, napasinghap pa ko sa gulat ng pinalipad si Gretel sa candy house ng napatay nilang witch noon! Agad namang lumundag si Hansel, dinakma nito ang leeg ng witch para mapigil ang susunod pa nitong pag-atake sa kanyang kapatid! Saka ito sinakal ng mas mahigpit!
Nginangatngat ko pa ang daliri dahil sa kabang dulot ng pinapanuod!
"Please stop! Have mercy on me!" Pagmamakaawa ng witch kay Hansel matapos nitong mahirapang makahinga! Nagbago pa ng itsura ito at naging maamo ang mukha! 'Kakabwisit! Bruhang bruha!'
Nang hindi nakinig si Hansel ay saka- pushingining namatay ang T.V!
Inis kong hinagilap ang remote! Kinalkal ko sa pinakailalim pa ng kama!
"Eto ba ang hinahanap mo?"
Halos mapabalikwas ako sa kama at mahulog ro'n nang marinig ang boses na 'yon! Mabuti nalang at nakakapit agad ako sa mattress ng kama.
Nakanguso at dahan-dahan akong tumingala kay Hope. Pinakita ko rito ang inis ko!
'Badtrip!'
"Bakit mo pinatay!" Sigaw ko rito!
"Para matalo nila ung witch." Saka nagkibit-balikat.
"Ha? So! Sinasabi mo sakin na natulungan mo sila Hansel na mapatay ang witch dahil pinatay mo ang T.V!?" Hindi makapaniwalang singhal ko kay Hope!
"Ganon na nga." Nagmamalaking tugon nito!
"Tsh!" Singhal ko rito saka humalukipkip!
Naramdaman kong lumubog ang kaliwang banda ng kama. Nilingon ko ito, at nakita ko syang nakangiting nakatitig sakin! 'Why! Huhu!'
"Ano? Hindi mo ba nagustuhan ung ginawa ko? Anlakas kaya nung witch Gab!" pagtataas nito ng boses. Ang cute naman letse! "Nawawalan ka na nang pag-asa kanina e, I am Hope, I am your hope. And I will give myself to you everytime you need." Naniningkit na ang mga mata nito sa pagkakangiti sa'kin! 'Anggwapo Panginoon ko huhu!'
Salubong ang kilay at nagmamaktol kong iniwas ang tingin sakanya saka nagpigil ng ngiti! Pambihira naman!
"Gusto mo na ba ng hotcake? Tinawag na kasi ako nang tiyan mo kaya napauwi ako.." Sabi nito habang nakangiti at hinihimas ang sariling batok!
'Pambihira talaga!'
"Mm!" Pumapayag na singhal ko rito! Nakanguso pa rin. Pinipilit magalit kahit hindi ko na mahagilap sa sarili ko ang galit!
Hinimas naman nya ang bumbunan ko patungo sa aking batok, dahilan para mapapitlag ako dahil sa kiliting naramdaman. Pinigil ko ang bungisngis! Saka s'ya sinamaan ng tingin!
'Grrrrr!'
Ngumiti ito saka tumayo at tinungo ang kusina.
Saka ko nilabas ang pinipigil ko na ngiti kanina pa! Umusbong bigla ang ligaya sa puso ko nang masilayan ko sya kanina!
'Namiss ko ba s'ya?'
Hindi ko maitatanggi na kahit sobrang gwapo nya, lumalabas 'yung cuteness nya, idagdag mo pa ang pagiging inosente sa kabila ng delikado nyang buhay.
Sinulyapan ko muna ito saka nangiti ng bahagya sa sariling isipin.
Tinanggal ko ang nakatabing na comforter sakin nang maisipan kong sumunod sakanya.
Nang marating ko ang bukana ng kusina. Nakita ko sya ro'ng nagmimix. Tumingkayad pa ako para silipin ang ginagawa nya, ngayon ko lang napansin kung ga'no s'ya katangkad, nasa 5' 9 sa tingin ko ang height nya.
YOU ARE READING
I Am Hope
De TodoWhen a girl named Gab faced her most terrifying part of her life. A guy will come and save her from being hopeless. Will their love unravel the deep mysteries of their lives?
