NAGISING AKO pero hindi pa din makadilat ang mga mata ko, sobrang bigat no'n.
Nakakarinig ako ng mga matinis at pahinto-hintong tunog sa kaliwa ko.
Ginalaw ko ang mga daliri ko. Paulit-ulit hanggang sa buong kamay ko na ang nagagalaw ko.
Isinunod ko naman ang paa ko, nanlambot pa sandali ang mga paa ko kaya nahirapan ako.
Ilang sandali lang ay nagagalaw ko na ang mga paa at kamay ko.
Unti-unti ko nang iminulat ang mga mata ko.
Napangiwi pa ako dahil sa sinag ng ilaw. Masyadong maliwanag 'yon, malamang kasi ay 'di pa nasasanay ang mata ko sa liwanag.
Nang masanay ang mata ko ay iginala ko agad 'yon. Malinis ang kwarto at malaki. Pastel ang kulay no'n at turquoise naman ang kulay ng pinto.
'Hospital ata 'to.'
Nilingon ko naman ang tumutunog sa kaliwa ko. Hindi ko alam para saan 'yon. Basta maingay.
Sinubukan kong bumangon pero biglang nakaramdam ako ng hapdi sa mga balikat at hita ko.
Nanginig pa ang siko ko nang itukod ko na 'yon para makabangon.
"Fuck!" Angil ko nang biglang manlambot ang mga siko ko at maibagsak ko ang katawan ko sa bed.
"H-Hope! Nurse!"
Hindi ko napansin si Gab. Mukhang kakagising lang n'ya, pinahid pahid pa n'ya ang mga mata n'ya.
Agad s'yang lumapit sa'kin at inalalayan ako. "Nurse!" Natataranta n'yang sigaw.
Maya-maya ay dumating ang nurse, akma s'yang lalapit nang ipigil ko ang mga kamay ko sakan'ya. Sumunod naman 'yon at lumabas na.
"Ano? May masakit ba sa'yo or anything? Tell me!" Natataranta n'yang tanong.
"A-Ah—" Reklamo ko dahil sa mahigpit n'yang kapit sa braso ko. Binitawan n'ya naman 'yon saka humingi ng pasensya.
"Where am I?" Inosenteng tanong ko. Kahit halata naman na hospital 'to.
"Hospital?" Nakangiwing tugon ni Gab.
Napabungisngis naman ako, pero nahinto din agad nang manakit ang t'yan ko
"I mean what hospital?"
"I don't know pero we're at Barcelona. Dito daw kasi ang pinakamalapit mula du'n sa pinangyarihan." 'Di ko maintindihan ang tono ng pananalita n'ya. Namaos 'yon bigla.
"Mm. What happened last night?" Inosente kong tanong.
"You're asleep.."
"Of course not. Kaya nga ko napunta dito dahil sa nangyari.." Kalmado kong tugon.
"Hope! You're asleep for two damn whole weeks!" Mas namaos pa ang pananalita n'ya. Ang mga mata n'ya ay biglang naging emosyonal. Hindi ko maintindihan.
Hindi naman ako agad nakapagsalita dahil sa sinabi n'ya. Two weeks? For real?
"Anong nangyari Hope?" Tuluyan nang bumigay ang boses n'ya. Nangilid na din sa mga mata n'ya ang mga luha.
Pakiramdam ko ay inaalon ang puso ko. Hindi ko kinakaya ang nakikita ko.
Bumangon ako at dali-daling hinawakan ang kamay ni Gab.
Napatingin s'ya sa kamay ko, bigla ay mas tumindi pa ang pag-iyak n'ya, sinabayan na 'yon ng hikbi.
Pakiramdam ko ay mas masakit pa ang mga luha ni Gab kaysa sa lahat ng bala at espadang didikit sa balat ko.

YOU ARE READING
I Am Hope
RandomWhen a girl named Gab faced her most terrifying part of her life. A guy will come and save her from being hopeless. Will their love unravel the deep mysteries of their lives?