CHAPTER 15

1 0 0
                                    

"NASA SPAIN na ako." I texted my brother.

Kasulukuyan akong umiinom ng kape dahil kakagising ko lang, alas singko na ng hapon.

Maya-maya lang ay nagvibrate na ang cellphone ko.

"Let's meet, parating daw ngayon sila Manuel."

"What do you mean, let's meet?"

"Dumbass, susunduin natin sila."

'Tsk'

Awtomatiko akong napatayo at lumabas sa veranda.

Kung pupunta sila ngayon, how the hell na makakapunta ako kay Gab bukas.

"Where?" Reply ko.

"Madrid, subway. Mga 10 pm siguro makakarating na tayo."

Hindi ko na nireplyan si Jerome at mabilis kong kinuha ang red leather jacket ko at pumunta sa parking lot.

Bigla pa akong inabutan ng traffic dahil rush hour. Saturday ngayon kaya nag-uuwian ang ibang nagtatrabaho.

Hindi ako mapakali, tinatapik tapik ko ang manibela at naiinip na bumuntong hininga.

Nang magkaro'n ng opening sa daan ay mabilis kong tinahak 'yon at kumaliwa sa eskinita. Maluwag naman ang daan kaya ayos lang.

Hindi na ako mapakali nang narating ko ang Barcelona. Malamang kasi kung maagang makarating si Manuel ay didiretso na agad sila sa tinutuluyan nila Gab.

Ilang eskinita ang nadaanan ko bago ko natahak ang maluwag na daan sa tabing dagat ng Barcelona.

Ipinagbawal ang grupo ni Celizar dito. Kami nalang ng kapatid ko ang may kakayahang maglabas masok sa bansa. Kaya malamang sa docks sila ibababa, bayad ni Celizar ang lugar na 'yon kaya malaya silang makakadaong, hindi gaya sa mga airport.

Naghanap ako nang mapaparkingan nang marating ko ang docks, pinili ko 'yung madilim dilim na parte para hindi nila ako makita.

Inakyat ko ang isang trailer at du'n matyagang naghintay.

Alas siete na. Malamang ay parating na din ang mga 'yon. Maya-maya lang ay nagvibrate na ang cellphone ko.

"Where are you? I'm on my way sa Madrid pero nastuck ako sa traffic. Ang sabi kasi ay malapit na sila. Hintayin mo nalang ako sa Madrid if ever. See you :))"

Hindi ko na nireplyan ang kapatid ko at naghanda na. Maya-maya lang ay narinig ko na ang tunog ng horn. Malamang ay sila na 'yon.

Hindi pa man nakakadaong ang yate na sinasakyan nila ay nilundag na nila ang pantalan.

Kakaiba ang dating ni Manuel ngayon. Masyadong madilim ang aura n'ya.

Bawat hakbang n'ya ay naging makapangyarihan. Ang mga kasamahan n'ya ay halos tumbasan 'yon.

Bago pa man sila makasakay sa van ay bumaba na ako at tumungo sa kalsada.

Nang makasakay na sila ay isa-isa ko ng inakyat ang mga bubong ng bahay. Mas mabilis akong makakarating sa estasyon ng tren kung dito ako dadaan. Mas hindi nila ako mapaghahandaan.

Hindi ko alam bakit sa tren sila sasakay kung may sasakyan naman pala sila.

Kung sabagay. Madaming checkpoints dito dahil nga banned na sila. Kung magpapublic transportion sila ay hindi sila mapapansin.

Maya maya lang ay narating ko na ang highway malapit sa estasyon ng Barcelona.

Hinintay kong mawala ang mga taong dumadaan saka ko nilundag pababa ang bahay.

I Am HopeWhere stories live. Discover now