"AH TITA, i'm going na po. Enjoy your stay po muna hanggang bago magtanghali." Paalam ko kay tita Claribeth.
Kinawayan ko nalang ito saka tumalikod.
"Ah! Hijo? Pagtawag sa'kin ni tita. "Dito sa veranda ang daan sa rooftop diba? Hehe."
"Yes po, kapag dumating na ang helicopter." Inumwestra ko ang sliding door ng veranda. "D'yan lang po, may hagdan sa kaliwa." Sabi ko at tumalikod ulit. Pero may bigla akong naalala.
Tulog pa si Gab kaya 'di ko na masasabi.
Bumaling ulit ako kay tita Claribeth saka napapahiyang nagsalita
'Pabalik-balik. Tsh"
"Ah tita! Hehe" Sabi ko sabay hawak sa batok at nakatungo. "May kwintas po akong ibinigay kay Gab. Hindi ko po kasi ipinasuot 'yon sakan'ya kahapon. Naiwan n'ya sa kotse. Pero nakuha ko na po nung pagdating natin. Pakisabi nalang po inilagay ko na sa shoulder bag n'ya." Sambit ko at ngumiti. Itinaas ko nalang ang kanang kamay ko bilang paalam.
Alas-singko na ng umaga. Medyo madilim pa nang tinungo ko ang daan papunta sa mansyon.
Habang nasa daan ay nakita ko ang mga tauhan ni Celizar. Nakasakay sa mga itim na Van tatlo 'yon at pawang mga nagkakasiyahan sila sa loob. Maririnig pa ang malakas na music nila.
Hindi ko na inintindi. Marahil ay may misyon nanaman sila sa mga probinsya. Iniwasan ko ding makita nila ako. Mahirap na.
Narating ko ang mansyon sakto alas-sais. Tanging ilaw nalang sa garden ang nagbibigay liwanag. Ang mga ilaw naman sa kwarto ay patay na din. Wala pang maid ang gising.
Hindi naman kasi namin pinagtatrabaho talaga ang mga maids. Kinuha lang sila bilang bantay ng mansyon. Minsan lang silang magluto kaag di kami nakakauwi sa takdang oras ng uwi namin. The rest of the day ay wala na silang ginagawa bukod sa pagwalis-walis.
Dinaanan ko ang kwarto ni Jerome para silipin kung naandun ba s'ya. Sa isip ko ay malamang nakatulog na 'yon kila Celizar. Kapag napapahamak kasi s'ya noong high school ay dumidiretso s'ya sa mga bar o dikaya naman ay inaaya ang barkada para maglasing hanggang sa makatulugan ang galit.
Sa tindi ng inabot n'ya kagabi. Siguradong kung alam lang n'ya na ako si Hope. Tatakpan na n'ya ako ng unan sa mukha pagkatulog ko.
Kumatok muna ako sa kwarto n'ya. Nang walang sumagot ay tumuloy na ako. Tulog na tulog s'ya. Makikita sa mukha at katawan n'ya ang pagod.
Lumabas nalang ako at dumiretso sa kwarto ko. Uminom muna ako ng dalawang bottled water sa mini ref ko saka nahiga.
Hindi pa sana ako aalis sa suite ko kung wala ang pamilya ni Gab do'n. Nakakahiya din kasi. Kaya umuwi nalang ako. Huling araw naman na nila do'n.
Maya-maya lang ay dinalaw na ako ng antok. Papaliwanag na kaya idlip nalang ang nagawa ko.
Nagising ako alas-siete na ng umaga. Tinungo ko na ang banyo at naligo. Ngayon ko palang nakita ang banyo ng kwarto ko. Halos walang pagkakaiba 'yon sa banyo du'n sa hotel. Ang pinagkaiba lang ay ang tub. Malaki 'yon pero hindi on-ground.
Mag-aalas-otso na nang matapos ko ang pagligo at pag-aayos sa sarili.
Pagbaba ko ay wala akong nakitang maid kaya ako nalang ang nagluto. Maya-maya lang ay bumaba na si Jerome.
Pinagsaluhan namin ang pagkain na inihanda ko. Pero nawalan ako ng gana ng malaman ko ang plano.
'Kaya pala nakita ko ang mga kumag kanina.'
Matapos kumain ay inihanda ko ang sarili ko. Inisip ko kung pano kong ililigtas ngayon ang pamilyang 'yon.
Hindi ko pwedeng ikansela ang lakad ngayong araw. Si Eisaiah ang mapapahamak. Hindi ko alam ang dahilan ng pagbaliktad n'ya pero sa tingin ko sobrang halaga no'n.

YOU ARE READING
I Am Hope
RandomWhen a girl named Gab faced her most terrifying part of her life. A guy will come and save her from being hopeless. Will their love unravel the deep mysteries of their lives?