NAGMULAT AKO ng mata sa isang kwarto na hindi ko kilala.
'May naka one-night-stand ba 'ko?'
Agad kong kinapa ang kabuohan ko. Nang maramdaman na kumpleto pa ang mga panloob ko ay nakahinga ako ng maluwag.
Bahagya akong bumangon upang tignan ang kwartong 'yon, saka dahan-dahang tumayo, paglapat ng mga paa ko ay may naramdaman ako sa paanan ko, nilingon ko 'yon at nagulat dahil akala ko ay aso iyon dahil sa lambot ng mga balahibo pero isang pares ng tsinelas lang pala 'yon, bunny pa ang design. Tumayo na ako matapos kong isuot yo'n, naramdaman ko pa ang hilo sa ginawa ko.
'Pambihira'
Tinunton ko ang C.R ng lugar, naliliyo pa rin, linga-linga ako kakahanap ng C.R, bago ko pa man marating ang madilim na parte ng bahay na pinaghihinalaan kong C.R ay nakaramdam ako ng malamig na pagdampi ng hangin sa aking balat, nilingon ko ang gawi na pinagmumulan ng hangin, tiyak kong hindi 'yon aircondition.
Nakita ko ang sliding door na malawak ang pagkakabukas, makikita ron ang nagtataasang kabundukan na napapalibutan pa ng hamog, tinungo ko ang sliding door at lumabas, do'n natunghayan ng paningin ko kung ga'no kaganda ang lugar, ang purple na langit, kislap ng mga bituin. Hinanap ko pa ang buwan, ngunit bigo ako. Malamang ay palubog na 'yon. Pero hindi no'n napabago ang galak sa puso ko.
'Angganda'
Nakalimutan ko na ang pakay ko. Nabighani ako ng tanawin sa harapan ko. Nabigla pa ako ng biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Naluha ako at naalala ko ang papa, bumugso pa ang damdamin ko, nanunumbalik ang mga nakita kagabi. Nag-unahan ng tuluyan ang mga luha pababa sa pisngi ko. Tinakpan ko ang sariling mukha gamit ng aking palad dahil sa pag-iyak, ngunit hindi pa rin matigil yon hanggang sa humihikbi na ako.
"Kamusta" anang tinig sa gawing kaliwa ko. Dagli ko itong nilingon upang makita lamang ang lalaking naka-itim na mask
'Ikaw..'
"Sino ka?" Kinakabahan kong tanong rito habang mabilisang pinupunasan ang nabasa kong pisngi.
Napaatras akong bahagya ng lumapit ito at inilapit ang kanang kamay sa mukha ko! Napakibot ang mga labi ko sa ginawa nya! Pinunasan nya ang mga luha kong 'yon. Nang hindi makontento ay ginamit na rin nya ang kaliwang kamay at pinunasan ang magkabila kong pisngi!
Naramdaman ko na nanuyo na ang mga luha sa pisngi ko, kaya nginitian ko ito, natigilan sya at tumungo saglit at muling bumalik sa pwesto nya kanina. Ngunit nabigla ako ng tanggalin nito ang tabing sakanyang mukha!
Tumambad sa'kin ang isang gwapong lalaki! Sobrang gwapo! Masyado na 'tong perpekto para maging tao.
Bahagya itong ngumisi, saka tumingala sa kalangitan.
Nakita ko pang maningkit ang mga mata nito, saka pumikit, dinadama rin ang hangin gaya ko.
'Mukhang wala tong balak sagutin ang tanong ko'
"Hindi ka ba nilalamig?" Tanong nito.
Napakalamig ng kanyang boses! Pero papainitin ang pakiramdam mo dahil sa halong pagka-husky ng boses nya! Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi dahil don! 'Shit!'
Hindi ko na lamang pinansin pa ito. Tinignan ko na lang rin ang tanawin, nakakagaan 'yon ng kalooban, idagdag mo pa ang presensya ng lalaking ito sa aking tabi, pakiramdam ko ay ligtas ako sa estranghero na 'to.
"Kamusta ka?" Aniya. Hindi ko na s'ya nilingon. Naakit ako masyado sa mga nakikita. Baka sakanya rin ay naakit na ako.
Pinakiramdaman ko pa muna ang sarili saka ako sumagot.
YOU ARE READING
I Am Hope
RandomWhen a girl named Gab faced her most terrifying part of her life. A guy will come and save her from being hopeless. Will their love unravel the deep mysteries of their lives?