"PAKIUSAP ZERO! Maawa ka!" Humahagulgol na si Marlon. "Patakasin mo nalang ako at hindi na ko sasali pang muli sa gulo ninyo ni Celizar! Aalis na din ako sa grupo! Pakiusap!" Dagdag n'ya.
"I won't be called Zero.. if I let you live." Sinabi ko ang mga salitang 'yon sa pinaka nakakakilabot na paraan.
Tinanggal ko ang magazine ng baril ko at binilang ang bala.
"Sakto nga naman Marlon. Para sa'yo na 'to." Patungkol ko sa bala. Nag-iisa nalang 'yon.
"Nagmamakaawa na ako sayo oh Zero naman! Maawa ka!" Hagulgol pa din n'ya. Gumapang pa s'ya palapit sa'kin pero ibinalik ko ang magazine ng baril at kinasa 'yon saka itinutok sakan'ya.
"Pakius— ah!" Hindi na n'ya natuloy pa ang sasabihin dahil pinaputok ko na ang baril sa noo n'ya mismo.
Doon ko lang naramdaman ang pagod. Mag-isa nalang ako. At hindi ko maiuuwi si Eisaiah na buhay sa pamilya n'ya.
Umupo ako sa hagdan sa harap ng bahay. Pinanuod kong manginig ang mga kamay ko. Gustuhin ko mang sumundi ng sigarilyo ako na mismo ang naglimita sa sarili ko.
Ayokong mapaaga ang buhay ko dahil sa komplikasyon.
Huminga muna ako ng malalim saka maingat na tumayo. Inakyat ko ang bubong at naupo sa tabi ni Eisaiah.
"Buhay ka pa sana. Tatraydurin mo pa kasi ako e. Ayan." Natatawa kong sabi sa bangkay ni Eis.
Bigla ay nanumbalik sa'kin ang magandang pinagsamahan namin sa espanya.
Nakasama ko s'ya sa pagsubok. Matindi ang pinagdaanan namin dalawa. Mula sa pagiging mahina ay lumakas kami. Halos talikuran n'ya ang grupo ni Celizar para lang magserbisyo sa'kin matapos naming pagdaanan ang mga pagsubok.
Itinuring na s'yang anak ng pamilya. Binigyan namin s'ya ng magandang buhay. Pero bilang libangan at mahasa ang kakayahan ay bumalik kami sa grupo. Hindi ko lang inaasahan na ganito ang mangyayari.
Gusto kong sisihin ang sarili ko. Pakiramdam ko sana di nalang ako pumunta pa dito. O dikaya naman ay nasuot ko man lang ang maskara ko.
Nasuntok ko ang bubong ng bahay dahilan para mabutas 'yon. Dinaan ko nalang sa luha ang panlulumo sa kawalan ng tunay na kaibigan.
Tinawagan ko ang chopper. Hinabilin ko na din na magdala ng dalawang tauhan at body bag.
Humiga muna ako sandali sa bubong ng bahay. Inihiga ko ang ulo ko sa mga braso ko at pinanuod ang pagdaan ng mga ulap.
Napakasarap no'n sa pakiramdam. Nasa gitna ako ng kawalan sa loob ng kakahuyan. Totoong nakakapagbago sa pakiramdam ang hangin at tanawin.
Ang simoy ng hangin ay pinapakalma ng todo ang sistema ko.
'Parang gusto ko tuloy umakyat ulit sa bundok.'
Masaya akong bumuo ng mga imahe sa mga ulap gamit ang imahinasyon ko. Nakabuo pa ako ng mga liyon at tigre. Ang kadalasan ay bulaklak.
Pero itong tinititigan ko ngayon ay espesyal. Nakikita ko ro'n si Gab. Ang napakagandang si Gab.
Namiss ko naman bigla ang yumakap sakan'ya. Masyado akong pagod ngayon at pakiramdam ko ay yakap lang n'ya ang papawi no'n at sa bisig n'ya ang pahinga ko.
'Uuwi akong ligtas sa unang pagkakataon.'
Napangiti ako dahil sa naisip. Maiisip ko palang na makakasama ko si Gab ay nabubuo na ulit ang lakas ko.
'Baby!'
"Grrrr!" Bigla ay nanggigil ako sa kilig.
Nadilaan ko ang labi ko dahil sa kalokohan. Ang kaso ay may naalala nanaman ako do'n na tungkol sakan'ya.

YOU ARE READING
I Am Hope
DiversosWhen a girl named Gab faced her most terrifying part of her life. A guy will come and save her from being hopeless. Will their love unravel the deep mysteries of their lives?