"HE'S BULLSHIT!" Gigil na sigaw ko nang makabalik kami sa lungga ni Celizar.
"Anong nangyari Jerome? Bakit puro ka galos?" Kalmadong tugon ni Celizar. Kahit pa tinatanong ang kalagayan ko ay hindi mahihita sa tono n'ya ang pag-aalala.
"Dumating ang pulang zoro Celizar." Si Manuel ang sumagot. Pero mahihimigan ang takot.
Kahit ako ay hindi maalis sa loob ko ang takot. Hindi biro ang pinagdaanan ko kahit pa tatlong beses lang n'ya akong pinatamaan. Sobra sobra na 'yon para sa kakayahan ng animal na 'yon.
'Bullshit!'
"Kung ganon.." May angas ang pagiging sarkasmo ng kanyang tono. "Tama ang impormasyong ibinigay sa'tin Marlon! Hahaha!" Humalakhak s'ya at bumaling kay Marlon.
"Anong ibig mong sabihin Celizar?" Nagugulumihanang tanong ni Manuel.
Kahit ako ay nalilito. Anong impormasyon ang tinutukoy n'ya.
"Tumawag si Eisaiah kanina matapos n'yong gumiya sa mansyon ng mga Gutierrez." Maligayang sabi ni Celizar.
'Eisaiah? Ngayon ko lang narinig ang pangalan na 'yon.'
"Isa s'yang dating kaibigan." Dagdag ni Celizar na nasa akin ang paningin.
"Anong impormasyon ang ibinigay n'ya?"
"Kung saan matatagpuan ang pamilyang demonyo." Bigla ay napalitan ng galit ang kan'yang tono.
Sinenyasan n'ya kami na lumapit sa mesa n'ya. Saka klinaro ang lalamunan at nagsalita.
"Darating sa America ang pamilya bukas. At dudulugan natin ang imbitasyon ni Eisaiah." May yabang na n'yang aniya.
"Sino naman daw ang nagpadala sa pamilyang 'yon sa America?" Tanong ni Manuel. 'Yun na din sana ang itatanong ko.
"Hindi n'ya nasabi. Kung kaya pupunta tayo ro'n kapag nahuli na natin ang pamilya at saka natin itatanong kay Eisaiah sino ang pulang demonyo! Hahaha!" Hindi na mapakali n'yang aniya. Sabik na sabik sa dugo ng kalaban. "At! Kapag nalaman na natin sino ang demonyong 'yon! Papatayin na'tin ang pamilyang iniingatan n'ya! Hahaha!" Nababaliw na s'ya. "Sa harapan n'ya mismo." Mahinang aniya. Saka ako matalim na tinignan na may malademonyong ngisi.
Inihampas n'ya ang kamao sa mesa at mabilis na tumayo. Nagpadulas s'ya sa mesa at tinungo ang harapan ko."Ikaw! Ikaw Jerome! Hahaha! Ramdam ko ang galit mo ngayon dahil sa mga tinamo mo mula sa demonyong 'yon!" Nababaliw na talaga n'yang aniya. "Ikaw! Ikaw ang papatay sakan'ya Jerome!" sabik n'yang sabi.
"Kailangan nating paghandaan ng mabuti ang planong 'yan Celizar. Hindi basta basta ang kahaharapin natin. Malademonyo talagang mag-isip. At malademonyo din ang kan'yang lakas." Nag-iigting ang panga kong sambit. Naalala ko bigla ang pangyayari.
"Hibang ka na ba Jerome!?" Bigla ay nagalit si Celizar at dinakma ng mahigpit ang bukana ng jacket ko.
Mabilis ko naman 'yong tinanggal at sinipa s'ya sa t'yan. Tumimbawang s'ya sa sahig. Akma s'yang tatayo nang itutok ko ang baril sa pagitan ng mga mata n'ya dahilan para maduling s'ya.
Agad na lumigid ang mga tauhan para lumayo sa'min. Si Manuel at Marlon naman ay mabilis na pumuwesto sa likod ko itinutok sa'kin ang mga baril nila.
Isinuksok ko nalang ang baril nang maramdaman ko ang malalamig na nguso ng mga baril nila sa ulo ko.
Pagod ako at hindi ako magiging ganon kabilis para lumaban.
"Bullshit! Kayang-kaya ko kayong itumba ngayon din. 'Yun ang kakayahan ko. Pero ang isang 'yon. Kargado masyado ang lakas, liksi, at talino. Itutumba kayo no'n sa oras na magkamali kayo ng kilos. Kahit pa siguro itutok n'yo lahat ng baril n'yo sakan'ya ay mauuna kayong bumagsak." Walang emosyong pagpapaliwanag ko. "Ang kakayahan n'yang ipinaramdam sa'kin ay ipaparamdam sainyo kung paanong maubos sa isang minuto lang." Nagbabanta na ang tono ko.
YOU ARE READING
I Am Hope
De TodoWhen a girl named Gab faced her most terrifying part of her life. A guy will come and save her from being hopeless. Will their love unravel the deep mysteries of their lives?
