CHAPTER 4: HOTEL ROOM: NIGHT 1

6 0 0
                                    

MADILIM NA ng matapos kong lutuin ang hapunan namin ni Gab.

Dumiretso ako sa banyo para maghilamos.

Habang nasa kalagitnaan ng paghihilamos ko ay nakarinig ako ng malakas na lagabog mula sa labas!

"Hopeeee!" Bigla ay narinig kong nagsisisigaw si Gab!

Kinuha ko ang belt kung nasa'n ang baril ko saka natatarantang lumabas sa banyo, sa taranta ko ay hindi na ko nakapagbanlaw ng mukha.

Paglabas ko ay patay ang ilaw sa buong kwarto. Naglakad ako ng hindi gumagawa ng anumang tunog.

Nakita ko ang sliding door na malawak na nakabukas. Hinahangin hangin pa ang kurtina ro'n.

Nakita kong patay ang T.V at wala si Gab sa kama!

"Gab!? Gab!?" Nag-aalalang sigaw ko sa pangalan n'ya.

Bigla ay narinig kong kumaluskos ang kama kaya inihanda ko ang sarili at inamba ang mga kamao ro'n!

Dahan-dahan akong lumapit sa kama.

Nakikita ko pa rin ang paggalaw sa kabilang banda ng higaan.

Hindi na ako nag-atubili at nilundag ko 'yon!

Pagbagsak ay hinawakan ko sa balikat ang na'ron! Atsaka kami parehong gumulong!

Naririnig ko ang impit na sigaw nito dahil sa ginawa ko.

Itinulak ako no'n pero kulang ang lakas n'ya kaya agad kong tinanggal ang bed sheet na nakabalot sakan'ya.

Bigla ay hinampas ako no'n sa balikat!

'Gab!?'

"Ano bang ginagawa mo Hope!" Sigaw ni Gab sa'kin.

"Anong ginagawa mo d'yan! Ba't ka nagsisisigaw kanina ha!? At ano ung lumagabog!? Asan ang nanloob rito!?" Pagtatanong ko rito habang nililinga linga ang paningin sa buong kwarto bago itinuon muli ang paningin sakan'ya.

Bigla ay ngumiwi s'ya at binigyan ako ng nawiwirduhang tingin.

"Ano bang sinasabi mo d'yan ha? Manunuod kasi ako ng T.V! Tapos.. Bumungad sa'kin ung kakaumpisa palang na horror movie.. nasa kalagitnaan na 'yon, ta's biglang may jump-scare!" Parang bata pagpapaliwanag nito tapos sasabayan ng sigaw. 'Hay nako'

"Eh ano 'yung kumalabog ha!? Atsaka bakit patay ang mga ilaw?" Dagdag tanong ko pa habang ipinupunas sa mukha ko ang nadampot na face towel.

"Ewan ko din! Basta nung biglang lumabas 'yung multo e bigla rin bumukas ung sliding door! Kaya nagsisisigaw ako dahil akala ko andito 'yung multo! Kita mo naman 'di ba!? Nagtago pa 'ko d'yan!" Pagtuturo n'ya sa kaninang pwesto n'ya sa gilid ng kama.

"Ay! Ung ilaw naman pinatay ko 'yon kanina bago ako umupo d'yan sa kama, hehe!" Parang batang dagdag n'ya dahil sa masasamang tingin na pinukol ko sakan'ya.

Inismiran ko nalang 'to nang makuntento ako sa mga paliwanag n'ya saka ko tinungo ang sliding door para isara 'yon.

Pagkahawi ko sa kurtina ay do'n tumambad sa'kin ang isang hand-print ng kaliwang kamay!

Dali-dali akong lumabas sa kwarto saka dinungaw paibaba ang teresa pero wala na 'kong nakita pa 'ron.

Tumingala ako sa mga ulap na mahigpit ang pagkakahawak ko sa harang ng teresa nang biglang makarinig ako ng kaluskos mula sa rooftop!

Hindi ko agad hinarap 'yon sa halip ay hinawakan ko ang kalibre kwarenta'y singkong baril sa tagiliran ko.

Nakarinig nanaman ako ng mas malapit pa na kaluskos mula sa rooptop. Alam kong malapit na 'yon sa'kin kaya mabilis kong hinugot ang baril sa'ka 'yon itinutok kung saan ko narinig ang kaluskos!

I Am HopeWhere stories live. Discover now