"ATE! ATE naman! Uwi na tayo!" Naiiyak na sabi ng bunsong Gutierrez.
"Ano ka ba naman Clara! It's just a clown! What the hell!" Sermon ni Cathrina habang hinahatak ang kapatid papasok sa loob ng mall.
"Fuck! ate! Lumalapit na! Pambihira! Let go of me! I'm going home!"
"Fine bitchesa!" Angil ni Cathrina saka binitawa ang kapatid.
"I'll go with her." Presinta ng nakakatanda nilang kapatid. Bumulong 'yon sakan'ya saka inakay ang bunsong kapatid palabas.
Nakita ko ang iritableng itsura ni Cathrina saka mahinang napasabunot sa sarili dahil sa inis.
'Still beautiful huh?'
Sinundan ko si Cathrina papunta sa isang store ng kilalang clothing line sa buong mundo.
"Good morning Sir!" Magiliw na bati sa'kin ng babaeng guard, tinanguan ko nalang s'ya.
Kunwari ako pumipili ng mga damit habang pasimpleng sumusulyap sakan'ya.
"Ahm miss? Where is the newly arrived clothes?" Tawag n'ya sa isang sales lady. Natawa naman ako dahil akala mo ay nahihirapan s'yang mag-ingles.
"Here ma'am, come." Magiliw na pag-aya sakan'ya nung babae. Isinampay ko naman ulit ang damit saka sumunod.
Malaki ang store kaya mahihirapan s'yang makita ako basta basta.
"Here." Sabi ng saleslady saka umalis
Napangiti naman si Cathrina.
"Thank you"
Mas lumapit pa ako sa gawi n'ya saka nagkunwari muling tumitingin ng mga damit.
Isang stand lang ng mga damit ang pagitan namin kaya mas dinagdagan no'n ang kaba ko.
'Shit'
"Argh! Shit! Where is it.." Iritable n'yang bulong sa sarili pero sapat na para marinig ko.
Napangiti naman ako dahil sa nasabi n'ya.
"Ah there you go!" Tuwang tuwang sabi n'ya.
Kakaiba ang dating ng ngiti n'ya, kitang-kita ang saya do'n at napakaganda. Para 'yong tanawin sa isang panaginip.
Ang mga labi n'ya. Gusto kong higitin ng labi ko rin.
'Ah shit!'
Napayuko ako dahil sa sariling isipin.
Masaya n'yang idinikit sa katawan n'ya ang damit at tinignan ang sarili saka umalis.
Sinundan ko muli s'ya hanggang sa counter pero nananatili pa din ang distansya ko.
Matapos bayaran ang damit ay lumabas na s'ya saka luminga-linga.
Dinukot n'ya ang cellphone sa bulsa n'ya saka nagcellphone habang naglalakad.
Saan naman kaya 'to pupunta.
Bigla ay nagvibrate ang cellphone ko, dinukot ko 'yon saka tinignan 'yon habang naglalakad.
Hindi ko pa man naoopen ang message ay narinig ko ang pamilyar na boses ni Cathrina.
"I'm sorry! I'm sorry!" Habang dinadampot ang mga nagkalat n'yang make up sa sahig.
Akma akong tutulong nang makita ko ang lalaking nasa harapan n'ya.
'Tsk!'
"Ako na, don't do that, babae ka so I have to." Nakangiting sabi ni Zymon saka itinayo si Cathrina.
YOU ARE READING
I Am Hope
AcakWhen a girl named Gab faced her most terrifying part of her life. A guy will come and save her from being hopeless. Will their love unravel the deep mysteries of their lives?
