ISANG BUWAN ang lumipas na hindi ko nakita si Hope. Maski tawag ay wala.
Maayos naman ang nakuha naming hotel sa Barcelona, makikita sa veranda non ang napakagandang dagat.
Meron ding apat na bed rooms 'yon at may kan'ya-kanyang C.R.
Halos nalibot na namin ang buong Barcelona. Ang kaso di rin naman namin magawa ang gusto namin dahil sa mga bodyguard na pinadala ni Hope.
Nagtoast ng bread at nagtimpla ng gatas si mommy bilang agahan namin. Ang sabi n'ya ay may nakita daw s'yang damit online. Balak n'yang puntahan 'yon ngayon.
"Ah kuya? Malayo pa ba 'yung mall?" Tanong ni mommy sa driver habang nasa daan kami papunta sa mall.
"Ah yes Mrs. Gutierrez." Magalang na tugon ng driver.
"Kayo mga anak may bibilhin ba kayo?" Masiglang tanong ni mommy sa'min.
"Gusto lang naming kumain mom." Si kuya.
"Yes! I'm in with that! I would love to try some native delicacies! Omg!" Maarteng pagsang-ayon naman ni ate.
'Napakaarte talaga!'
"Ano ba 'yan ate sigaw ka naman ng sigaw! Kung kakain ka. Kumain ka nalang!" Angil ko.
"Whatever kid!" Pinandilatan n'ya ako saka inirapan!
'Kid amp!'
Pinandilatan ko din s'ya saka sumugod! Mabilis naman akong napigilan ni mommy at hinawakan ako sa magkabilang braso.
"Ibabalik kita sa Pilipinas ate! Nanggigigil ako sa'yo!" Gigil kong sigaw rito. Nanlaki naman ang mata n'ya sa gulat.
"What! That's rude! Hahayaan mong makill ang ate mo!?" Maarte pa din n'yang sabi!
'Pambihira! Naririndi na ako!'
"Aba kung gan'yan ka lang din 'di ako makokonsensya!" Sigaw ko ulit.
"A-Ah.." Biglang singit ng driver. Mabilis naman namin s'yang nilingon. Para kasing natakot s'ya.
"..Nandito na po tayo sa mall." Nahihiyang dagdag n'ya.
"Ayan nahiya tuloy si kuyang driver! Ang iingay n'yo!" Natatawa-tawang sabi ni kuya.
Inangat ko na ang lock ng kotse at akma 'yong bubuksan nang bigla 'yung bumukas!
'Di ako nakalabas agad dahil sa takot na baka kalaban 'yon! Tiningala ko ang nagbukas ng pinto.
Nakaplain white na t-shirt 'yon at may silver necklace. Makapal 'yon kaya agaw pansin.
Ang pang-ibaba naman ay itim na ripped jeans. Simple lang ang design. Isang punit lang sa tuhod.
"Will you come out or you want me to carry you outside?" Masungit na sabi ng pamilyar na boses!
Mabilis kong idinungaw ang ulo ko sa pinto ng kotse at dun ko nakita si Hope! Nakasunglasses s'ya at blue ang kulay no'n! Mas humaba ang buhok n'ya at nakafade naman ang gilid.
Sobrang gwapong tignan ni Hope sa suot n'ya. Ang itsura n'ya ngayon ay pinababata s'yang tignan. 'Yung tipong high-school heartrob! Gano'n kagwapo!
"H-Hope?" Anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong tanong.
"Pwede naman akong umuwi na kung ayaw mong nandito ako. May bago ka na ba?" Bigla ay ibinaba n'ya ang salamin saka ako pailalim na tinignan!
"Ah Hope! Kung uuwi ka na sama ako sa'yo ha? She wanna make me go home! Maybe she already have someone while you're not around! Maybe she's scared na isumbong ko s'ya sayo." Malanding sabi ni ate saka pinaguhit ni ate ang mga daliri n'ya sa balikat ni Hope!

YOU ARE READING
I Am Hope
RandomWhen a girl named Gab faced her most terrifying part of her life. A guy will come and save her from being hopeless. Will their love unravel the deep mysteries of their lives?