"JEFE.. ANG pamilya ng mga Gutierrez ay nananatili pa rin sa kanilang tahanan."
"At ang bunsong Gutierrez?"
"Hindi pa rin ho namin nahahanap jefe."
Pinaikot ko ang swivel chair saka humarap sa tauhan.
"Kung ganon.. Malamang ay nagtatago pa'rin ang bunso sa pulang zoro" Ani ko na hinihimas ang bigote.
Isinenyas ko naman sa tauhan na lumabas na.
"Wala pa rin ba tayong pagkakakilanlan sa lalaking 'yon, Celizar?" Tanong ni Marlon, ang pinakapinagkakatiwalaan kong tauhan sunod sa aking kanang kamay.
"Wala kaming mahanap na pagkakakilanlan ng lalaking 'yon. Maging lahat ng bilihan ng kotse maparito at sa ibang bansa ay hiningian namin ng records ng mga biniling pulang kotse. Maging mga customizing shops ay wala din daw. Ang kotse naman n'ya ay lisensyado pero hindi raw maaaring sabihin kung kanino nakapangalan ayon sa L.T.O." Pagpapaliwanag ni Manuel kay Marlon. Ang kanang kamay ko.
"Kung ganon.. May kapangyarihan ang demonyo na 'yon. Hindi na natin s'ya maaaring maliitin pang muli." Baling ko sa dalawa.
"Hindi natin masisimulan ang mga plano Celizar kung nakaharang sa daraanan natin ang lalaki na 'yon." Tugon ni Marlon.
"Tama si Marlon, Celizar. Malamang ay protektado n'ya ang pamilya ng Gutierrez ngayon. Mas lalong wala tayong magagawang hakbang. Limitado ang galaw natin dahil sa pagdating n'ya." Pagsang-ayon ni Manuel.
"Kung ganon ay susubukin natin ang kakayahan n'ya." Ani ko.
"Paano?" Sabay nilang tugon.
"Sunduin n'yo si Jerome at pag-uusapan natin ang plano."
Lumabas na ang dalawa upang personal na sunduin si Jerome.
Aminado ako na alanganin ang planong binabalak ko. Tama ang dalawa, bukod pa don ay higit na makapangyarihan ang pamilya ng mga Gutierrez. Kilala ko na ang pamilyang 'yon mula nung nasa España pa sila du'n palang ay kalaban ko na s'ya.
Inilayo ko lang ang gulo sa pagitan namin at ibinaling ko ang atensyon ni Roberto sa iba.
Limang buwan akong nagpadala ng mga tauhan ko sa kanilang mansyon para manloob.
Naging matagumpay 'yon kaya nagawa naming hulihin si Roberto.
Talagang nakakapag-init ng dugo kapag nalalaman ko na humihinga pa ang bastardong 'yon! Masyadong malaking harang ang kan'yang pagkatao para sa aming mga plano!
Malaking pera ang nawala sa grupo dahil sa mga nabulilyasong plano na s'ya ang humarang! Sa España palang ay balakid na ang buhay n'ya.
Inilista ko ang lahat ng perang nasayang dahil sakan'ya at siningil 'yon. Ikinagalit 'yon ni Roberto kung kaya ipinadala n'ya ang mga tauhan n'ya sa lahat ng rehiyon ng bansa para tugisin ang mga tauhan kong nakadestinong mangikil sa bawat bayan.
Halos maubos ang tauhan ko sa ginawa n'ya. Kaya nang naging kampante s'yang lumabas muli ay dun ko ipinadala ang mga tauhan ko at dinakip s'ya. Malinis sana ang trabaho kung hindi lang dumating ang babaeng 'yon, at kung hindi s'ya iniligtas ng pulang zoro.
Agad na nag-igting ang panga ko dahil sa pagkakaalala sa demonyong si Roberto. Dumagdag pa ang lalaking 'yon!
'Humanda ka..'
Halos mabasag ko ang baso ng alak na hawak ko dahil sa panggigigil. Kating-kati na akong matupad ang mga plano ko at makauwi na sa España.
Bigla kong naalala si Zero. Nabalitaan ko samga tauhan ko na hindi pa daw umuuwi si Zero sa mansyon nila. Maging lokasyon n'ya ay walang nakakaalam.
YOU ARE READING
I Am Hope
De TodoWhen a girl named Gab faced her most terrifying part of her life. A guy will come and save her from being hopeless. Will their love unravel the deep mysteries of their lives?