CHAPTER 5: HOTEL ROOM: DAY 2

8 0 0
                                    

KINALABIT KO ng kinalabit si Hope para magising kaso hindi pa din sya bumabangon.

'Lakas magsabi na gumising ako ng maaga tapos s'ya 'tong tulog mantika!'

Alas-sais palang kinakalabit ko na s'ya. Pagkagising ko palang, pagtapos mag toothbrush, pagtapos maligo, pagtapos mag-bihis, ay ginigising ko na talaga s'ya, kaso eto, hilik nalang ang kulang!

Pumunta nalang ako sa kusina para magluto ng breakfast namin.

"Gusto ko pa naman na ng hotcake." Mahinang singhal ko habang piniprito ang hotdog.

"Tabi d'yan."

'Si Hope!'

Hindi ko narinig na lumapit s'ya rito kaya nagulat nalang ako dahil bigla s'yang bumulong sa likuran ko!

"Aba baket? Nagugutom na 'ko e! Tagal tagal mo gumising!" Nakanguso kong singhal.

"Hindi ba sabi ko kapag gusto mo na ng hotcake ay darating ako?" Malambing nitong aniya habang pumupulupot sa bewang ko!

"Kung hindi ko pa pala ginusto ng hotcake ay hindi ka rin gigising!" Singhal ko pa rin rito.

'Hindi mo'ko malalambing ngayon!'

Nagitla ako ng bigla n'yang sinubsob ang mukha sa balikat ko!

"Bakit parang napuyat ka ha Hope!" Sigaw ko rito.

Magkasama lang naman kaming dalawa kagabi, magkatabi pa nga kaming natulog.

'Umalis siguro 'to!'

"Anong oras ba tayo natulog?" Inaantok n'yang tanong.

"Mag-aalas tres! Sabay lang naman tayong natulog! Ako hindi napuyat! Tapos.. Ikaw! Parang pagod na pagod!" Nakakainis!

"Sorry bebé.."

"Anong behbeh ka d'yan!" Pag-uulit ko sa sinabi n'ya.

'Behbeh daw.'

"Baby 'yon sa linggwahe namin." Nakangiwi at inaantok n'yang sagot.

Inalis n'ya ang pagkakasubsob ng mukha sa balikat ko saka hinalikan ang likod ng tenga ko! 'Mami!'

"Te quiero" Bulong n'ya.

'Ha? Ano daw?'

"Minumura mo ba 'ko!?" Nakaamang kong tugon na bahagyang nakalingon sakan'ya.

"Ha? Hindi ah!" Saka ako nito iniharap sakan'ya. 'Napakagwapo!'

Naninigkit ang mga mata n'ya. Malamang ay dahil sa puyat. Bagsak at gulo gulo din ang buhok n'ya pero dagdag appeal 'yon sakan'ya.

Inilapit n'ya ang mukha sa'kin at tinitigan ako sa mga mata.

"Ang sinabi ko.."

"Ano!"

"Ang sinabi k—"

"Ano nga!" Sigaw ko.

"Teka nga! Anlakas ng boses mo Gab!

"Eh ano nga 'yon?"

Tinignan n'ya lang ako saka tumalikod.

'Parang ewan! Pambihira!'

Narinig kong may sinabi pa s'ya pero hindi ko naintindihan 'yon. Idinuro ko pa sakan'ya ang spatula na hawak ko.

"Hoy! Anong sinabi mo!? Narinig kita!"

I Am HopeWhere stories live. Discover now