CHAPTER 7: HOTEL ROOM: NIGHT 2

4 1 0
                                    

"MOMMY KO!" Galak na galak kong sigaw nang muli kong makita ang mommy ko!

"Oh my God Clara! We have been looking for you since we've found out what happened to your dad!" Emosyonal at naiiyak n'yang sermon sa'kin saka ako binigyan ng napakahigpit na yakap.

"I'm sorry mommy." Hindi ko na napigilan ang emosyon. Nag-unahan ang mga luha ko dahil napawi na ang takot ko na baka may nangyari na ding masama sakanila.

"It's fine Clara, darling." Malambing na ani ni mommy saka ako dinampian ng halik sa pisngi at saka ako muling niyakap.

"I miss you mommy.." Umiiyak ko pa ding aniya.

"I miss you too darli—"

Halos magkauntugan kami ni mommy nang biglang may yumakap sa'min!

"We miss you our bunso!" Kinikilig at emosyonal na sabi ni ate Cathrina.

"Yeah she's right. We indeed really miss you! Pinag-alala mo kami!" Pagsang-ayon naman ni kuya Carlo.

Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap dahil sa dagdag na presensya ng dalawa kong nakakatandang kapatid. Hindi ko na maitago pa ang saya kaya tuloy-tuloy na dumaloy ang mga luha ko habang akap sila.

"Enough of the drama siblings!" Pagpapatigil ni mommy. Halos hindi na kasi s'ya makahinga nang mapagitnaan namin s'yang tatlo.

Natawa naman kaming lahat. Namiss ko ang pagiging cool ng mommy, talagang kakaiba s'ya.

Natatawa kaming nagsiupo sa sofa. At nagkuwentuhan. Panay ang puri nila sa hotel na 'to maging ang kwartong tinutuluyan namin ngayon.

"So is this your's?" Excited na tanong ni kuya.

"Yes bunso, is this your's? This is so luxurious!" Namamangha pa ding gilalas ni ate. Nagkakasundo talaga silang dalawa sa pagiging madaldal.

Huminga ako nang malalim para sabihin na kay Hope 'tong buong hotel, maging ang kwarto namin ay sakan'ya din.

"By the way darling where's the guy na sumundo sa'min? Is he your new bodyguard? Biglang salita ni mommy. Nakaawang na ang bibig ko para sabihin kaso ay nagtanong naman s'ya.

"I'm here na po" Bigla ay nagsalita si Hope mula sa likuran namin!

Agad na nagtayuan sila mommy at nilapitan si Hope!

'Wow?'

"Ayos ka lang ba hijo? Hindi ka ba nasaktan nung mga kalalakihan kanina?" Nag-aalala at nakangusong ani ni mommy kay Hope habang hawak s'ya sa braso.

Kita ko namang gumuhit ang pagkahiya sa mukha ni Hope dahil sa inaasta ni mom. Nahawakan pa n'ya ang sariling batok at hinimas 'yon.

"A-Ah yes po Mrs. Gutierrez."

"Yo! Brother! Thank you! Kasi kung hindi ka dumating malamang ay napahamak na kami!" Magiliw na pagpapasalamat ni kuya.

"Brother's right! Thank you so much handsome!" Sabi ni ate at tumingkayad at aktong hahalikan si Hope sa pisngi!

'Pambihira ka ate!'

"Ate!!" Sigaw ko agad bago pa man tuluyang dumampi ang mga labi n'ya kay Hope.

"What!?" Mataray na tugon ni ate sa'kin!

Naramdaman ko ang tingin sa'kin ni kuya at mommy dahil sa inasta ko. Nagtataka na ang mga tingin nila kaya naiyuko ko na lang ang sarili dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko tungkol sa'min ni Hope.

I Am HopeWhere stories live. Discover now