AUTHOR'S MESSAGE

5.9K 257 95
                                    

Yow!

Kumusta, mga mahal kong mambabasa? Na-miss ko kayo. May natitira pa ba rito? Haha!

Yup, sinusubukan kong bumalik. Sana ay may tatanggap pa rin sa akin. At para sa panibagong chance na ito, handog ko rin ang kuwentong ito. Nais ko lang magbigay ng ilang mensahe at paalala bago simulan ito.

Una, ang kuwentong ito ay maiksi lamang na aabot ng 12 chapters. Daily ang update dahil polishing na lang din naman ang ginagawa ko, tapos ko na kasi isulat ito. Hindi ito mabigat tulad ng mga una kong naisulat. Nais ko rin gawing daan ito para maging practice ko na rin since matagal akong hindi nakapagsulat.

Kailan ko ipo-post ang unang chapter? Mamaya po. Abang-abang lang kung mayroon nga mag-aabang. Hahaha!

Tungkol naman sa naka-pending kong stories, ayaw ko muna mangako, pero ginagawa ko ang lahat para maituloy ang mga iyon. Priority ko muna tapusin ang 'His Substitute Husband' bago balikan ang 'Love Me, Teacher'. Nahihirapan din kasi akong pagsabayin ang dalawang kuwento na magkaiba ang category. Sana ay maintindihan ninyo. Pasensiya na rin sa mahabang paghihintay.

Sana, sa pagbubukas ko ng panibagong pintuan, makakuha pa rin ako ng kahit na kaunting suporta mula sa inyo. Maraming salamat sa mga positibong mensahe na natanggap at natatanggap ko pa rin hanggang ngayon. Hindi sapat ang pasasalamat kong ito, pero dahil sa inyo, marami akong na-realize kaya nagkakaroon ako ng lakas ng loob na makabalik. Salamat sa inyo na ang ilan ay naging kaibigan ko na rin. Maraming-maraming salamat sa inyo!

Enough na ang drama! Magkita-kita po tayo rito mamaya! Salamat sa mga magbabasa!



Love lots,

cold_deee ❤️

CAUGHT ON CÜMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon