"Seriously, eto lang Loren I thought he's a professional?" dismayang komento ni Ira matapos kung pinakita sa kanya ang soft copies ng mga pictures na sinend ni Syverth trough gmail.
Sampu lang iyon pero hindi maikakaila na maayos at perpekto ang mga kuha ko roon. Na highlight ang aking features at nagpadagdag roon ang magandang editing software na gamit niya para sa lightings.
"Oo nga eh, for the first time hindi ko alam ang gagawin ko Ira, he didn't even told me a thing!" I ranted.
"Ano ba 'yan? Magkano namang bayad mo rito?" she asked.
"'Yun pa hindi pa ako nakakapagbayad dahil everytime inoopen up ko na yang topic na yan ay winawala niya."
"So ano 'to libre?!" namilog ang mata niya sa sariling kongklusyon.
"I don't know, hindi ko talag siya maintindihan. And guess what after nga ng photoshoot ay niyaya niya akong lumabas tapos kumain pala kami sa isang high end restaurant doon sa Avida!"
Nakita ko ang pagiba ng reaskyson ni Ira mula sa gulat na mukha ay naging malisyoso ito. Alam ko na kung anong iniisip nito!
"Pakiramdam ko bet ka nang photographer na iyan." pag aakusa niya.
"Tingin mo?" kuryoso kung tanong.
"Naku ayan na umandar na ang pagkamalandi mo!" she accused me.
"Hoy nagtatanong lang! At saka galit ako ron!" naalala ko 'yong dumating ang ex niya at yong halik sa pisngi! Nakakainis!
"Bakit naman ha? Lq? Feeling mo Loren ha wala pa kayong label!" pangangaral niya sa akin.
"Okey fine crush ko siya." I admitted.
Tinampal tampal niya naman ako kaya tinulak ko na mamaya ay may makarinig pa dito sa canteen at machismis pa ako eh.
"Sabi ko na eh! Pano yan m.u na kayo!" halakhak niya.
"Nakakainis kasi dumating 'yung ex niya dumaan lang daw pero may pahalik halik pa sa pisngi." reklamo ko.
Mas lalo namang lumakas ang halakhak ni Ira kaya binatukan ko na.
"Selos ka lang eh! Ikaw ha ilakad mo naman ako jan sa papi mo at baka malibre rin ako ng photoshoot" she laughed.
"Ew nakakahiya ka!"
"Echelon tayo mamaya, naubos yata ang brain cells ko sa Basic Cal kanina. I need alcohol in my body!" madrama niyang sabi at agad nilakantakan ang kinakain.
Napaisip naman ako roon. I remember what Syverth told me last time sa parking area. He said that I'll have an appointment on him if I won't go to Echelon or any bar.
I was just too estactic to say yes that time pero dahil naiinis ako sa kanya at sa ex niyang nanghaharot pa rin, napagtanto kong sino siya para pagbawalan ako. We're not even a couple!
And right after our 6 pm class ay umuwi agad ako para magbihis. I want to get lost from my clouded mind now.
Matagal bago napag pasyahan ko kung ano ang susuotin kaya I end up with my usual outfit. Only this time I wore a tank top and a faded denim short shorts. I paired it with my black boots and a smokey make up.
Kaunti pa ang tao sa Echelon pagdating namin dahil maaga pa. There are less students today dahil weekdays.
"Andaming fafi tonight." turo niya roon sa mga bachelors na nag iinuman.
Kami lang dalawa ni Ira ngayon dahil sa aming lima siya palang ang 18 na at ako lang rin ang mapangahas na magpagawa ng VIP Pass para makapasok dito.
BINABASA MO ANG
Staring at the Sun [COMPLETED]
Teen FictionUriah Loren Sy, the famous and talk-of-the-town girl of her city is living the most of her life partying, travelling, and changing boyfriends. But her life isn't just all about parties and beerbongs with all the issues and dramas thrown at her. Whi...