Chapter 21

821 37 0
                                    



As usual, naging maingay uli ang pangalan ko sa school sa panibagong isyu sa akin. Ang kaibahan lang sa ngayon ay totoo na ito. It's not a rumor anymore. Ewan ko kung anong mas gugustuhin. Kung tulad ng dati na kung ano anu ang mga chismis sa akin o ngayon na totoo nga at base sa insidente.

Dahil sa nangyari sa akin ay humigpit ang security measures ng San Pedro College. They added more police and armed forced around the campus. That made me feel secured lalo na't nagdulot ng trauma iyon sa akin. I don't ride taxi or jeep now sa takot na baka mangyari iyon.

Though hindi ko alam kung nakilala ako noong kung sinong  bumaril sa akin. His target was Syverth and not me.

Pero dahil ha naging maingay na usap-usapan iyon at naging laman ng balita. Malamang kung saan man iyon nagtatago ay alam na niyang ako ang nabaril niya.

That prick should be arrested as soon as possible.

"Feeling mo talaga ang ganda mo no." strikta akong sinipat ng isang nursing student habang nag-aayos ng sarili sa common comfort room.

"Hindi ko finefeel. Ninamnam ko pa." I smirked. I put on my lipstick and pouted at her through the mirror.

Tumaas ang kilay niya niya at maldita akong hinarap. I smiled scarcastically and sprayed on my perfume.

Umagang umaga ganito ang bubungad sa akin ha. What a nice greeting.

"Tss. Bibilib na sana ako sa'yo eh nakabingwit ka ng gwapo na mayaman. Kaso lang drug user pala." umiling iling pa siya na tila nadidismaya.

Inis ko siyang binalingan at tinapunan ng tingin na alam kong mababastos siya.

"Wow ha hindi ka lang pala inggit sa akin. Ang kapal mo naman sa sinasabi mo. Stalker ka ba?  At ang source mo ay iyong mga may malalaking bunganga na walang alam kundi siraan ako sa social media!" kinontrol ko ang sarili na hindi sumigaw. But I was sure that I made it clearly while gritting my teeth from too much anger.

"Hahahaha! Of course! Ang dami mong ginagawang kalokohang pinagagawa kaya ka pinagchichismisan-"

"Whatever bitch! Makipag-usap ka na lang sa akin kung may ihaharap kang matandang amerikanong sugar daddy!" I shouted back.

Naputol and litid ng galit ko kaya ako napasigaw pabalik sa kanya at nasabi ko iyon. I laughed remembering what I said to that girl.  Talaga lang Loren ha pinandigan mo talaga ang pagkakaroon ng sugar daddy?


"Wow sosyal may bodyguard ka Lors?" hindi makapaniwalang sinulyapan ni Ira ang nakabuntot kung bodyguard kanina.

"Yeah mama insisted kaya ganon. Pumayag na rin ako since I've been receiving too much too hate too. Nakakainis may nakaingkwentro pa akong nursing student kanina." bumalik muli ang asim ng mukha ko nang maalala ang babaeng iyon.

Hindi naman siya nakasagot pa sa huli dahil tinawag ko ang bodyguard ko. Her face was priceless when she panicked! Hahahaha buti nga sa kanya.

"Sana nandoon ako at masabunutan ko iyon!" Ira grunted.

Kaming dalawa lang muna ngayon sa nap room. It's our vacant time and many of my classmates including Gabby, Althea and Solene went to the gym to practice. While kami ni Ira ay mas piniling makapagpahinga rito.

"I miss Syverth..." I said out of the blue.

Huling kita ko pa sa kanya ay noong weekend sa Lanang. Hindi ako makatyempong tumakas dahil nasa bahay lang si mama.

"Paano iyan eh illegal na kayo sa mama mo." malungkot niyang tugon.

"Naiintindihan ko naman si mama."

Staring at the Sun [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon